Kelly POV
"Yan kasi, kung di ka sana basagulero di sana di tayo grounded" Pangangaral ko kay Cairo habang sya ay nakapamulsa lang at parang walang pakealam sa mga nangyayari. Papunta kami ng sari sari store para bumili ng pagkain dahil nga grounded kami, di na daw responsibilidad ni tita na pakainin kami.
"Pabili po" Tawag ko.
"Pabili po" Pag uulit ko wala kasing sumasagot.
"Pabili po, may tao po ba!" Medyo naiinis na ako eh. Lumabas naman ang isang babae ka age lang namin.
"Di pa matigas ang ice" Sabi ng isang babae at busy sa kaka cellphone.di ko pa nga sinasabi kung anong bibilhin eh. Sa tingin ba nya wala kaming ref para bumili ako ng ice?
"Di po ice bibilhin namin" sabi ko pero di man ako binalingan ng pansin.
"Eh ano?" Masungit nyang sabi habang panay pa din ang pag tetext.
"Instant noodles nalang bilhin natin?" Bulong ko kay Cairo pero umiling eto.
"Eh ano?" Aba namimili pa, yun lang kaya kong lutuin eh.
"Do you have any frozen foods?" Biglang tanong ni Cairo dun sa babae na nagtitinda.
"Wal--ah este ano yun pogi?" Nagulat naman ako sa biglang pag iba ng mood nung tindera. Tumigil sya na pag tetext at nag pa cute kay Cairo.
"Ano gusto mo? Ako? Ay este enebe" Sabi pa nya at hinawi yung buhok nya papunta sa liko ng tenga nya.
"Meron ba ate? Kasi kung wala aalis kami" Masungit kong sabi dito.
"Meron miss, maghintay ka" Masungit nyang tugon at tumingin kay Cairo saka nag pa cute ulit.aba!
"Pogi ano ba yung bibilhin?" Nag iba na naman mood nya nang si Cairo na kinakausap nya.
"Any frozen foods will do" Sagot ni Cairo dito pero di pa din umalis ang babae saka nakipagtitigan pa kay Cairo.
"Miss pakibilisan" Nag fake smile pa ako at kinalma ang sarili,pag ako nasobrahan na sa gutom ,kakainin ko talaga si Cairo sa harap nya.
"Sige pogi hintayin moko ha, babalik ako para sayo" nag pa cute pa ulit sya bago umalis. Napatingin naman ako kay Cairo nang sinundan nya ng tingin ang babae.
"Oh ano? Type mo ba? Baka gusto mo hingin ko number nya para sayo" Inis kong tugon kay Cairo. Nahiya pa eh.
"Pfft she's cute" Sinamaan ko naman sya ng tingin. Talaga? Mukha kayang butiki.
"Oo bagay kayo" Sabi ko at inirapan sya.
"Pero ikaw mahal ko" Ah ganun?
"Haha" Peke kong tawa.
"Pogi eto na lahat ng uri ng frozen foods namin, pero ok lang kung wag mo nang bayaran" Napataas naman ang kilay ko.nangiinis ba talaga ang babaeng to?.
"Thanks" Sabi ni Cairo saka kinuha ang plastic.
"Pogi di mo ba kukunin number ko?" Nalaglag naman ang panga ko. Seriously?!
"No" Maikling sagot ni Cairo
"Ok, ako nalang kukuha ng number mo" Nag beautiful eyes pa sya.
"Wag na, ito bayad oh" sulpot ko sa love story nila saka inabot ang isang libo.
"Libre yun para kay pogi" Pag tanggi nya ng bayad. Nagigil ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/208754199-288-k168594.jpg)
BINABASA MO ANG
My Gangster Twin Obsession
AléatoireMeet Kelly De Ville and Cairo De Ville,the twins with different personalities. Kung saan malalaman ni Kelly na lahat na nakapalibot sa kanya ay di nya pa lubusang kilala,lalong-lalo na ang kambal nya...