CHAPTER 17

547 24 0
                                    

Kelly POV

"Kelly!" Na alimpungatan naman ako dahil sa ingay, maya maya naramdaman ko lang na may yumuyogyog sakin.

"Kelly gising!!" Napadilat naman ako ng mata at sinamaan ng tingin si Dianne. Anong trip neto?

"Ano ba?!" Inis kong sabi,ang aga aga eh.

"Nakakainis ka talaga. Diba may operation pa tayo na bawiin si Cairo?"Agad naman ako napaisip. Actually kagabi ko pa naisip yon. Nais kasi ni Dianne na akitin ko daw si Cairo at bugbugin si Calista pero may naisip ako na mas maayos.

"Dianne naisip ko kasi na wag nalang mag simula ng gulo. Ano kaya kung sabihin ko nalang kay Cairo na buntis ako?" Kesa naman mag simula pa ng away. Paliwanag ko dito.

"Gaga kaba? Kailangan mo nang umaksyon baka kasi i rape pa nung baliw na Calista na yun si Cairo!" Inis nyang sabi sakin.

"Wag kang mag alala mamaya sasabihin ko talaga promise" Nag taas pa ako ng kamay.

"Hays ano ba Kelly pano mo naman sya malalapitan eh laging nakapalibot yung linta na si Calista?" Napayuko naman ako. Bat kasi di ko nalang sinabi yun kagabi

"Basta ako na ang bahala, susiguraduhin ko na walang gulong mangyayari" Napaupo naman si Dianne sa kama katabi ko.

"Tss fine basta pag di nag work,gawin ang plan B ah" Ngumiti naman ako at tumango.

"Ok mag bihis kana dahil ma lelate na tayo. Bilis!" Agad naman akong bumangon at nag tungo sa CR. Pero na realize ko na wala ako sa kwarto ko.

"May na realize ka Kelly? Ako din" Sabi ni Dianne at napatingin sa paligid. Nanlaki naman ang mata nya nang makita sa wall ang mga armas na naka sabit.

"Bat may ganito sa kwarto ni Cairo?"

"Alam mo na"

"Saka bat nandito ka? " nanlaki naman ang mata ko.

"K-kasi si baby Kai dun natulog sa kwarto ko k-kaya nandito ako hehe"

"Tanga ka talaga! Dito ka naman pala natulog ba di mo nalang sinabi kay Cairo!"

"Huh? Di kasi kami bati kahapon saka mamaya na kasi!" Dali dali naman akong pumasok sa banyo para di na mag tanong si Dianne.nag bihis ako at nag breakfast. Maya maya ay natapos na ako at sumabay na ako kay Dianne papuntang school. Di kasi ako masusundo ni Keyden dahil susunduin nya ang mommy nya sa airport, na miss ko tuloy si mommy.

"Oh anyari sayo?" Napatingin nanam ako kay Dianne na nag mamaneho.

"Wala na miss ko lang si mommy" Sumandal ako sa bintana at tinignan ang tanawin sa labas.

"Btw alam ba ni mommy mo na buntis ka?pfft" Natatawang sabi ni Dianne. Hays masaya ba sya na lagot ako kay mommy?.

"Hindi syempre. Saka ko na sasabihin pag nandito na sya, ayaw ko naman syang bigyan ng problema lalo na at namomoblema pa sya sa business namin" Paliwanag ko.

"Mabuti yun wag mo munang sabihin kay tita Krystal hehe" aba kinokonsente ba ako ng babaeng to?

"Andito na tayo" Bumaba na si Dianne syempre bumaba na din ako.

"Kelly may P.E pala tayo first subject wengya nakalimutan ko" Napakamot pa ng batok si Dianne.

"May extra ako sa locker" Walang gana kong sabi.

"Talaga? Pahiramin moko? Salamat ah" Nakangiting sabi neto. Hays wala akong gana mag P.E pano kung malalag anak ko?.

"Tara na mag bihis na tayo" Hinatak ako ni Dianne papuntang locker para kunin ang mga damit namin, dumiretso na rin kami sa CR para mag bihis.

My Gangster Twin ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon