Kelly POV
Maaga pa ako nagising kahit di ako makatulog kagabi. Dumeretso ako sa banyo para maligo at mag bihis. Di ko naabutan si kuya sa kusina pero may nagamit na plato akong nakita. sigurado akong naka kain na sya at nandon na sa sasakyan nya ngayon.Kumain na rin ako pero medyo binagalan ko para di na ako hintayin ni kuya,balak ko nalang mag commute dahil di pa rin ako mapakali sa nangyari kagabi.di ko alam kong anong sumanib kay kuya kaya nya yun ginawa,pero ang alam ko kailangan ko muna syang iwasan.Pag labas ko ay napabubtong hininga nalang ako dahil nakita ko si kuya na nakasandal sa kotse nya habang naka pamulsa.nilagpasan ko naman sya at lalabas na sana ako ng gate nung nag salita sya.
"Tss, where are you going?"
"Mag cocommute nalang ako kuya" Sabi ko at humakbang nang mag salita na naman sya.
"Di ka marunong mag commute" Oo nga pala. Di pa ako nag cocommute sa tanang buhay ko. Pano ba to?
Beep beep~~
Napatingin maman ako sa labas nang may nang businang sasakyan. Nakasakay dun si Keyden.
"Good morning my love" Nakangiti nyang bati. Nakita ko naman ang reaction ni kuya at ang pag yukom ng kamao nito.
"A-anong ginagawa mo dito?" Di ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman.
"Andito ako para sunduin ka at para sabay na tayong pumasok. Kahit di ka nag good morning sakin" Ngumisi naman sya.
"Magandang umaga din pala sayo bayaw" bati nya kay kuya pero sinamaan nya lang ito ng tingin. Mas naging dark din yung aura ni kuya. Although kanina pa sya galit dahil kanina pa sya nag tatagalog.No choice na ako,ito lang ang paraan para umiwas kay kuya.
"K-kay Keyden nalang ako sasama" Utal kong sabi saka sumakay sa kotse ni Keyden,at hindi na hinintay na sumagot si kuya.
"Paalam bayaw" Sabi pa ni Keyden tsaka pinaandar ang sasakyan at umalis.nakayuko lang ako habang nag dadrive si Keyden.ramdam ko din na kanina pa pasulyap sulyap si Keyden sakin.
"My love. May problema ba kayo ng kambal mo?" Basag nya sa katahimikan,napaangat naman ang tingin ko.
"H-ha? W-wala naman hehe" Wala naman talaga siguro kaming problema,sadyang di lang ako mapakali sa ginawa nya kagabi.nakakatakot sya.
"Eh bakit di ka nalang sumabay sa kanya kanina?"
'Eh kasi nga kakaiba yun kinikilos ni kuya'
"trip ko lang" Aish! Napakawalang kwentang dahilan naman yun Kelly
"Haha trip mo din bang sumama ulit sakin para ihatid ka pauwi mamaya?" Nakangiting tanong ni Keyden. tumango naman ako.saviour ko talaga si Keyden kahit kailan
"Tss" singhal nya ka napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Oh bakit?"
"Alam mo my love. Alam kong di mo trip trip lang to eh. Alam kong may something" Napalunok naman ako, ramdam kaya nya?
"A-anong ibig mong sabihin?" Halata ba na may kakaiba sakin at iniiwasan ko si kuya?
"Alam kong palusot mo lang yun para makasabay ka sakin. Ano my love mahal mo na ba ako?" What the!
"P-pano mo naman na sabi?" Kunot noo kong tanong
"Ganito kasi yun. Kanina kapa nauutal habang kausap mo ako.tsaka di ka naman ganung klase tao na gumagawa ng desisyon na trip trip lang. Edi sana sinagot mo na ako na trip trip lang din. So mahal mo na ba ako?" Naka ngisi nyang sabi at hininto ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
My Gangster Twin Obsession
RandomMeet Kelly De Ville and Cairo De Ville,the twins with different personalities. Kung saan malalaman ni Kelly na lahat na nakapalibot sa kanya ay di nya pa lubusang kilala,lalong-lalo na ang kambal nya...