CHAPTER 28

430 21 1
                                    

Kelly POV

"Miss Kelly ganda ng outfit mo ah" papuri ni Tyron habang nag mamaneho. Buti naman na appreciate nya hehe. Naka croptop kasi ako na kulay itim tas naka jeans na itim din. Black daw kasi dapat eh,arte ah.

"Salamat,bagay ba?" Sabi ko dito.

"Di lang bagay miss Kelly. Bagay na bagay naks" first day ko ito bilang isang ganap na black scorpio kaya dapat prepared ako. Maya maya ay nakarating na din kami sa hide out...NAMIN haha. Pag pasok namin ay napuno na agad ng bulong bulungan,oo sakto talaga yun sa pag pasok namin.

"Sya ba yung bago?"

"Sya lang nabuhay?"

"Mukha naman syang mahina bakit sya nakapasok?" yan lang ang mga bulungang naririnig ko actually hindi sila nag bubulungan dahil sinasadya nilang iparinig yun sakin. Kasalanan ko bang hell ang pinili nila kaya sila namatay? Tss.

"Hayaan mo na ms.Kelly,inggit lang yan" Bulong ni Tyron,natawa naman ako.bawat na daanan namin ay nakayuko kay Tyron, sya kasi ang kanang kamay ni Cairo,kaya nag bibigay sila ng galang at respeto dito,naks naman. Nakita namin si Cairo sa dulo na katingin samin ni Tyron. Kumaway naman si Tyron dito.

"Tara ms. Kelly mukhang kanina pa naghihintay si bossing" Sabi ni Tyron kaya nagmadali kaming lumapit dun at sa bawat paglapit namin nakikita ko kung gaano ka cold ng tingin samin ni Cairo,sigurado ako na kung may hawak syang baril ay kanina pa kami napaputukan. Dapat ba akong kabahan? Syempre hindi!

"Yow boss wag mo namang titigan si ms. Kelly ng ganyan baka matunaw sya" natatawang asar ni Tyron kaya sinamaan sya ng tingin ni Cairo, pati ako sinamaan din ulit nang tingin ni Cairo. Pahamak talaga si Tyron, pati ako nadadamay eh. Ni head to foot ako ni Cairo at mas lalo syang sumimangot.

"Change your clothes, it's not allowed in here" Sabi nya diretso sa mata ko kaya halos mapatalon ako sa gulat. Tinignan ko naman ang suot ko. Ok naman ah, bagay kaya sakin sabi ni Tyron!

"Boss wala naman sa rules na bawal ang ganyang dam--"

"Shut up Zabala" Sabi neto saka nilagpasan kami. Nagkatinginan naman kami ni Tyron sa inakto nya.

"Tsk tsk tsk" pag iling ni Tyron

"Wala akong dala na extra na damit eh!" Sabi ko dito.

"Pahiramin nalang kita ms. Kelly" Tumango ako,may pakinabang din naman pala sya. pero nagulat ako nang bumalik si Cairo saka may bitbit na t-shirt kaya nagkatinginan ulit kami ni Tyron.

"Here" sabay bato ni Cairo sakin ng damit pero ng dahil sa gulat di ko yun nasalo kaya tumama yun sakto mukha ko. Walangya! Kung wala lang akong atraso sa kanya baka inambahan ko na yun ng suntok tss.

"Pfft" kinuha ko ang damit mukha ko at sinamaan ng tingin si Tyron dahil sa pag tawa nya, nag peace sign naman ito. Sinuot ko nalang ang damit na binigay ni Cairo.

"My twin is my best friend haha talagang wala syang naaalala ms.Kelly" Natawa naman si Tyron nang binasa nya kung ano ang nakasulat kaya napatingin ako sa suot ko. Waahh ito yung binili ko noon sa mall ah!

"Ginoong Tyron" sulpot nang isang babaeng gangster. Tinignan nya ako at tinaasa ng kilay bago binalik ang tingin kay Tyron. May galit talaga sakin lahat ng tao dito.

"Anong kailangan mo sa gwapong ako? Binibini?"

"pinapatawag na ho kayo ni boss Cairo sa training area, pag wala pa daw kayo dun ng sampung sigundo ay di na kayo sisikatan ng araw" Nanlaki naman ang mata ko. Hano daw?

My Gangster Twin ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon