Kelly POV
agad kaming nakarating sa hide out dahil sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Tyron kanina. Halos lumipad kami dahil sa bilis.
"M-miss Kelly ginagamot napo si boss" Usal naman ni Tyron at lumapit sakin.
"Good" Yan lang nasabi ko at naka hinga ako ng maluwag.
"Miss Kelly di po ako masamang damo kaya wag mo na po akong subukang barilin dahil patay kaagad ako nyan sigurado" Sabi pa nya at napakamot sa batok nya. Naalala ko naman nung tinutukan ko sya kanina ng baril pfft. May pa quote pa kasi syang ang masamang damo mahirap mamatay kaya ayon nainis tuloy ako. Actually laruan lang naman ang baril na yun, nakita ko lang yun sa paper bag ni Cairo kanina baka gusto nyang ibigay kay baby Kai, bad influence talaga.
"Tss wag kang mag alala, laruan lang naman ang baril na yun" Pagtatapat ko nakita ko naman ang panlalaki ng mata nya. Haha naisahan ko sya.
"W-wengya akala ko katapusan ko na kanina yun pala laruan lang!sayang naman ang kagwapuhan ko kung nagkataon" natawa naman ako. So sinusugod na pala kami kanina ng mga fire dragon kaya humiwalay si Cairo sakin para di ako madamay. Mahigit 50 fire dragon ang nandun sa buong mall at lahat sila may armas samantalang wala kaming dala na kahit ano. di man lang sinabi ni Cairo ayan tuloy di ko alam na may tama na pala sya. Nakokonsensya naman ako dahil sa pangiinis ko sa kanya kanina sa mall.
"Mommy!" Napalingon naman ako ng tinawag ako ni baby Kai.
"Wahhh baby Kai!" sabi ko at kinarga sya. Agad ko naman syang hinalikan sa pisngi.
"Eww" Sabi nito at pinahiran ang pisngi nya. Luh? Maka eww naman ang batang to.
"Mom you don't need to kiss me, kiss is just for crying babies" Wahhh! Anong ginawa nila kay baby Kai? Bakit parehas na sila mag isip ni Cairo?
"Saan mo naman nakuha yun? At isa pa baby ka pa naman ah!" Paliwanag ko.
"No mommy I'm already six years old" I'm not baby any more. Wahh di pwede!
"Baby Kai para sa--" Napatigil naman ako dahil sa isang sigaw.
"Andito na si Queen Calista Montenegro!" Huh? Queen?.nakita ko naman ang pagsalisi ng mga black scorpio.Nakita ko naman mula sa malayo ang isang babaeng kakapasok lang dito sa hide out. Matangkad, maganda, mukhang mayaman, maputi, fierce ang mukha. Edi sya na maganda. Pakialam ko. Nagsialisan naman ang black scorpio sa dinadaanan nya at ngayon palapit na sya sakin "Tabi!" Sabi nito sakin. Tinignan ko naman ang paligid kung ako ba kausap nya,at ako nga. Ang laki laki ng daan bakit dito pa sya dadaan kitang nandito ako?
"I said tabi. Di mo narinig o di mo gets?" Maarteng sabi nya sa pagmumukha ko. What the!.
"Anlaki ng daan oh. Dun ka dumaan.bulag kaba o tanga?" Inirapan ko pa sya. Ang arte kala mo kung sino.
"What?! Tyron! Who is this fucking old fashion girl infront of me" What the! Me? Old fashion? At minura pa talaga ako ah. Binigay ko na muna si baby Kai sa ibang myembro ng black scorpion baka kasi may mangyari dito eh.
"Ah sya po pala yung kapatid ni boss Cairo,kakambal" Yumuko pa si Tyron. Sino ba ang babaeng to? Bat parang ginagalang talaga.
"Really?" Sabi nito at tinignan ako mula ulo hangang paa. Iniinsulto ba nya ako?.
"Well di lang siguro nya namana ang papaging perfect ni baby Cairo." Hanodaw? Baby Cairo? Eh kung basagin ko kaya mukha neto saka di ko namana ang pagiging perfect?well no body's perfect!
BINABASA MO ANG
My Gangster Twin Obsession
RandomMeet Kelly De Ville and Cairo De Ville,the twins with different personalities. Kung saan malalaman ni Kelly na lahat na nakapalibot sa kanya ay di nya pa lubusang kilala,lalong-lalo na ang kambal nya...