CHAPTER 30

481 20 1
                                    

Kelly POV

Nag hahanda na ngayon ang black Scorpio sa mission nila na pag sugod sa red dragon mamaya habang ako heto nasa bahay pa nag mumukmok.

*Flasback*

"Eto nalang kayang baril ang gamitin ko" Paprinig ko kay Cairo na nasa gilid ko at inaayos ang baril na nagustuhan ko,sa lahat ng baril ito ang nakakuha ng pansin ko. excited na ako sa unang laban heheh.

"Di ka kasama" basag ni Cairo.

*End of flashback*

"Arhgg" Naiinis ako pag naiisip ko yun. Gangster princess ako eh tapos di ako kasama sa laban ang unfair!nalaman ko din na first time nagakaroon ng gangster princess ang gang ni Cairo.nagbihis nalang ako at nag handa para pumasok sa school.

"Argg Travis lubayan mo nga ako!" Nakita ko naman si Dianne saka si Travis sa hallway habang nag lalakad ako. Bakit nadito si Travis akala ko ba tutulong sila sa paglaban sa black scorpio?ay di pala siguro nila alam na susugod ang black scorpio.

"Gago kaba? Ano naman ang masama sa pag pasok sa library?"

"Tss makinig ka nalang,Tara" Sagot naman ni travis at hinatak si Dianne pero pumiglas ito.

"Kyaah" Binuhat ni Travis si Dianne na parang sako ng bigas na ikinagulat nito, miski ako ay nagulat din.umalis sila sa library at man lang nila ako nakita. LQ ata ang dalawang yun. Napailing nalang ako saka pumunta sa locker ko para ilagay ang ilan kong libro. Pagbukas ko nang locker may nahulog na pulang sulat sa paanan ko. Bigla naman akong kinabahan, akala ko tumigil na sya. Napabuntong hininga muna ako bago kinuha ang sulat.

"Wag naman sana" Binuksan ko yun pero tama nga ang hinala ko galing na naman ito sa lalaking naka maskara. Binuksan ko ang pulang sulat na yun na nakatupi lang naman.

"They're falling into my trap" Basa ko. A-anong trap?

*Bogsh!*

"Kyaahh" Nagulat naman ako sa biglang pag sabog at nang gagaling yun sa library kasabay nun ang pagsitakbuhan ng mga estudyante.ilang minuto akong naestatwa bago naisipang tumakbo. Shit! Nandito ang mga red dragon?Ibig sabihin bitag lang yung sinugod na hide out nina Cairo!

"Kyaahh!" Sunod sunod na yung pagsabog at nasusunog na din yung ibang parte ng university.nakarinig naman ako ng sunod sunod na pagputok.tumakbo ako pababa dahil nasa second floor ako. Maraming estudyante ang nagtutulakan sa hagdan mabuti nalang at naka daan ako. Napalingon ako sa likuran at dun ko nakita ang ibang red dragon na tumatakas. Gusto ko silang sundan pero alam kong di ko sila kaya. Alam kong sila ang nagplanta ng bomba at alam kong alam yun ni Travis kaya pilit nyang inilayo si Dianne doon kanina. So alam nila na susugod ang black Scorpio?

"Babe wala akong kinalaman dun" Nakita ko sa malayo sina Dianne at Travis na nagbabangayan.nag sidatingan naman ang mga pulis at bombero kaya agad na tupok ang apoy. Buti nalang at medyo malayo ako sa library kanina. Di nahuli ng pulis ang kahit isang red dragon. Wala din namang namatay na estudyante pero may mga nasugatan. nagdala yun ng trauma sa mga estudyante. Na suspend din ang klase namin dahil sa nangyari kaya naisipan ko nalang na umuwi.

"Hays" Di ko mapigilang mapabuntong hininga habang nag lalakad ako,ayokong mag commute dahil ayokong makarating agad sa bahay kasi wala naman akong gagawin dun.pano ba naman kasi di ako mapakali at nag aalala ako kina Cairo. Kung sinama sana nila ako di pa boring araw ko ngayon.

"Huh?" may naramdaman akong nakasunod sakin kaya bigla akong kinabahan at nag mamadaling lumakad, ramdam ko din na papalapit sya kaya lumingon na ako.

My Gangster Twin ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon