CHAPTER ONE: BOOK CLUB

219 73 0
                                    

CHAPTER ONE: BOOK CLUB

Maaga akong umalis ng bahay kagaya ng nakasanayan, since nasa tabing daan lang ang bahay namin pwedeng lakarin. By 6:30 nasa loob na ako ng classroom, nakita ko yung mga notebook na ipinasa sa subject ng Science, nagbibiglaan kasi ng check ng notes yung teacher namin 'don, kailangan maka-sampung pirma kami bago ang end ng school year dahil kung hindi, pahirapan magpa-pirma ng clearance.

Wala pang tao sa classroom kundi ako, kaya kinuha ko yung mga notebook at inilagay sa upuan ng mga kaklase ko na sinipag, nakapag-sulat at nakapagpasa. Unfortunately, tamad ako kaya wala akong notes na naipasa nitong huli, katamad kaya magsulat.

Kanya-kanyang notes habang nagvi-video presentation, e mas masarap manuod kesa magsulat.

"Uy!" Agad na nadako sa may pintuan ang tingin ko. Si Avril, isa pang tamad magsulat. Agad siyang lumapit sa pwesto ko, magkatapat lang kami ng upuan e.

"Ilan na ang pirma mo jan?" Sabay nguso niya doon sa notebook na hawak ko, akala niya ata Science notebook ko 'to. Binuklat ko ito at iniharap sa kanyang ang pangalang 'JOURNAL NOTEBOOK'. Napa- "Ahh," naman siya. Akala ko tatantanan na ako pero..

"Ilan na pirma mo sa Science?" ulit na tanong niya sakin. Tinatamad akong kunin ang Science notebook ko kaya nanlambang na lang ako ng number.

"Six ata."

"Hala! Kulang ka rin?" napapikit na lang ako. Why is she annoying me this early in the morning?

"Ilan na ba?" Walang-ganang tanong ko sa kanya. Kelan ba dadating 'yong iba? Para naman may makausap na itong iba.

"Tinanong ko si Jeanley, 8 na daw," napatango naman ako.

Reliable source of information: Jeanley Marquez. Valedictorian ng elementary, top 1 mula grade 7 hanggang ngayong grade 10. Certified nerd.

"Kapag daw hindi naka-kumpleto ng pirma sa notebook, magre-recite daw ng 'nong table chuchu."

"Math?" kunot ang noo na tanong ko sa kanya, Science ang subject tapos ang recitation ay math? o baka naman periodic table of ..

"Elements. Di ko alam bobo ka din pala," nagpipigil pa ng tawa na sagot niya sakin. Hindi ko naiwasan ang pag-irap sa ere. Kingina, ako pa? Ako pa talaga ang bobo? Hampasin ko kaya siya ng journal notebook? Hindi ko na siya pinansin kahit pa ba, hindi pa rin siya umaalis dito sa tabi ko. Hindi ko rin siya inaalok na umupo, bahala siyang mangalay sa pagtayo.

Nang kumalma na siya sa pagtawa niya, kinausap niya na naman ako. Jusko po, bakit ang tagal nila?

"Kung six na ang sayo at eight na ang chineck-an, ibig sabihin may kulang kang dalawa?" Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya, para siyang bata na nakatanga sa kin. Laki pala ng mata neto?

"Baka tatlo?" sarcastic na sagot ko sa kanya. Nagbilang naman siya sa daliri niya bago ako hinampas sa balikat at tumawa ng malakas.

"Eight minus six is two. Mag-aral ka nga, ang bobo mo naman. Ang basic na 'non e! " napapikit na lang ako sa sobrang inis at kinalma ang aking sarili.

Alam kong mahina ako sa math but not to the point na hindi ako marunong ng subtraction. Hindi ko na lang siya kakausapin, masisiraan ako ng bait!

Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko, "Wag ka na mahiya, hindi ko ipagsasabi sa mga kaklase natin na hindi mo alam ang eight minus six," saka ko naramdaman ang yabag ng paa niya palayo. Narinig ko pa ang pagbungisngis niya.

Hindi niya ba alam ang ibig sabihin ng sarcastic? O hindi niya alam ang sarcastic?

Sabi naman sayo Catherine, tigilan mo na ang pagpasok ng maaga mula ngayon, napagkakamalan ka pang bobo.

Recess nang i-excuse ako ng President ng Book Club ng School. Dahil ako ang secretary, ako ang mas madalas nilang kasama ng Vice. Okay lang naman sakin dahil kasundo ko naman silang dalawa. Hindi ko rin sila matarayan dahil nga, mabait naman sila sakin at saka duh! Senior ko sila. Grade 10 lang ako at Grade 11 na sila.

Bali-balita na samin kung gaano kahirap ang grade 11 and yet this two is top of their class kahit pa ba napaka-matrabaho na maging isang member ng Book Club. Naaastigan lang ako sa kanilang dalawa kasi they organize their time well, hindi sila nagkra-cramming. E ako? 'Pag napatambay sa online games, bahala na ang projects. 'Pag nanunuod ng KDrama, hindi na ako maawat. Bahala na ang school works. Watch now, School works tomorrow.

"Are you sure okay lang sayo?" tanong sakin ni Chars, Vice President ng Book Club.

"Oo naman," malawak ang ngiting sagot ko. May inaayos kasi silang Book Signing Event para sa mga members ng Book Club kaya ipinapasa nila sakin ang pagbabasa ng journals at pag-iintindi para sa mga piece na ipinasa 'nong ibang estudyante.

Kinawayan ko sina Chars paalis. Hindi ako sanay tumawag ng Ate kung ilang taon lang naman ang tanda sakin. Maliban na lang kung pinsan kita o kaya tindera ka ng streetfoods o tindahan.

Napapadyak ako nang makaalis na sila ng tuluyan at nakipagtitigan sa tambak ng papel sa harap ko. I love literary works. I love fiction. I love books. I love writing, yes! But not reading, lalo na kung piece ng mga grade 8 students ng Saint Claire Academy. Hindi ko alam kung paanong lahat naman ng pumapasok rito ay mayaman o may kaya sa buhay pero sobrang jeje. Potek.

I will say this because it's true and this is not 'panghuhusga or panglalait' to them. Pero kasi, most of the people write nowadays because it's the trend. Kaya 'yong piece nila, walang laman, walang puso. Those were just papers with letters and I can't call it 'piece'. Piece of shit, pwede. It seems like they write para matawag sila na 'writer'. They write to be a writer but they didn't know that a writer must write with her heart to be called 'writer'. Hindi nila alam ang bigat na gusto nilang pasanin just by claiming that they were writers.

"Oy, andito ka pala," walang gana ko siyang tinapunan ng tingin at pinangunutan ng noo.

"Anong kailangan mo na naman?"

"Eto naman irita agad," nginitian niya ako ng malaki. Nagpeke ako ng ngiti pabalik.

"So ano ngang kailangan mo?" I tried to soften my voice a little.

"Samahan mo 'ko this weekend,"

"Ayoko."

"Sige na," pamimilit niya pa. Umiling ako sa kaniya.

"Pagagayahin kita sa math," napaisip ako sandale. Pinaningkitan ko siya ng mata kaya lalong lumawak ang ngiti niya. Itinaas-baba niya pa ang kilay niya na parang sinasabing pumayag na ako kung ayaw kong bumagsak sa activity.

Napairap ako bago tumango sa kaniya.

Letseng math kasi 'yon bakit ang hirap

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon