CHAPTER TWELVE: THE BESTFRIEND"Mionnette!" Mula kay James ay napalingon ako sa aking kaliwang bahagi. Who dares call me Mionnette?
Ah. Jameson Peter Rivera - one of the most annoying guy that ever lived.
"Oy bestfriend!" Nalipat sa kanila ni James ang tingin ko. Bestfriend? Nakataas ang kilay na tiningnan ko si James. Kinunutan niya naman ako ng noo.
"Kilala mo 'to bestfriend?" Itinuro ako ni James. Parang tanga namang tumango si Peter.
"Sa kasamaang palad ay pinsan ko 'yang singkit na 'yan bestfriend," napamaang ako dahil sa sinabi ni Peter at sa tono ng pananalita niya. Humagalpak ng tawa si James. Sa inis ko ay iniwan ko na silang dalawa don sa may gate na parang tangang tumatawa. Kainis!
"Cathy!"
"Ano?" pagalit kong tugon kay Avril. Don't tell me na pati siya ay bwibwisitin ako?
"High blood?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Birthday ng Jeboy triplets sa Sabado. Pupunta ka?" Hindi ako sumagot. Nang matanaw ko ang classroom namin ay mas nagmadali ako sa paglalakad.
Damn, wala ako sa mood makipag-usap kahit na kanino. Pagkarating ko sa upuan ko ay agad kong ibinatang ang bag ko don at pabagsak na umupo saka naglagay ng earphones. Itinodo ko ang volume.
Natapos ang limang kanta nang mapamulat ako dahil may bumato sakin. Agad akong tumingin sa direksyon kung saan ito nanggaling.
Two idiots are in the door of my classroom and still laughing. Inirapan ko si Peter nang parang tanga niya akong mwestrahan na lumapit sa pwesto nila.
"Mr. Rivera, Mr. Villazarde." Hindi ko napigilan ang matawa nang parang estatwa na tumuwid silang dalawa ng tayo nang marinig ang boses ni Miss Cruzat - isa sa pinaka-terror na teacher sa St. Claire Academy.
"What are you two doing here? Especially you, Mr. Rivera." Hindi kasi dito nag-aaral si Peter, pero nakakapasok siya sa school namin dahil si Tito Andrei - na daddy niya ang principal namin.
"May ipinadala lang po si Daddy sa office niya." Napalunok si Peter.
"Go." Mabilis na tumakbo at umalis si Peter pero si James ay lumingon muna sakin at ngumiti bago nakapamulsang sumunod kay Peter.
They fit to be each other's bestfriend, kulang na lang sila ng isa para three idiots na.
Pagkalapag ni Miss ng nga papel niya sa teacher's table ay automatic akong tumayo sa upuan ko at lumapit sa kaniya. Ako lang sa lahat ng estudyante niya sa St. Claire ang nakakalapit at nakakahawak sa mga gamit niya. Sa tuwing chine-checkan niya ang mga submitted essays and written activities namin ay ako ang naka-assign na mag distribute non sa mga kaklase ko.
"Is Mr. Villazarde courting you?" Nangunot ang noo ko bago ako umiling sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya bago nagtawag para sa attendance.
Does it looks like James Villazarde is courting me? How? Nasa labas lang ng classroom ko nanliligaw na agad? The heck with older people's mindset.
---
"Bawal um-attend ang walang regalo ha!" Halos lahat kami ay natawa dahil sa sinabi ni Noah.
"Ang daya niyo namang tatlo kayo e. Kapag kami ang may birthday, hati-hati kayong tatlo sa isang regalo tapos kapag birthday niyo kailangan bawat isa sa inyo meron." Humagalpak ng tawa ang Jeboy triplets dahil sa sinabi ni Chars. Kahit si Pres ay natawa rin.
"Kailangan niyo pumunta debut 'yon," nang-aasar na sabi ni Ivan.
"Ha? Hindi ba 21 ang debut kapag lalaki? 18 pa lang ang Jeboy triplets diba?" Natigil sa asaran ang lahat nang sumingit si Avril.
"Joke lang 'yon, baby girl." Napuno ng tuksuhan ang table namin nang tawagin ni Noah na 'baby girl' si Avril. Napapansin ko na napapadalas ang pagtawag niya ng baby girl kay Avril. May something ba sila?
"Baby girl daw, yuck!" Asar ni Nicholas.
"Cornyyy," mahinang segunda ni Neo. Agad naman silang binatukan ni Noah.
At dahil mukhang hindi pa nagets ni Avril na joke ang sinabi ni Ivan, in-explain pa ni Noah kay Avril na joke lang 'yon at kung paano 'yon naging joke.
"Next time huwag ka na kasi mag-joke, nauuwi sa explanation e." Tumawa sina Chars dahil sa sinabi ko.
"Si Anthony ba, invited din?" Natigil ako sa tanong ni Chars.
"May something ba sa inyo ng bago na 'yon? Sa room palagi kayo magkasama tapos kapag hindi natin kasama bukambibig mo." Kagaya ng iba ay nadako kay Chars ang paningin ko. Kagaya ng iba ay naghihintay rin ako ng sagot. May something ba sila ni James? Bakit parang masikip sa dibdib? Bakit parang mahirap huminga?
Awkward siyang ngumiti samin at nagkamot sa batok. Now, paano ko ii-interpret ang action niya? Is it a yes? May something sa kanila? Ano?
"Ano ba kayo, wala no!"
"Pero may gusto ko sa kaniya?" Nalipat kay Nicholas ang paningin ko. Kanina pa namin siya kasama sa mesa pero ngayon lang siya nagsalita. At bakit ba sakin siya nakatingin? Ako ba ang tinatanong niya o si Chars?
"May gusto ka sa kaniya, Charmelle?" Naiirita ako sa kaseryosohan ng boses niya. Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Hindi ko gusto ang paraan niya ng pagtingin sa akin.
"Ikaw, Catherine? May gusto ka ba sa kaniya?" Na-blangko ang utak ko. Bakit sakin nalipat bigla? Naramdaman ko ang titig nilang lahat sakin pero hindi ko sila malingon. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Nicholas na tinopak naman ata ng kabaliwan niya.
"Bakit mo naman natanong si Catherine ng ganiyan, brader?" Narinig kong tanong ni Noah. Nagkibit-balikat si Nicholas saka ngumiti.
"Wala lang. Naninigurado lang." Kinunutan ko siya ng noo. He murmurs something. What is it?
Nang magtayuan ang lahat para bumalik sa kaniya-kaniyang klase ay agad kong hinabol si Nicholas na naunang maglakad paalis.
"Anong problema mo?" Dahil medyo mainit ay hinila niya ako sa ilalim ng puno na malapit.
"What?"
"Anong problema mo?"
"Bakit?" Sinuntok ko siya sa balikat dahil nakuha niya pa akong ngitian na parang nag-eenjoy pa siyang makita na nagagalit ako.
"Bakit mo ginawa yon? Bakit mo ko tinanong ng ganon sa harap nila? Damn! Nakakahiya. Baka mamaya kung anong isipin nila. Baka mamaya lagyan nila ng malisya lahat. Ano ba Nicholas? Hindi ka ba nag-iisip? Nang-aasar ka na naman? Ano na namang trip mo?"
"Tinanong lang kita dahil gusto ko. Ah, you didn't give your answer earlier, ngayon mo sagutin."
"Bakit ko kailangan sagutin?" Mataray na sagot ko sa kaniya. Napakawalang-kwentang tanong pero gusto niya pag-aksayahan ng panahon.
"Because his answer didn't matter. Yours does." Kinunutan ko siya ng noo. Ano bang pinagsasasabi niya?
"Gusto mo ba 'yong bago na 'yon Catherine?" Nagulat ako sa kaseryosohan ng mga mata niya. Bakit ba parang sobrang importante sa kaniya ng sagot sa tanong na 'yon? Unless ...
"Ikaw? May gusto ka ba sa kaniya, Zaccharie Nicholas Monteveda?" Napangiti ako sa sarili kong tanong. I'm expecting him to laugh or return a silly joke but his face became more serious.
"How can I like him e ikaw ang gusto ko?"
One of the things I hate about Zaccharie Nicholas Monteveda eversince we were young is that ... I cannot tell when is he lying or not.
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Teen FictionA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...