CHAPTER EIGHT: PASSENGER
"Tayo na jan, hahatid kita sa inyo." Umiling lang ako sa kaniya at nanatiling nakapikit.
"Tigas naman ng ulo, Mionnette."
"Don't call me that," saway ko sa kaniya. No one calls me Mionnette. Si Mommy lang.
I heard him laugh.
"Willing naman akong ihatid ka kahit malayo 'yong bahay niyo. San Lucas Miciano? Isang oras at kalahati ang byahe papunta don diba?" How did he know my address?
"Your mother is probably worried. Tara na." My mother never worries about me.
"Cath? Hoy, wag ka matulog." Narinig ko ang pagpadyak ng paa niya. Hindi ko napigilan ang ngumiti dahil mukhang naiinis na siya. That's good, para lubayan niya na ako at iwan mag-isa dito. A part of me want to see how he got mad but a little part of me is also scared. Ano bang malay ko kung nanununtok pala siya kapag naaasar?
Nakarinig ako ng ringtone pero sigurado akong hindi sakin.
"Wait," I open my eyes and saw him talking with someone over the phone. Hindi siya masyadong malayo sa pwesto ko kaya naririnig ko ang sinasabi niya.
"Matulog ka na, Kristina. Magsara ka ng mga pinto at bintana, wag kang magpapapasok ng hindi mo kilala ha? Pauwi na rin ako maya-maya. I just need to take someone home." He paused for a moment.
"Huwag ka ng panay ang internet. Matulog ka na. Huwag kang makulit panget, hindi kita isasama kapag nanood ako ng movie sige ka." He laughed before he ends the call.
Bigla akong na-guilty kaya agad akong tumayo at inayos ang laman ng bag ko. He was here with me when he should be with his sister right now. Bigla kong naalala na may kapatid nga pala siya na kagaya ko ay babae- mag-isa kahit disoras na ng gabi.
Pag-ikot niya paharap sakin ay nagulat pa siya na nakatayo na ako at handa na umalis.
"What?" Umiling naman siya.
"Wala lang. Akala ko hindi ka na tatayo e. Tara na?"
"Tara." Para makauwi ka na.
Medyo awkward ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. Well, hindi ako sanay. Ang lakas maka-babae.
Habang tinatahak namin ang palabas ng gate sobrang awkward ng ambiance na halos hindi ako makagalaw o maka-lingon manlang. Arg!
"Music?" tanong ko sa kaniya.
"Nah."
"Hindi ka fan?"
"Fan." Maikling sagot niya.
"E bakit ayaw mo? Ayaw mo ng maingay?"
"Wait. Ano ba? Humahanap pa nga ako ng tiyempo para magtanong sayo e." Nagulat ako sa sinabi niya. No one really blurts out what's inside their minds except this guy.
"Ano ba 'yon?"
"Shit kinakabahan ako." Hindi ko napigilan ang matawa sa reaksyon niya. Is he going to confess? Bakit siya kinakabahan?
"I just... wanna know you more,"
Why would he wanna know me more? No one really wanna know me more. Suplada ako, period. Walang nagtatanong kung bakit. Maldita daw ako period, walang nagtatanong kung paano ako naging maldita. What they saw that I did that's it. Walang nagtatanong ng side ko. Well, ganon naman talaga ang mga tao, they only look at the one side of the story. At sa bawat istorya, isang lang ang bida. Sa bawat istorya, bida lang ang mahalaga. Ni walang nagwa-wonder kung bakit ba ginawa ng kontrabida ang mga ginawa niya. E kasi kontrabida siya kaya niya nagawa 'yon but no, there's a bigger picture than that. It's sad na kapag extra ka, kapag kontrabida ka - hindi ka kamahal-mahal. It's always the bida that gets all the attention and love. And it's unfair.
"Bakit?" Hindi ko napigilang itanong pero nagkibit-balikat lang siya. Is this an oppurtunity for me to know him too?
"Ask me then. Huwag lang bastos, sasapakin kita." Tumawa siya.
"Noted. I was told na malakas ka raw manapak." This time, we both laughed.
"Laki kasi ng braso mo e," hindi ko napigilan ang sarili kong hampasin siya kahit hindi naman kami sobrang close. It's my reflex. Nasanay akong nanghahampas kapag may nang-aasar sakin ng mataba o kaya naman inaasar 'yong mata ko. Well, nasanay rin kasi akong ka-close ko lang ang may lakas ng loob na asarin ako.
"Aw!" I was about to say sorry when he didn't stop laughing. Okay, I won't say sorry - he deserves it.
"Okay, seryoso na. Sakit ng hampas mo."
"Asarin mo ko uli," he chuckled.
"Passion mo talaga magsulat?"
Mabilis ang naging sagot ko. "No."
Saglit siyang lumingon sakin at binigyan ako ng hindi naniniwalang tingin.
"It's more like a hobby. A habit perhaps?"
"Anong pinagkaiba?" Napairap ako sa ere bago sumagot. I unbuckled my seatbelt at bahagya akong tumagilid ng upo para medyo nakaharap ako sa kaniya.
I noticed something!
"Ang cute ng taling mo," It automatically came out from my mouth. His smile became wide.
"Cute ko?" Umiling ako sa kaniya.
"Taling ka ba?"
"Pick-up line ba 'yan?"
"Siraulo ka ba?" Natatawang tanong ko sa kaniya. Ganito talaga ako kiligin e - natatawa.
"Sasagot na ba ako ng 'bakit'?" Hinampas ko siya sa braso. Letseng 'to, ang gwapo ngumiti.
Nang humalakhak siya ay namumula akong bumalik sa dati kong pwesto. I buckled my seatbelt again at straight lang na umupo. I didn't even bother to look at him. Damn! He's taking my breath away!
Napapitlag ako nang kulbitin niya ako sa bewang.
"Anong difference? Hindi mo na ako sinagot porket na-mesmerize ka sa mga gwapo kong taling," humalakhak siyang muli pagkasabi niyon. Feeling ko ay lalong tumindi ang pamumula ng mga pisngi ko. Buti na lang, gabi na.
"Hoy."
Tinabig ko ang kamay niya nang muli niya akong kulbitin.
"Wala na ako sa mood sumagot."
"Nakakawala ba talaga sa wisyo ang mga gwapong taling ko?"
Napapikit ako. So this is the effect of a simple compliment to him? I wonder kung gaano katagal bago siya makakamove-on?
"I understand. Asset ko talaga yan e," natawa ako sa loob ng isip ko. Just wow, nakakamangha ang self-confidence ni Mr. Villazarde. Though I must admit - hindi mayabang ang dating. Hindi parang tatangayin na siya sa hangin. Let's make it more simple - hindi nakaka-turn off.
"Numerous girl from my class back in the middle school always tells me how handsome I am because of my moles."
I can't help but to chuckle. Binabawi ko na ang sinabi ko. Mayabang si Mr. Villazarde at natatatakot ako na baka bigla na lang kaming tangayin ng malakas na hangin. For the last part - I'm not feeling it yet. Hindi pa ako nate-turn off siguro kasi totoo naman? But I won't tell him that. Never.
"Talaga?" I mockingly asked him but he just proudly nod his head.
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Ficção AdolescenteA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...