CHAPTER THIRTEEN: DINNER

59 26 1
                                    


CHAPTER THIRTEEN: DINNER

"Hindi ka naman cleaners bakit ka naglilinis?"

"Huwag ka magulo," saway ko kay Avril.

"Sungit," narinig kong bulong niya. Habang nag-aayos ako ng upuan ay pasimple akong sumilip sa may pintuan. Nakatayo pa rin don si Nicholas.

Nakakainis kasi bakit sira 'yong isang pinto hindi tuloy ako nakalabas agad kanina.

"Singkit!" Iritado kong nilingon si Peter na kararating lang, nasa likod niya si James. Tinapik ni Peter sa balikat si Nicholas at walang pakialam na pumasok sa room namin.

"Matagal ka pa? Kanina pa kami nag-iintay ni James sa may gate. Hahatid ka daw niya." Agad lumipad papunta kay James ang paningin ko. May usapan ba kami na ihahatid niya ako?

"Tara na Mionnette, may lakad pa kami ni bestfriend pagkahatid sayo."

"Hinihintay ko si Cath, Rivera." Seryosong singit ni Nicholas.

"Ihahatid mo ba siya?"

"Siguro kailangan na talaga natin magpabili ng sasakyan kay Daddy," narinig kong bulong ni Noah kay Neo.

"Sa tapat lang ng school ang bahay natin, bakit kailangan natin ng sasakyan?" sagot ni Neo kay Noah.

"Ikaw na lang maghatid sa kaniya? Gusto mo?" tanong ni Peter kay Nicholas pero napansin ko ang pagkurot ni James kay Peter.

"Ha? Bakit?" bulong ni Peter.

"Eh may pag-uusapan pa nga sila, alangan naman na hintayin pa natin na matapos? Bukas mo na lang siya ihatid, bestfriend."

"May ilalakas pa ba 'yang bulong mo?" Sabay na natawa si Noah at Neo sa sinabi ni Avril. Napakamot sa batok si James at alangang tumingin sakin. Nang balingan ko si Nicholas ay seryoso siyang nakatingin sakin.

"Sige Cath, bukas na lang tayo mag-usap."

Hindi ko alam kung bakit parang nasaktan ako nang tumalikod na siya at maglakad palayo. Ilang beses ko na siyang nakitang naglalakad palayo sakin pero bakit ako nasasaktan ngayon? Dahil ba sa lungkot sa mga mata niya o dahil sa lungkot ng ngiti na ibinigay niya?

"Una na rin kami," paalam nina Neo. Tumango ako sa kanila.

"Tara na?" Inirapan ko si Peter bago ko kinuha ang bag ko sa upuan. Nakakainis kasi siya. Napaka-insensitive!

"Bakit kasi hindi ka na lang umuna kung apurado ka?"

"Ano bang problema mo? Gusto mo ata makipag-usap 'don edi sana sinabi mo, hindi naman kita pipigilan."

Nagpanting ang tenga ko kaya mataas ang boses ko nang sumagot ako sa kaniya. "Sinabi ko bang pinigilan mo ko?"

"Eh bakit ka nagtataray?"

"Gusto ko, ano bang pakialam mo?"

"Napaka-taray mo!" Pasigaw niyang sabi. Napamaang ako bago siya hinampas sa balikat at umuna ng maglakad.

Agad humabol sa akin si James at nang matanaw ko ang kotse niya ay tumakbo siya papalapit don para pagbuksan ako ng pinto sa passenger's seat.

"Bestfriend!" Nagrereklamong sigaw ni Peter. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Ano na naman bang problema ng abnormal na 'to?

"Pwesto ko yan e!" Sabay turo niya sa passenger's seat na iniaalok sakin ni James. Tinaasan ko siya ng kilay bago ako pumasok. Natatawa siyang nilapitan ni James at pinilit na umupo sa back seat.

Buong biyahe papunta sa bahay ay walang ibang ginawa si Peter kundi magparinig sakin ng 'Mang-aagaw'. Like what the hell? Hindi maka-move on?

Ipinarada ni James ang sasakyan niya sa labas. I was about to hold the door handle when Peter said something awkward.

"Sungit, balita ko umamin sayo si Monteveda ah?" Natigilan ako. Biglang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina sa ilalim ng puno. Biglang bumalik sa isip ko ang seryosong mga mata ni Nicholas at ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Sabi ko naman kasi sayo, elementary ka pa lang iba na ang tingin sayo ng Monteveda na 'yon."

"Sinong Monteveda?" Pagsingit ni James. Napalingon ako sa kaniya at seryoso ang tingin niya sakin.

"Si Nicholas ba?"

"Oo, bestfriend." Si Peter ang sumagot.

Dala ng sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay agad akong lumabas ng sasakyan niya. Bubuksan ko pa lang ang gate ay lumabas agad si Tatay mula sa loob ng bahay at siya na ang nagbukas para sakin. Sinalubong niya ako ng ngiti na sinuklian ko ng tipid na ngiti.

"Tito!"

"Peter!" Napapikit ako sa inis nang maramdaman kong katabi ko na si Peter at nagmano kay Tatay.

"Pakain naman ako Tito, gutom na gutom na ako paano ba naman 'tong si Mionnette, ang tagal lumabas ng room niya." Tumawa si Tatay sa sinabi ni Peter at inakbayan ito habang papasok ng bahay.

"Bestfriend!" Pagtawag niya kay James.

"Pasok ka. Huwag ka mahiya."

"Wow, bahay mo?" Puno ng sarkasmo kong sabi sa kaniya.

"Bahay mo?" nang-aasar niyang tanong pabalik. Inirapan ko siya. Letseng 'to.

"Pasok, iho." Parang batang dinilatan ako ni Peter nang si Tatay ang magpapasok kay James.

Pagpasok sa pinto ay agad kong nakita si Mama at 'yong mga kapatid ko sa sala.

"Ate!"

"Anjan na pala si Ate e, tara na kakain na tayo."

"Hi Tita," agad lumapit si Peter kay Mama para humalik sa pisngi nito. Walang gana akong umupo sa sofa at hinayaan si Princess na pakialaman ang buhok ko.

"Hi, Peter. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga Tita e, gutom na gutom na ako. Ang tagal kasi lumabas ni Mionnette sa room niya." Napairap ako.

"Nga pala Tita, si James. Bestfriend ko po, personal driver ng anak niyo." Natawa si Mama sa sinabi niya.

"James Anthony Villazarde po." Nilingon ko sila. James offered his hand for a shakehand but instead of taking his hand, Mama kissed him in the cheeks. Napangiti ako nang mamula siya.

"Ma, hungryy!" Nagrereklamong sigaw ni Princess. Agad na pumunta sa kaniya ni Mama at binuhat siya papasok sa kusina.

"Tara na."

Nauna pa pumasok sakin sa kusina si Peter na nakaakbay kay James. Inilagay ko muna ang bag ko sa kwarto bago ako sumunod sa kanila sa kusina.

"Personal driver daw, akala ko naman manliligaw na." Narinig ko ang tawa ni Peter.

"Bakit? Pasado bang future son in law itong bestfriend ko, Tita?"

"Pasadong-pasado."

Nalipat sakin ang tingin nilang lahat nang pumasok ako sa kusina. Napakamot sa batok si James at malawak ang ngiti sakin ni Peter. Inirapan ko siya. Puro kalokohan.

"E sayo Ate? Pasado ba siyang boyfriend mo?" Lahat kami ay natigilan sa tanong ni Ryou.

"Kumain ka na." Masungit na saway ko sa kaniya.

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon