CHAPTER FOUR: THE GRAPHIC ARTIST
"Ate!" bumaling ako sa kabilang bahagi ng kama. Pikit pa rin ang mata.
"It's Sunday today."
"Ate!" Napilitan akong bumangon. Pagkatayo ko mula sa kama ay nagdiretso na ako sa banyo para maligo. Ugh! Sometimes I really hate Sundays.
"Iyan na ba kasi ang sinasabi ko sayo na matulog ka na agad kagabi. Napakahirap mo na naman gisingin," salubong sakin ni grandma habang bumababa ako ng hagdan. Nag-edit pa ho ako ng manuscript kagabi. Sagot ko sa aking isip.
"Panay pa ang laptop, ayan tuloy imbes na first mass tayo sisimba ay naging second mass." Nilampasan ko siya at uminom ng tubig. Wala e, sanay na ako sa sermon araw-araw, vitamins ko na ata 'yon.
Nakarating kami sa simbahan ng alas-syete kahit ang misa pa talaga ay alas-otso. Nagmamadaling tumakbo ang kapatid ko papunta sa harap ng simbahan. Umupo ako sa isang bench na nasisilungan ng puno. Inilabas ko ang cellphone ko para muling mag-edit ng manuscript.
"Ano ba yan Kristina, ang daming lagas ng buhok mo, linisan mo 'to mamaya ha." Napalingon ako sa isang puting kotse na naka-park malapit sa inuupuan ko. Isang lalaki ang nakita kong parang may dinadampot sa passenger seat. Kunot na kunot ang noo nito at busangot ang mukha but his good looks didn't fade, pogi pa din.
"Hindi na talaga kita pasasakayin," narinig ko pang bulong nito. Sa tabi ng sasakyan ay isang babaeng busy at hirap na hirap sa pagsusuklay ng mahaba nitong buhok. I understand her, I know how it feels - the perks of being a girl. Kaya nagpagupit ako ng buhok e, mahirap magsuklay. Nakakatamad na nga nakakangalay pa.
"Kuya naman, hindi pa homily pero nanenermon ka na. Nauna ka pa kay Father. Ako na maglilinis jan mamaya," napangiti ako sa sinabi ng babae. Mukhang hindi sila nalalayo sa edad ko.
Cool. Naibulong ko sa sarili. They seem pretty close and I find it cool. Pangarap ko kasi ang magkaroon ng kuya pero wala e, ako ang panganay.
Napalingon sa pwesto ko ang babae at ngumiti. Damn, she's a beauty. Matipid rin akong ngumiti pabalik. Imi-nuwestra niya na pasensya na dahil talagang baliw at nagger ang kapatid niya. Naiiling akong tumawa habang ibinabalik ang atensyon ko sa cellphone.
Nang marinig ko ang pagtunog ng kampana ay agad na akong tumayo at pumasok sa loob ng simbahan. Agad akong tumabi kay Daddy, my grandpa.
Dahil sa sobrang likot ng kapatid ko at nakakahiya sa katabi namin na nasasanggi niya, kinurot ko siya ng pino nang mapadaan siya sa pwesto ko. Umiyak siya ng malakas na nakakuha ng atensyon ng mga taong malapit sa amin. Ugh! Kids and their dramas. Hindi naman masakit 'yon e, napaka-arte. Imbes na mag-sorry, pinanlakhan ko siya ng mata na lalong nagpalakas ng pag-iyak niya. Wala akong nagawa kundi ang umirap sa ere.
"Salamat sa Diyos," nakisabay ako sa palakpakan ng mga tao sa pagtatapos ng misa.
Salamat talaga sa Diyos tapos na ang misa, makakauwi na rin sa wakas. Nang mag-bow ay nauna pa ako kina Daddy pabalik sa kotse kahit wala sakin ang susi. Hindi rin naman nagtagal at kasunod ko na rin sila. Masama ang tingin sakin ng kapatid ko habang papalapit at dahil sa shotgun seat umupo si grandma at sa backseat kami, hindi nila nakita nang dilatan ko ito, sinipa niya naman ako bilang ganti. Dahil masakit ang sipa niya, tinabig ko ang ulo niya na napalakas kaya nauntog siya sa pintuan ng kotse, at pumalahaw na naman siya ng iyak.
Hindi naman malakas.
"Catherine ano ba yan?" galit na tanong ni Mommy, nagkibit balikat naman ako. Bahagya ng umaandar ang kotse pero ang artista kong kapatid, umaarte pa rin, patuloy pa sa pag-iyak kahit ilang minuto na ang lumipas.
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Teen FictionA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...