CHAPTER TWENTY FIVE: ROOMMATES

27 11 0
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE: ROOMMATES

Alas nwebe na nang makumpleto kami, sa kasamaang palad, hindi lahat ng members nakarating.

We had a simple seafood breakfast bago kami nagtipon ulit sa lounge para malaman kung saan kami tutuloy pansamantala.

"Baka two rooms lang naman i-offer nila, isa sa mga babae tapos isa sa mga lalaki." I shrugged. Sa sobrang kuripot ng tatlo na 'yon, it's possible lalo na kung si Noah ang masusunod.

Hindi pa naman summer season kaya siguro wala masyadong guest o baka naka-reserve samin ang buong resort. Nagkibit-balikat ako, if it is the Monteverdes, then I will go to the thought na wala lang masyadong bisita.

Masyadong  business-minded ang mga 'yon para ipasara 'tong resort nila.

"Two persons in one room, okay lang?"

"Hindi ba mas masaya kung magkakasama ang mga babae sa isang room tapos ang mga lalaki sa isang room?" Kontra ni Noah sa sinabi ni Neo.

"Bakit naging mas masaya 'yon?"

"Dahil mas masaya kapag magkakasama!" Hyper na sagot ni  Noah sa tanong ni Nicholas.

"Oh e, bakit hindi na lang isang kuwarto para mas masaya?" Natawa kaming lahat sa sinabi ni Nicholas.

"E kung umuwi na lang kaya kami tapos samin na lang kami matulog? Mukhang nakakaabala kami sa negosyo niyo,"

"Oo nga, nagpaparinig pa."

"Huy, joke lang. Eto namang mga 'to ang sensitive."

Ilang minuto pang nag-asaran bago muling sumeryoso lahat.

"Wala kasi kaming kwarto o villa na kasya tayong lahat kaya hindi pwede."

"Two persons in one room na lang. Tapos." Marami ang umangal na lalaki sa sinabi ni Neo.

"Ang boring naman 'non."

"Ang kj naman,"

"Ay yawaaaa!"

Natawa ako nang napairap lang si Neo sa mga rants nila. Ano bang kagaguhan ang gagawin nila at gusto nila magkakasama? Mga lalaki talaga, oo.

"Edi lagyan ng thrill."

Natahimik lahat at saka sabay nagtinginan ang mga lalaki sa isa't isa, sa pangunguna ni Ivan at Noah.

"Lalaki at babae magkasama sa kwarto?"

"Hoy tangena, wala namang talo-talo," mabilis na sagot ni Julianna.

"Huwag ka matakot kay Liam, gentle 'yan,"

"Siraulo."

"Tarantado ka, pre." Natatawang binato ni Liam kay Ivan 'yong jacket na hawak niya. Hindi nakatakas sakin ang pagsulyap niya kay Julianna.

Dahil hindi magkasundo, inilapag na lang ni Neo ang mga susi sa lamesa. Kung sino man ang makakuha ng susi, pwede silang mamili ng makakasama sa kwarto.

At dahil malapit lang sakin, nakidampot ako ng susi. Hindi ko naman ineexpect na makakakuha ako dahil basta na lang nagkuyugan ang mga lalaki para kumuha ng susi. Nagalit pa nga si Chars dahil natapakan siya.

"Prescilla," nagsimula na silang tawagin kung sino ang gusto nilang makasama sa kwarto. Another rule ay bawal tumanggi.

Kumanta pa sila ng muling ibalik ang pag-ibig para asarin lalo si Pres kay Marcus. They had something in the past pero sabi ni Pres, okay naman na sila sa isa't isa ngayon.

"Julianna."

"Ano Julianna, paayaw-ayaw ka pa, kay Liam din pala ang bagsak mo," Julianna showed her middle finger to Ivan and Noah.

"Sino ba mas maganda? Si Charmelle o si Lia?" Narinig kong tanong ni Ivan kay Noah.

"Si Lia."

"Ano na, Ivan? Tagal pumili a?"

"Sige, si Charmelle na nga lang." Pabirong sinuntok ni Noah si Ivan sa braso.

"Tangina ka, pre. Nagtanong ka pa talaga, ha?"

Natatawang sumagot si Ivan kay Noah habang hinihimas ang braso niya, "Tangina ka din."

"Who got the key #4?"

"I choose Anthony." Natahimik halos lahat. I didn't expect na nakakuha pala siya ng susi.

"You can still change your mind, Elise. Gusto mo ako na lang?" Nicholas joked. Ngumiti si Elise kay Nicholas bago muling nagsalita.

"Sorry, Jeboy. I won't change my mind."

Nagkatinginan pa kami ni James bago siya alanganin na ngumiti. Wala akong ibang nagawa kundi ngumiti pabalik. Pagkatalikod niya ay hindi ko napigilang mapairap sa ere.

Tangina bakit kasi #7 ang napunta sakin.

"Sure ka na?" Natatawang tumango si Elise.

"Sure na sure na?"

"Sure na."

"Ako na lang, Nicholas. Ako na lang ang pipili sayo," nabuhayan ng dugo ang lahat at nagkaniya-kaniya ng asar dahil sa sinabi ni Kris.

"Lia!" Napabuntong-hininga na lang si Lia bago lumapit kay Noah.

Napatingin ako kay Neo at Luis dahil sila na lang ang natitira.

"Neo," I showed them the key that I was holding.

"Neo, palit tayo," agad na sabi ni Nicholas kay Neo.

"No."

"Sumunod ka sakin, kuya mo 'ko."

"Really?"

"Oo, gusto mo isumbong kita kay Mommy, ha? Kanina ka pa."

"Who got #8?" Ako na ang nagtanong para maputol na ang pagra-rant ni Nicholas. Itinaas ni Luis ang hawak niyang susi.

"Si Herm na, iyong-iyo, pre." Napailing na lang si Herm bago ibinalik ang pagkakasalpak ng earphones sa tenga.

"Time check: 12:30 pm na. Kita-kita na lang tayo around 3? Magpahinga na lang muna tayo, 'no?"

Lahat ay sumang-ayon kay Pres at nagkaniya-kaniya ng kuha ng gamit para pumunta sa kwarto.

Tinulungan ako ni Neo na magdala ng aking duffel bag. Hindi naman kasi ganon kadami ang dinala kong damit dahil ilang araw lang naman kami dito at wala naman akong balak na dito tumira.

Hinanap ko ng tingin ang linta at nakita siyang nag-iinarte sa harap ni Villazarde. Napairap na lang ako at hindi pinansin ang konting kirot sa dibdib ko.

"Malas mo bumunot."

"Sorry ha," sarkastikong sabi ko.

"Lahat ba ng kwarto ganito lang?" Medyo maliit kasi ito kesa sa ine-expect ko.

"Hindi, kaya nga sabi ko ang malas mo."

Ilang sandali kaming nanatiling nakatayo at nakatingin sa buong kwarto bago siya nagsalita.

"Lipat tayo?"

Nag-alangan ako saglit, "Okay lang ba?"

Mabilis siyang tumango at muling binitbit ang bag namin papunta sa reception area.

"Baka sabihin nila, ang daya natin."

"Taasan mo lang ng kilay ang mga 'yon, wala ng papalag." Sinimangutan ko siya na ikinatawa niya ng mahina. Mabilis na iniabot sa kaniya ng receptionist ang susi sa sinabi niyang kwarto.

Doble ng unang kwarto na pinuntahan namin kanina ang laki ng kwarto na 'to. May 2 kama at side table sa gilid. May tv rin sa tapat ng kama. What amaze me was the balcony, ang ganda ng view ng dagat. Umupo ako sa mesh chair at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Shems, ang sarap mag-edit ng manus dito.

Pagpasok kong muli ay nakita ko si Neo na nakadapa na sa kama niya at natutulog. Inayos ko ang damit naming dalawa sa cabinet.

Agad kong dinampot ang phone ko mula sa kama nang tumunog ito.

From: James
Lumabas ka dali.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay lumabas na ako.

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon