CHAPTER THREE: THE HISTORY OF THE CLUB
The opening of the Club was successful. May tatlong bagong member ang Book Club. Isang grade 7 at dalawang grade 9. Nagkaroon ng welcoming party para sa tatlong bagong member ng Club.
Ang Book Club, hindi naman talaga siya Club, hindi rin papasang organization. Ang Book Club, from the word itself, ay samahan ng mga taong mahilig magbasa ng libro. Gumagawa ng libro o nais makagawa ng libro. At sa panahon ngayon, bihira na ang kabataang nagbabasa ng libro. Syempre, mas masaya nga naman mag-facebook o mag-instagram o di kaya, maglaro ng candy crush, moba, dota o coc. Dahil nga hindi lumalampas ng bente ang member ng Club kaya hindi siya dineklara talaga na Club, hindi siya registered bilang Club under the name ng school.
Noong bago pa lang ako sa school, grade seven, ako lang mag-isa sa batch namin ang sumali sa Club na 'to. Ako lang ang bagong member ng Club 'non.
Nong grade 8 ako, inalok kami ng principal na lumipat ng Club kasi wala naman daw kaming napapala sa Club namin, wala raw kaming extra-curricular na makukuha. Kaya mula sa labing isa na miyembro ng Club, lima na lang kaming natira. Grade 9, ako na lang at si Prescilla ang miyembro ng Club. Inalok ulit ako ng principal na lumipat ng Club, pinsan kasi ni Mama 'yon e, pero tumanggi ako. Hanggang sa may naisip si Prescilla na nong una, para sakin ay kalokohan lang -- hopeless case. Gumawa raw kami ng page sa fb, at dahil pareho kaming mahilig magbasa at magsulat ng mga novels, sinabi niya na sa page na 'yon daw kami magpost ng mga istorya na ginawa namin.
Noong una, si Prescilla lang ang nagpo-post 'don hanggang sa napilit niya na rin ako na mag-post ng mga tula na ginawa ko 'don. Nagulat na lang ako bigla na halos lahat ng schoolmates namin ay alam na ang tungkol sa page naming dalawa. Maraming nagbabasa. Maraming nakaka-relate. Maraming sumusuporta. Marami na ang nag-aabang ng mga bagong istorya at tula na ipo-post namin 'don. At dahil sa pangalan ng Club namin kinuha ang pangalan ng page, nakilala ang Book Club, hindi lang sa Saint Claire, kundi pati na rin sa iba pang schools.
Sumali si Chars, kalagitnaan ng school year. May kuya siya na nagde-develop ng apps. Kaya nag-develop kami app para sa Book Club. Sa app na 'yon pwede silang magbasa ng istorya o tula. Sa app na 'yon pwede silang makipa-kwentuhan sa writer na paborito nila. Sa app na 'yon pwede silang magsulat ng sarili nilang istorya. Para hindi lugi, may bayad ang app. Affordable naman 'yon. Kahit kami ay nagulat 'nong marami ang nag-download ng app kahit may bayad. Hindi man nag-trending 'yong app sa buong Pilipinas o sa buong Maynila, sapat na sa amin na kahit papaano ay may tumatangkilik at sumusuporta.
Dahil sa kita ng app, kaya nagkaroon kami ng pondo para mai-publish 'yong mga storya na halos paborito ng lahat. May mga bookstore na tumulong samin magbenta ng mga libro. Sa maikling panahon nagkaroon kami ng maliit na publishing house at dalawang branch ng book store sa Makati at sa Batangas.
Ang Club sa ngayon, ay binubuo ng sampung miyembro kabilang na kami nina Pres. At mukhang madadagdagan kami ng tatlo pa. Narinig ko sina Pres nong nakaraan na pinag-uusapan ang pagsali ng Jeboy triplets sa Book Club.
"Hoy," mula sa screen ng laptop ay nalipat kay Avril ang atensyon ko. Nagbago ang seat plan at sa kasamaang palad ay katabi ko siya.
"Oh?"
"Kelan ka maga-update ng story mo sa BC?" Ang BC na tinutukoy niya ay ang app ng Book Club. Hindi ko alam na nagbabasa pala siya 'don. At hindi ko alam na reader ko pala siya.
"Nagsusulat na ako," sabay turo ko sa laptop.
"Di ka nagsusulat, nagta-type ka," nginitian ko na lang siya. Ngumiti naman siya pabalik.
"May tanong lang ako," hindi ko siya nilingon pero nakikinig naman ako.
"Yong kinikita ng Book Club, san napupunta?" Bilang sagot ay itinuro ko yung aircon sa classroom namin. Tumango naman siya.
"Saan pa?"
"Pinapaikot lang namin ang pera ng Club. Yung kinita sa mga published books, ginagamit lang namin ulit para mag-publish ng iba pang libro."
Tumingin ako sa orasan ko at nakitang break time na kaya tumayo na ako para bumili ng pagkain sa canteen. Nakasunod naman sa akin si Avril.
"Alam mo, interesado talaga ako sa Club niyo," namamanghang saad niya sa harapan ko.
"Halata nga," sagot ko sa kanya
"Kahapon ko lang nalaman na kayo pala ang nag-develop ng favorite app ko. Akala ko coincidence lang na pareho 'yong pangalan ng club niyo sa pangalan ng favorite app ko," tanging tango ang isinagot ko sa kanya.
Nang makarating kami sa canteen ay medyo mahaba na ang pila at iisang counter lang ang gumagana. Apat ang nasa unahan ko.
"Yong mga writer niyo ba ay binibigyan niyo ng sweldo?"
"Mag-aapply ka?"
"Hindi naman. Tanong lang. Mas magaling ako magbasa kesa magsulat," bumungisngis siya sa sarili niyang sinabi.
"For every story na napili namin gawing libro, nagpri-print kami ng 150 copies. 30% ng kita ay napupunta sa writer."
"E pano kung 'don sa 150 copies, 50 lang ang nabili?"
"15% lang sa writer." Masyadong mahaba ang naging 'Ah' niya.
Pangalawa na ako sa pila nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likod.
"Cathyyyyyy!"
Bumungad sakin ang malaking ngisi ng dalawang Jeboy. Inirapan ko lang sila at humarap na ulit sa pila.
"Aray!" sinapok ko si Nicholas nang makita kong sumingit siya sa harapan ko. Narinig ko ang tawa ng dalawa niyang kakambal sa likod.
"Dito ka sa likod ko."
"Gutom na ako," paawa niyang sabi at ngumuso pa.
"Ako din, gutom na," mataray na sagot ko sa kanya
"I-order na lang kita,"
"Sige," hindi makatangging sagot ko sa offer niya. Ang tamis ng ngiti e, nilalanggam ako.
Umalis na ako sa pila at humanap ng table na bakante. Kasabay kong umupo si Avril.
"Hindi ka bibili?" tanong ko sa kanya
"Nagpa-order na lang ako kay Noah," sagot niya.
Inilibot ko ang paningin ko sa canteen. Malaki ang canteen namin, maraming table. Iba-iba rin ang oras ng break time ng mga estudyante kaya madalang mangyari na occupied ang lahat ng table sa canteen. Nabalik ang tingin ko kay Avril nang tumikhim siya, kakaiba ang tingin niya sakin. Mukhang may gustong itanong.
"Oh? Bakit?" mataray na tanong ko sa kanya. Umiling siya ng mabagal. Maya-maya ay pumadyak at nang-halumbaba sa harapan ko. Nagtaas ako ng kilay sa kanya at naghintay sa sasabihin niya.
"Wala ka bang ideya?" parang bata na tanong niya sakin. Napasimangot ako sa tanong niya.
"Saan?" Matagal siyang tumitig sakin bago sumagot.
Inginuso niya si Nicholas na naglalakad papunta sa direksyon namin habang hawak ang tray ng pagkain. Ngumiti ito sakin. Nagtaas ako ng kilay pabalik. Ibinalik ko kay Avril ang tingin ko at sobrang laki ng ngiti niya. Muli akong napasimangot sa ngiti niyang 'yon.
Mukhang may hindi na naman magandang sasabihin ang bruhang 'to.
"May gusto siya sayo,"
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Genç KurguA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...