CHAPTER TWENTY-FOUR: TRIPLE PARADISE RESORT
"Ayos na ba ang mga gamit mo?" Tumango ako kay Mama kahit hindi naman siya nakatingin.
Dahil masyadong excited ang triplets na may-ari ng resort, gusto nilang 8 am pa lang ay nasa resort na lahat. Tatlong oras ang byahe mula sa bahay nila kaya kahit maaga pa at tinatamad pa akong bumangon, wala akong nagawa. Hindi na sana ako pupunta dahil mukhang hindi naman ako mag-eenjoy 'don kaya lang ayaw ko rin namang mamatay sa sobrang pag-iisip kung ano ang ginagawa nila.
"Oh, boys kayo na muna ang bahala sa dalaga ko, ha?" Malaki ang ngiting tumango si Noah at Nicholas kay Mama. Parang mga bata, as usual.
"More like, si Cathy na muna ang bahala sa triplets ko," sabay na natawa si Mama at si Tita Margarette.
Nang makaalis ang sasakyan nina Mama, pumasok na rin sa loob ng bahay si Tita Margarette para bumalik sa pagtulog. Bagong uwi lang kasi ito galing sa Germany. Nagbilin lang siya ng kaunti sa tatlo at sinabing ako na ang bahala.
"Ako ang magda-drive," I rolled my eyes. Ilang minuto na rin nag-aaway si Noah at Nicholas kung sino ba ang magmamaneho.
"Bakit ikaw? Ako ang magda-drive. Mas nauna akong natuto kesa sayo,"
"Ako ang panganay kaya ako magda-drive,"
"Sakin inabot ni Mommy ang susi,"
"Ako ang sinabihan ni Daddy na mag-drive,"
"Edi pumunta ka muna kay Daddy," Bahagyang itinulak ni Nicholas ang balikat ni Noah.
"Oh edi tanungin natin si Mommy," gumanti si Noah ng tulak sa balikat ni Nicholas.
"Ako na kasi, mas pogi ako sayo." I face-palmed. Heto na naman sila sa pa-pogian na 'yan.
"Ha! Ang kapal ng mukha, sinong may sabi? Mas pogi ako sayo, no."
"Oh, edi itanong natin kay Cathy kung sino talagang mas pogi." Tinaasan ko sila pareho ng kilay. Pareho lang silang ngumiti at nagpa-cute sa harap ko.
"Pogi ba ang magiging batayan kung sino ang magda-drive?" Sabay silang tumango sa tanong ko.
"Yes, because I believe na ang poging driver ay," pinutol ni Noah ang sasabihin niya kaya tinaasan ko siya lalo ng kilay. Anong kagaguhan na naman kaya ang sasabihin nito?
"Pogi. And I thank you,"
"Ano na? Sinong mas pogi?" Untag sakin ni Nicholas kapagkuwan.
"Si Neo," dahil madrama silang nagbigay ng reaksyon na parang gulat na gulat, agad kong kinuha ang susi ng sasakyan sa kamay ni Nicholas at inabot iyon kay Neo.
"You drive, Mr. Pogi. Kayong dalawang panget sa backseat." Neo chuckled before entering the car and sit in his throne.
---
Dumaan kami sa isang fast food para doon mag-agahan. Alas otso y media na ng makarating kami sa resort nila. Sinalubong kami ng manager ng resort na naka-hawaian ng damit at maong na tokong pants.
"Nasaan na?" Nagtataka kaming lumingon kay Nicholas dahil sa tanong niya.
"Sorry, sir?"
"Sabi ko diba, mag-ready kayo ng mga bulaklak na isasabit sa leeg namin." I rolled my eyes.
"I cancelled it." Sinamaan ni Nicholas ng tingin si Neo at nagpout. Parang bata talaga.
"Tara na."
Iyong manager at dalawa pang lalaki ang nagdala ng mga gamit namin papasok ng resort. Pagkadating namin sa lounge ay nandoon na si Ivan, Luis at si Chars.Busangot ang mukha ni Chars at malaki naman ang ngisi ni Ivan at Luis. Nginitian ko sila pabalik at tumabi kay Chars.
"Hindi ko alam na ganito pala kayaman ang kuripot na triplets na 'yon," mahina akong natawa sa sinabi ni Chars. She's been to one of the Monteverde's resorts before but that resort was small compared to this one.
"Nasaan na 'yong iba?" She shrugged her shoulders at pinakita sakin ang phone niya. Nakita kong itinext niya halos lahat ng members pero walang nagreply kahit isa.
I chuckled before tapping her shoulders. Ako na ang nagtext kay Pres para itanong kung nasaan na siya, nagreply din naman siya kaagad.
To: Pres
San ka na?From: Pres
Kingina on the way pa pero malapit na rin kamiNatawa ako sa reply niya. Nagtitipa na ako ng reply nang nagmessage siya ulit.
From: Pres
Tangina kasi yan si Ivan iniwan ako. Ako dapat kasabay niyan e. Buti na lang binalikan ako ni MarcusInasar ko pa siya saglit bago ko naisipan na lumapit kay Neo na kausap ang receptionist ng resort nila.
"Yes, paki-ready na lang kasi malapit na sila."
"Yes, sir."
Tinaasan ko siya ng kilay nang humarap siya sakin. Nginitian niya lang ako tapos nagpaalam na rin dahil may kakausapin pa daw siya. Hindi ko na natanong kung saan dahil tumunog ang cellphone ko.
Nagtext ang malanding James Villazarde.
From: James
Lumabas ka nga, ayaw kami papasukin.To: James
Mukha kasi kayong hindi gagawa ng maganda.Natawa ako bago naglakad na rin palabas.
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko nang makita ko siya sa labas habang kausap 'yong guard ng resort.
Kingina neto, ang gwapo masyado.
Agad siyang ngumiti nang makita ako kaya ngumiti ako pabalik.
"Anthony, can you help me please?" Nawala ang ngiti ko nang makita ko si Elise sa likod niya. Kingina talaga neto, e.
Sinamaan ko ng tingin si James nang pinuntahan nga niya si Elise at tinulungan maglabas ng maleta nito mula sa trunk ng sasakyan. Masyadong malaki ang maleta na dala niya kaya kahit si James ay nahihirapan.
"Dito ka na ata titira, e."
Napairap ako sa ere nang makitang nagpapacute si Elise kay James. May pahawak hawak pa ito sa balikat at panay ang pasensya na mabigat daw ang maleta niya.
"Sir, tulungan ko na po kayo."
"Salamat, Kuya."
Nang maiabot niya ang maleta sa isang staff ng resort ay agad siyang tumakbo papunta sakin. Hindi ko napigilan ang ngumiti at lingunin si Elise.
Nakasimangot ito at magka-krus ang braso sa harap ng dibdib.
"Good Morning, love."
"Good Morning." Mukhang nagulat pa siya dahil hindi niya ine-expect na babati ako pabalik.
Nginitian ko siya bago hinila papasok sa resort. Mahirap na, may linta sa paligid.
----
AN: James Villazarde on the media :)
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Ficção AdolescenteA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...