CHAPTER TEN: HOME

60 36 0
                                    


CHAPTER TEN: HOME

"May problema ba anak?" Agad na tanong ni Tatay pagkalapit niya sa puwesto ko at pinagbuksan ako ng gate. Kunot-noo niyang tiningnan si James na agad namang bumati ng magandang gabi.

"Good Evening po, Sir."

Agad na akong naglakad papasok ng bahay ng hindi manlang lumilingon sa kaniya. Narinig ko pa sila ni Tatay na nag-usap habang papasok ako.

"Magkape ka muna para hindi ka antukin sa biyahe," malamig ang tono ni Tatay. What the hell is wrong with him? Baka isipin niya boyfriend ko si James?

"It's okay, Sir. Mauna na rin po ako dahil lumalalim na ang gabi."

"Pumunta ka minsan dito para maghapunan."

Walang imik akong pumasok sa bahay at dumaan sa sala kung nasaan si Mama. Hindi ako nag-abala na bumati o kaya ay humalik sa pisngi niya. We don't do those kind of corny things. Dumiretso ako agad sa hagdan para pumunta sa kuwarto ko.

"Bumaba ka na rin agad Ate para makakain na tayo lahat." Hindi ako sumagot. Wala akong gana.

"Anong ginagawa mo dito?" Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang kama ko kung saan nakahiga ang isa sa mga taong isinusumpa ko sa mundo --- my damn hell of a sister.

Agad kong hinablot ang libro ko na hawak niya. Itinulak ko rin siya paalis ng kama. Ilang mura ang lumabas sa bibig ko habang hinahablot ang headset ko na nasa tenga niya. At ang bruha? Nang-aasar pa na pinaputok ang bubble gum na nginunguya niya sa harap ko. Nang tumalikod siya ay nanggigigil kong binato sa kaniya ang libro na hawak ko.

"Putangina." Malutong niyang mura.

"Lumayas ka nga dito hayop ka!"

"Arte," narinig ko pang bulong niya bago pabagsak na isinarado ang pinto ng kwarto ko.

This is why I hate coming to this house. Sa bahay na 'to pakiramdam ko wala akong kakampi. Pinahid ko ang luhang pumatak- hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa labis na pagkairita.

I really really hate her. Palagi niya na lang inaagaw ang dapat ay sa akin. Palagi na lang siya ang tama. Lagi na lang siya ang magaling. Lagi na lang dapat ko siyang intindihin. Lagi na lang na dapat ko ibigay sa kaniya ang isang bagay kapag nagustuhan niya. Lagi na lang siya ang prioroty. Lagi na lang! Tangina!

Puno ng inis na ibinato ko ang hawak kong libro sa pader. Pabagsak akong humiga sa kama at umiyak.

The girl behind my every story is ... me. This girl who was always being set aside. The girl that is never been a priority in her whole life. The girl who is living but barely breathing. The girl who is lost in this world.

So how dare he say na walang puso ang mga akda ko? I put my life and soul typing every words in those damn books tapos ano? Walang puso? He's just being biased dahil ang favorite niya ay si Silendirena29. I don't write just to be called a writer. I write because I need to. To live. Writing is my oxygen in this suffocating world I'm in. How dare he!

"Ate," agad kong tinuyo ang pisngi ko nang marinig ko ang boses ni Mama. Pumikit ako at nagpanggap na tulog. Kumatok siya ng tatlong beses bago ko narinig ang pagbukas ng pinto.

Naramdaman ko ang yabag niya papalapit pati na rin ang paggalaw ng kama. Hindi ko alam ang ginagawa niya dahil tahimik ang paligid kaya naman nagkunwari akong kagigising lang. Kinunutan ko siya ng noo na parang nagtataka ako kung bakit siya nasa kuwarto ko.

Imbes na humarap sa kaniya ay tumalikod ako at bumangon. Lumapit sa computer table at binuksan ang laptop ko.

"Ang laki mo na. Dalaga ka na." Hindi ako umimik. Hindi ako lumingon.

"Malapit ka na mag-sixteen. Should we throw a party?"

"Huwag na, gastos lang." Maikling sagot ko. Itinipa ko ang password ng laptop ko para magbukas ito. Agad akong dumako sa documents at binuksan ang isang story na ipro-proofread ko.

"Boyfriend mo ba 'yong naghatid sayo?" Mahina akong sumagot ng, "No," pero hindi niya ata narinig.

"Guwapo siya. Sabi na nga ba at ganon ang mga tipo mo sa lalaki." Pikit mata akong huminga ng malalim. I need to calm myself dahil ayaw kong maging bastos. When I think I am calm enough ay humarap ako sa kaniya.

"Ma. I need to rest na. Can you please leave?" Nagulat ako nang makitang nagpapahid siya ng luha. Lumapit siya sa pwesto ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"I love you, anak."

Hindi ako makahinga habang nakatingin siya sa mga mata ko. Maybe when it is already long enough and I still remain silent, she gave me a faint smile and leave the room.

Tears rolled down in my cheeks like they are never gonna end. All the emotions- from before until now suddenly came together. All of my disappointments. All of the misunderstandings. All of my silent woes and cries. All of the pain, all of the hatred and even the love - nandito pa rin pala.

Three years ago when I left this house akala ko I will remain as someone who just share the same surname as them. Three years ago, I felt like they already disown me. Three years ago, I already disown them.

Posible pala 'yon? Na iyong sakit na akala mo hindi na mapapantayan, may isasakit pa pala. 'Yong sakit na akala mo hindi na babalik, heto na naman, nasa harapan mo na naman - sasaktan ka na naman ulit. Tapos nag-upgrade na siya. It became stronger and with no mercy dudurugin ka ulit kahit durog na durog ka pa.

Tangina lang, nakakapagod na. Nakakapagod na ring umintindi. Nakakapagod na walang handang umintindi. Walang handang makinig. Nakakapagod ng umiyak mag-isa. Nakakapagod ng huminga. Putangina.

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon