CHAPTER SIXTEEN: THE NOT SO WELCOME"Mukhang umiibig na ang dalaga ko ah?" Tinanggap ko ang baso ng gatas na inabot ni Tatay. I smiled at him bago muling ibinalik ang tingin ko sa kawalan.
"May problema ka ba anak?" I shook my head.
"Tay, can you pick me up from school starting tomorrow?"
"Sure, no problem." Pumasok si Mama sa kusina at tumabi kay Tatay. She greeted me good morning pagkatapos ay humigop sa kape ni Tatay. It's kinda their hobby to share things.
"How about you drive on your own? May extra naman tayong sasakyan. It's not like your mother can drive for herself." Hinampas ni Mama si Tatay sa braso.
"Underage pa si Ate, hindi pa siya makakakuha ng lisensya. Paano kapag nahuli sa checkpoint?"
"Bihira naman ang check point dito satin e."
"No. Hindi pa rin ako papayag. Ihatid-sundo mo na lang siya." Napakamot si Tatay sa batok niya at alangang ngumiti sakin.
"Tuturuan ko na lang siya mag-drive. Baka mas madali pa siya matuto kesa sayo, Mahal. Saka para incase of emergency, she can drive for herself." Tumingin sakin si Mama na parang hinihingi ang opinyon ko. Pigil ang ngiti ko. Just the thought of me driving a car is so exciting! I wonder how cool would I look?
"Sige." Nag-apir kami ni Tatay dahil sa pagpayag ni Mama. Malawak ang naging ngiti ko. Damn, ang saya saya ko.
"Now she's smiling. Hindi na siya mukhang broken hearted." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Tatay kay Mama. I'm too happy right now.
When I can finally drive on my own, madali na lang sakin na magkaroon ng sarili kong sasakyan. Then I can drive whenever, wherever I want. Hindi ko na kailangan tiisin ang kadaldalan ni Avril kapag sasabay ako sa kaniya o ang pagbubunganga sakin ni Peter kapag nagpapasundo ako. Thank God, my ears can finally have peace!
I looked at my phone when it vibrated. Nagtext si Pres.
From: President Prescilla
Office. Now. 911.Napakunot ang noo ko. 911 stands for emergency. Nagtext ako kay Chars.
To: Chars
Ano meron?Limang minuto ang lumipas pero hindi siya nagreply. Nagpaalam ako kina Mama na kailangan ko pumunta ng school.
"Bye, ingat. Text mo na lang ako kapag susunduin na kita, okay?" Tumango ako kay Tatay at agad na lumabas ng sasakyan.
Naglalakad ako papunta sa opisina nang makasalubong ko si Matt.
"Cath, pinapatawag ka ni Mam Cruzat."
Agad akong sumunod kay Matt papunta sa opisina ni Mam Cruzat.
"Good Morning Ms. Alvarez," agad niyang bati sakin pagkapasok ko pa lang. Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti sa kaniya at bumati pabalik. Damn, kinakabahan ako.
"Good Morning Mam, pinapatawag niyo raw ako?"
"Yes and you came sooner than I expected."
"Papunta rin po kasi ako sa Book Club nang makasalubong ko si Matt."
"How lucky, Mr. Gardote," she looked at Matt bago nagbalik ng tingin sakin.
"I would like you to check those essays, Ms. Alvarez. I have a seminar this coming Monday and I don't have much time to check those papers so I would entrust them to you. I would give you the key of my office so you can check them here comfortably or would you like to take them home? Mr. Gardote would be very very pleased to help you." Napalunok ako. Hindi biro ang dami ng mga essays na 'yon na kahit ata iuwi ko 'yon at pagpuyatan ng tatlong araw, hindi ko yon matatapos.
"She will have just have the key, Mam." Biglang sabat ni Matt. Nilingon ko siya at nakayuko siya.
"Don't you want to help her, Mr. Gardote?"
"It's okay, Mam. Can I just have the key po?" She looked at Matt suspiciously before handing me a duplicate of the key.
"Thank you, Ms. Alvarez. You can also go, Mr. Gardote."
"Takot ka kay Madam Cruzat?" Natatawang tanong ko kay Matt habang palayo kami sa office ni Mam Cruzat.
"Sinong bang hindi? Hanggang ngayon parang nanginginig pa nga ata ang tuhod ko e." Lalo akong natawa sa sinabi niya.
"Dahil bawal kay Villazarde, kay Gardote naman ngayon Cath? Seriously?" Agad na nawala ang mga ngiti ko nang marinig ko ang boses ni Nicholas at ang sinabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nakapamulsa lang siyang mas lumapit sa pwesto namin.
"I didn't know you could be this low, Catherine."
"It's not what you think Pare --" naputol ang sasabihin ni Matt nang tingnan siya ni Nicholas. Kahit ako kung hindi ko siya matagal na kakilala, mapapatigil dahil sa paraan ng pagtingin niya.
Napairap na lang ako sa ere bago naglakad palayo. Tangina napakakitid ng utak!
Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay ang worried na mga mata agad ni James ang sumalubong sakin. He even mouthed the words,
"Okay ka lang?" Imbes na sumagot ay nilampasan ko lang siya at walang ganang umupo sa sofa sa tabi ni Neo.
"Nasan si Pres?" Nagkibit-balikat lang sakin si Neo. No one is inside na room maliban sakin, kay Neo at kay James Villazarde. Agad lumipad ang tingin ko kay Chars nang pumasok siya sa opisina.
She gave me a worried look.
"Cathy," bati niya habang lumalapit sa pwesto ko and she weirdly held my hand tight. I want to ask her why pero muli na namang bumukas ang pinto at pumasok si Nicholas na nakangisi sakin.
"Anong meron?" Tanong ko kay Chars.
Nawala kay Chars ang atensyon ko nang nag vibrate ang phone ko. Binasa ko ang message na dumating.
From: Nicholas
I think this time you will choose me. This time, it is me whom you will need. Me.Napakunot ang noo ko sa mensahe niya. Nang tingnan ko siya sa pwesto niya ay mas lumaki lang ang ngisi niya.
"Cathy kasi,"
"Hello guys! Welcome back to me!"
Sandali akong hindi nakahinga. What is this btch doing here?
Inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto at agad na ngumisi sakin. I can't helped but let a sarcastic chuckle out.
"Hi Cathy! Aren't you gonna give your bestfriend a welcome hug?"
There is a battle occuring inside my mind - whether I would stay seated and just look at her make herself look like a stupid motherfvcker or get up and hug her tight until she cannot breath anymore? What will be the best choice? Hmm?
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Teen FictionA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...