CHAPTER TWENTY-SIX: DRIVER
Pabagsak kong isinara ang pintuan ng kwarto namin ni Neo. Bahagya siyang napaigtad at agad na bumangon, akala niya ata may problema.
Well, meron naman talaga! Letseng James 'yon, pinalabas ako, akala ko naman dadalhin ako somewhere na maganda o kaya may surprise. Pinaghintay pa ako ng matagal sa may lounge tapos hindi pala sisipot dahil lang takot daw mag-isa si Elise sa kwarto nila. Kingina! Maliwanag na maliwanag tapos takot mag-isa? Gago.
Isang ubod ng arte at isang ubod ng tanga, magsama silang dalawa!
"Sorry," peke akong ngumiti kay Neo na nakasimangot.
"Uso magsara ng mahinahon,"
"Sorry na nga, e."
Naglakad na siya pabalik sa kama niya at nahiga. Ipinatong niya ang braso sa mata bago muling nagsalita.
"Maninira ka pa ng pinto, e. Pagbabayadin kita, sige ka."
I rolled my eyes at pabagsak na humiga sa kama ko. Napalingon ako ulit kay Neo nang lumikha ng ingay ang paghiga ko sa kama.
"Pagbabayadin talaga kita kapag may nasira ka, a."
Shet, gaano ba ako kabigat at parang bibigay na ang kama na 'to? I checked if there is any cracks in the legs of the bed before lying again, slowly.
Ilang beses akong nagpalit ng posisyon pero hindi talaga ako makatulog kaya kinuha ko na lang ang laptop ko at lumabas papunta sa balcony.
Salamat sa malamyos na hampas ng hangin at magandang tanawin, nakapagsulat ako sa story ko at natapos kong i-edit 'yong manus ko.
When I check the time, it's already 2:30 in the afternoon. Sinilip ko ang cellphone ko nang may magchat.HOUSE OF THE CLUB=CLUBHOUSE
President: hoyy malapit na mag 3
President: Dapat naka-swim wear na kayo paglabas, ha. Swim tayoooo
Ivan: Pwede maya-maya na? Adjust natin ng 4. Antok pa 'ko.
President: lol
Inayos ko na ang gamit ko at pumasok na sa loob. Matagal akong napatitig sa two piece na nasa cabinet ko.
Nang makapagbihis, ginising ko na si Neo. Wala naman siyang sinabi 'nong bumangon siya para magbihis. Hindi din naman mukhang galit.
I ended up wearing my rashguard na crop top at maikling shorts. Iniisip ko pa lang na suot ko 'yong two piece na bili ni Mama, kinikilabutan na ako.
Sabay kaming lumabas ni Neo na nagpunta sa cottage na malapit sa beach, kung saan sinabi ni Pres na magkikita-kita.
Nang makita nila kami ay sabay-sabay humiyaw ng "Boo!" ang mga lalaki. Ako lang kasi ang hindi naka-two piece at si Neo lang ang naka-rash guard sa mga lalaki.
"Ang conservative niyo, ah," salubong sakin ni Pres, nginitian ko lang siya. Uupo na sana ako sa tabi niya nang mapadako kay James ang tingin ko.
Pasimple niyang tinatapik ang bakanteng upuan sa tabi niya habang kung saan-saan inililibot ang tingin. Napansin ko na naman tuloy 'yong mga taling niya. Napangiti ako bago umupo sa tabi niya.
Tiningnan niya ako at ngumiti. Makangiti 'to a, akala mo walang kasalanan sakin.
"Very good," nakangiting bulong niya sakin.
"Very good mo, mukha mo,"
Nakinig kami kay Noah na nagdiscuss ng pagpunta namin sa kalapit na isla. Kanila din daw 'yon at part ng resort na 'to. Mas maganda daw 'don dahil puting-puti ang buhangin at napakalinaw ng tubig.
Medyo kinabahan pa ako dahil hindi ako sanay sumakay ng bangka. Ewan ko ba, bakit naisipan nila magbangka ay may mga water scooter naman na available. Cool pa tingnan.
Nagdiwang ang lahat ng ibalita ng isang staff na wala ang bangkero. Napanguso si Noah at kinuha na ang susi ng mga water scooters na gagamitin namin.
Dalawang tao sa isang scooter at kagaya kanina, ibinitang lang ni Noah ang mga susi sa isang lamesa. Too bad, this time, wala akong nakuha. Gusto ko pa naman maranasan magdrive ng water scooter.
"Key #1?" sigaw ni Noah sa may hawak ng unang susi. Itinaas ni Pres ang susing hawak niya at pinili si Chars. Nagyakapan pa silang dalawa bago nagsama sa isang tabi.
I rolled my eyes when I saw Elise holding another key. Ang galing talaga mang-agaw ng bruha na 'to.
"Key #2?" Elise raised her key.
"Anthony!" energetic niyang tinawag si James palapit sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin pero it's James, he just smiled at me as usual.
"Sorry, Elise. I also have a key," I stifle a smile when her jaw drop. Buti nga, ang harot-harot kasi.
"Very good ka 'don," bulong ko sa kaniya.
"Really?" he asked cheerfully.
"Hmm," tumango ako sa kaniya.
"Sige, kung very good ako, kiss mo nga ako sa cheeks,"
"Ayaw mo sa lips?" I asked playfully. I saw his ears turned red. Agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Bad ka," I simpered, very pleased by his reaction. Iniiwas ko rin ang tingin sa kaniya at tiningnan na lang ang mga kasama namin.
Marcus ended up with Elise. And because Liam got a key, he once again choose Julianna to be with him. Kris is with Lia. Noah with Ivan, Nicholas with Neo. Herm, once again, ended up with Luis.
Sabay-sabay kaming nagpunta kung nasaan ang mga water scooter.
"I'll drive," I extended my hand in front of him, asking for the key.
"I know how to drive, ano ka ba!" dagdag ko pa.
"Anong nginingiti-ngiti mo jan?" puna ko sa ngiti niyang masyadong kakaiba.
"I'll drive, para makahawak ka naman sa abs ko," he cheekily said before riding the water scooter. Napairap ako at sumakay na rin.
I feel him stiffened when I snake my arms around him.
"Nasaan ang abs? Parang wala naman," bulong ko sa kaniya.
Ngumisi ako habang sinisilip ang reaksyon niya. Namumula na naman ang tenga niya.
"Sige na, you drive," natawa ako nang umalis siya sa harapan ko at pumunta sa gilid. Hinihintay niya lang ako na umusod para makasakay siya sa likod.
"Bakit? Paano ko mahahawakan abs mo niyan?" pang-aasar ko sa kaniya.
"Nasaan na ba abs mo?" dagdag ko pa. Pinigilan ko ang mas matawa pa nang nag-iwas siya ng tingin at mas lumala ang pamumula ng tenga niya, pati pisngi niya namumula na rin.
"Naiwan sa bahay?" I playfully tugged the hem of his shirt.
"Tingin," pinigilan ko mapatili nang hawakan niya ang kamay ko. Napatitig ako ng matagal sa kaniya bago niya ipinatong ang kamay ko sa tiyan niya.
Okay, may abs naman pala, hindi ko lang nakapa ng maayos.
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Подростковая литератураA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...