CHAPTER SIX: DRAWINGS

73 43 0
                                    


CHAPTER SIX: DRAWINGS

"Oh, pinabibigay ni Anthony." Inabot sakin ni Chars ang isang piraso ng papel.

"Ano yan? Love letter?" Agad na tanong ni Noah, Jeboy #1.

"Ke-bago bago lumalandi na agad," narinig kong bulong ni Nicholas bago hinablot sa kamay ko ang papel. Napatitig siya ng matagal doon bago inabot sakin na sinamahan niya pa ng irap. Agad namang sumilip sa tabi ko si Chars.

It was a drawing, again. Nakaakbay iyong lalaki doon sa babae habang naglalakad sila sa hallway. May background na ibang mga estudyante na nasa tabi ng mga locker nila. Sa baba ng drawing ay pirma niya at isang maliit na sulat. Sa sobrang liit halos hindi ko na mabasa pero parang 'I Love You' ata ang nakasulat.

"Para saan daw?" Tanong ko kay Chars. Nagkibit-balikat siya.

"Baka para sa book cover ng story ni Lian." Tama, baka para sa book cover ni Lian. Kung anu-ano na naman iniisip ko. Kung anu-ano na naman ang nararamdaman ko.

"Balita ko, umuwi daw parents mo?" Tumango ako kay Neo, Jeboy #3.

"Pahingi naman ng chocolates." Kinuha ko sa bag ko 'yong chocolates na dala ko. Medyo madami 'yon. Nagkanya-kanya sila ng kuha hanggang sa may limang piraso na natira. Napatingin ako kay Nicholas dahil hindi siya kumuha. Ni hindi nga naki-agaw e. Busangot ang mukha nito. Bakit kaya bad mood ang Jeboy #2?

"Anong drama mo?" Hindi ko napigilang itanong.

"May karibal siya sa nagugustuhan niya," sabi ni Noah.

"Woah, may nagugustuhan ka? Sino?" Namamanghang tanong ni Chars.

"Mas pogi sayo no? Kaya threatened ka?" Pang-aasar ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ako. Nawala ang ngiti ko. Okay, asarin na ang lahat wag lang ang lalaking broken.

"Oh, chocolate." Itinulak ko palapit sa kaniya 'yong natitirang limang chocolate.

"Lilima na, dalhan na lang ulit kita bukas." Ngumiti ako ng maliit sa kaniya pero kagaya kanina tiningnan niya lang ako ng matagal. Ano bang problema niya? Sa inis ko ay inirapan ko siya at itinulak palapit sa akin 'yong mga chocolates. Ayaw niya ata e.

"Nagpapa-cute ka ba?" Ang kaninang magka-krus niyang braso ay nakapatong na sa lamesa ngayon. Nakangiti na rin siya. Inirapan ko siya.

"Napaka-feeling mo na naman." Inalis niya ang kamay kong halos nakaakap na sa mga chocolate sa mesa at hinila ang mga 'yon palapit sa kaniya.

"Dalhan mo ko ulit bukas sabi mo." Napamaang na lang ako sa kaniya. Akala ko ba ayaw niya? Ha!

"Anthony!" Nawala kay Nicholas ang atensyon ko dahil sa pagsigaw ni Chars. Agad kong tiningnan ang tinitingnan niya at nakita ko si James na palapit sa direksyon namin. Malaki ang ngiti nito.

Imbes na umupo sa upuan na katabi ni Chars dahil 'yon ang bakante ay pinalipat niya si Chars at siya ang umupo sa upuan nito - na katabi ko.

"Thanks, Charmelle." Agad siyang bumaling sakin.

"Natanggap mo?" tanong niya. Tumango ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil ang lakas maka-guwapo ng ngiti niya. Tumingin lang ako ulit sa kaniya nang maramdaman ko pa rin ang titig niya.

"Bakit?" Tanong ko. Nagkibit-balikat siya.

"Hindi mo ba nagustuhan?"

"Para san ba 'yon?" Iyong titig niya ay parang binabasa kung anong iniisip ko. Parang hinahalukay ang kaluluwa ko. Doesn't he knows that it's rude to stare?

"Para sa book cover ni Lian diba?" Dagdag ko pa. Ngumuso siya ng matagal na parang nag-iisip bago tumango.

"Ang hirap mo naman i-please."

"Bakit mo naman siya kailangan i-please?" Masungit na singit ni Nicholas. Hindi ko siya pinansin pero si James ay medyo may katagalan na nakipagtitigan sa kaniya. Mahilig ba siyang tumitig talaga?

"Sinabi ko naman sayo na okay na 'yong una mong ipinakita sakin. Ewan ko ba sayo bakit patuloy kang nagsesend ng mga drawings mo sakin. Lahat 'yon ayos na ayos para sa book ni Lian kaya kung ako sayo ipasa mo na kay Pres para mai-print na."

"Ayaw mo ba?" Nagulat ako sa tanong niya. Ang haba-haba ng sinabi ko tapos magtatanong na naman siya.

"Na ano?"

"Na nagsesend ako ng drawing sayo." Matagal akong hindi nakasagot. Gusto ko. Gustong-gusto ko at parte na rin ata ng araw-araw ko ang makita ang drawings niya pero masyadong delikado sa puso ko.

Hindi ko pa man nabubuklat ang mga papel pero maisip ko pa lang na may bago na naman siyang drawing at gusto niya na makita ko lumulukso sa tuwa ang puso ko. At hindi 'yon maganda. Hindi maganda ang nararamdaman ko. Nilalagyan ko ng malisya ang mga bagay-bagay na hindi dapat. He's sending me his drawings because that's his work. Wala dapat malisya pero nilalagyan ko. 

Gusto kong sabihin na gusto ko pero natatakot ako. Una, pakiramdam ko magmumukha akong easy to get sa paningin niya at ayoko non. Hindi magandang tingnan na easy to get ang isang babae. Pangalawa, delikado sa puso. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko bago pa lumala. Pangatlo, ayokong mag-assume. Ayokong mag-assume na may nararamdaman siya sakin dahil lang sa nagse-send siya sakin ng drawings niya.

Ayokong kiligin na para bang love letter ang laman ng mga papel na 'yon kahit ang totoo ay drawings 'yon.

Kung ako ang tatanungin, ayoko. Ayoko sa nararamdaman ko. Distraction lang ito sa trabaho. Sa pag-aaral. Sa pagsusulat.

May mga writer na mas nai-inspire kapag may lovelife pero hindi ako. Mas masaya kayang damhin ang moment na may nagpapakilig sayo. Mas masayang ngumiti gabi-gabi dahil may nangungulit sayong matulog ka na para hindi ka mapuyat. Mas masayang magbasa ng mga text o chat na nagsasabing wag ka magpalipas ng gutom tapos magagalit kapag hindi ka kumain. Mas masarap sa pakiramdam na may nagtatanong kung nakauwi ka na. At sa sobrang sarap sa pakiramdaman - tinatamad akong magsulat. Wala akong maisulat.  Mas magandang damhin lang ang moment na 'yon dahil for sure hindi rin naman magtatagal.

Two months, three months. Iyon lang ang kayang itagal ng mga lalaking lumalandi sakin.

Nagkibit-balikat ako sa kaniya bilang sagot. If I let him enter my life, gaano katagal niya kaya ako kayang pakiligin?





Leave a comment!

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon