Chapter Thirty: The Love We All Wait"Love will come in the right time with the right person. Just wait."
Kung Pinoy ka, madalas mong maririnig sa matatanda ang mga linyahan na ganyan. "Huwag madaliin ang pag-ibig dahil kusa iyang darating.".
"Huwag ka ng umiyak, hindi lang talaga siguro siya ang para sayo," sabi ng isang estudyante sa kaibigan niya na nasawi sa pag-ibig.
Right person and right time matters in love. Maraming situation na, yes, right person pero wrong timing. Merong right timing pero wrong person pala which leads to severe heart ache.
Dati, wala akong pakialam sa mga ganyan. The only love I knew before was the love that I am receiving from my family.
Wala akong pakialam sa ibang klase ng love dahil ayaw kong sumugal sa hindi sigurado. Ayaw kong lumuha sa maling tao. Ayaw kong umasa. At mas lalong ayaw kong dumating sa punto na, hindi ko na makikilala ang sarili ko dahil binago na ako ng lalaking pinili kong mahalin.
I looked at the man who is slowly walking towards my direction.
Was he the right one? Are we at our right time?
Binuksan niya ang pinto ng kotse at umupo sa driver's seat.
"You okay?" Tumango ako sa kaniya.
Sana. Please, Lord, sana siya na.
"Sure?" Tanong niyang muli. Ngumiti ako at tumango sa kaniya.
He started the engine at tinahak na namin ang daan pauwi.
"Ilang beses na akong nagdinner sa inyo pero kinakabahan pa rin ako."
"Probably because Peter is always present para ilaglag 'yong mga kagaguhan niyo together," sabay kaming natawa dahil sa sinabi ko.
With the right speed, we came home like the usual. Pinagbukasan kami ni Manang Neri nang gate.
Nagdagdag ng branch ang Cravings kaya naman minsan ay wala si Mama sa bahay para mag-manage kaya kumuha sila ng dalawang katulong.
Nasa may pinto pa lang kami ay naririnig ko na ang irit ni Princess at ang tawa Peter.
"Ano na namang ginagawa mo dito?" Agad na salubong ko sa kanya pagkapasok ko sa bahay.
Inirapan niya muna ako bago binuhat si Princess.
"Nabalitaan kong may libreng dinner,"
"Ang kapal talaga ng mukha,"
Hahampasin ko sana siya nang ihara niya sakin si Princess.
"Ate, you so masama. Don't you away away Kuya Pete," Napamaang ako sa kanilang dalawa.
"Right, Princess? Your Ate always away away Kuya Pete," bulong niya sa tenga ng bunso kong kapatid. Lalo tuloy sumama ang tingin nito sakin. Peter stucked his tongue out para asarin ako lalo.
"Kakain na!" Sigaw ni Ryou mula sa kusina.
"Let's go," aya ni James at hinawakan ako sa bewang. Lumaban muna ako ng irapan kay Peter bago humarap sa pagpasok sa kusina.
"Walang forever!" Sigaw ni Peter mula sa likod.
***
"Ingat,"
Itinuro niya ang pintuan ng bahay namin at ngumiti, "Pasok na."
"Go na," Malakas na busina mula sa sasakyan ni Peter ang nagpakulo ng dugo ko. Letseng Peter 'to, hindi pa umaalis.
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Teen FictionA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...