CHAPTER TWO: THE NEW PRESIDENT

130 68 2
                                    

CHAPTER 2 : THE NEW PRESIDENT

Recess. Kasama ko ulit sina Chars saka si Pres. Nakisama rin samin ang Jeboy triplets na ubod ng kulit. Teka? Bakit nga ba nandito 'tong mga ito e hindi naman sila member ng Book Club.

"Cathy, okay na ba yung journal? May napili ka na bang pwedeng i-feature ng book club for this month?" tanong sakin ni Pres habang nagbubukas ng C2 niya. Tumango naman ako sa kanya.

"Yes, Pres meron na," ngumiti ito sakin bago uminom. Agad ko namang kinuha 'yong binili kong burger.

"E doon sa mga ipinasang piece? May napili ka na?" agad akong napangiwi atsaka sila sabay na tumawa ni Chars

"Pasensya ka na, Cathy ha. Pwede mo ng ipasa ulit sakin 'yong piece tutal tapos naman na ang mga ginagawa ko,"

"Salamat Chars," tinapik niya lang ako sa braso at ngumiti.

"Pasensya ka na ha, hindi naman ikaw ang naka-assign jan this month pero ikaw ang gumawa," paumanhin ni Pres. Ngumiti lang ako.

Pagkatapos kainin 'yong mga binili naming pagkain ay umalis na rin kami sa canteen. May 10 minutes pa ko bago ulit ang klase kaya sumama muna ako sa kanila sa opisina ng Book Club. Maliit lang siya, kasize lang ng mga classroom rito sa school at magmumukhang mini-library dahil sa dalawang malaking bookshelf na nakasandal sa pader. May apat table na katulad ng sa mga opisina. Table ng President, Vice, Secretary at Treasurer. In short, table namin. May maliit lang na sofa set para upuan ng kung sino mang nasa loob ng opisina maliban sa officers.

May pagka-minimalistic rin kasi kaming apat kaya ayaw namin ng mga gamit na hindi naman kailangan sa opisina. Saka pumupunta lang naman ang mga members dito kapag magpapasa sila ng pieces nila o kaya may kailangan bayaran. Minsan kwentuhan pero madalas kapag may kailangan lang talaga gawin.

"Nga pala, malapit na ulit ang opening of the clubs. Sino ang maghahandle non?" tanong ni Jeboy#1, ang panganay sa triplets. Kumportableng umupo sa sofa ang tatlo.

"Si Cathy."

"Bakit ako?" tanong ko kay Pres.

"Nandito pa naman kayo ni Chars diba? Edi kayo ulit maghandle," dagdag ko pa.

"Hindi ba namin nasabi sayo?"

"Magugulat ba ako kung nasabi mo na?" Tawa lang ang sinagot sakin ni Chars.

"Kaya nga naman Chars, bakit siya? E baka sa sobrang pihikan niyan walang maging bagong member ang book club." Nang-aasar na sabi ni Jeboy#2. Inirapan ko siya na lalo niyang ikinatawa.

"Oh edi ngayon alam mo na?" napalingon ako ulit kay Pres nang magsalita siya.

"Ikaw ang magha-handle ng opening ng book club." Dagdag niya pa.

"E bakit nga ako?" angal ko sa kanya. Hindi pwedeng ako. Maraming bagong Kdrama ngayon, kailangan ko pa maghabol ng credit score sa ML.

"Kasi ikaw ang candidate na maging sunod na President," nakangiting sabi ni Chars.

"Yieeeeeeeeeeee," asar ng Jeboy boys.

"Utot," was all that I manage to say.

"Tutulungan ka naman namin. Ano bang pakulo mo?"

Actually summer pa lang ay nakaisip na ako ng idea para nga sa opening ng Book Club. Normally kasi ang ginagawa namin ay parang kung anu-ano lang kaya hindi nasasala ng maayos ang mga members.

Book Club need writers not wannabes. We need responsible members who can write a decent story. And a member who can work under pressure and meet the deadlines. Hindi 'yong mga member na kung umasta ay parang may ipagmamalaki na kahit wala pa namang nararating.

"Writing contest." Hinintay ko ang reaksyon ni Pres at Chars sa sinabi ko. Mukhang nag-iisip si Pres at malawak ang ngiti sakin ni Chars.

"Sabi na sa inyo, walang makakapasok sa Book Club sa opening. Writing contest? Sinong sasali? Ay mali pala, sino ang matatanggap? Sa taas ng standard mo sa sining ng pagsulat, kahit maling placement ng kuwit, mamalian mo." Napamaang ako sa sinabi ni Nicholas, Jeboy#2.

"Excuse me?" sabi ko sa kanya.

"Dadaan ka?"

"Stupid."

"Totoo naman ah. You don't consider even the smallest mistake." Nanghahamon ang tingin niya sakin. Damn. Sinusubukan ako ng Jeboy na 'to ah.

"Hindi ka pa rin makamove-on 'don sa essay na 'yon?" tanong ko sa kanya. Taas ang kilay, magka-cross ang braso. Hindi ako papatalo 'no!

"Hmp." Inismidan niya lang ako.

There was some incident kasi na sakin napatapat ang essay niya. Madam Cruzat was a very strict teacher. She strictly said na wrong placement of commas and period is wrong. Kapag mali ang check, mase-zero. E kesa naman sa ma-zero ako edi minalian ko na siya. And it was not just one wrong placement of comma, may wrong spelling pa nga akong nakita 'non pero pinalampas ko na e.

Narinig ko ang tawa ng mga kasama namin. Inirapan ko siya. Inirapan niya rin ako.

"Sige. Call. Writing contest it is." Pinal na sabi ni Pres samin. Ngumiti ako ng matamis kay Nicholas, yung ngiting sa sobrang tamis ay kukuyugin siya ng mga langgam na pula at mamatay siya sa sobrang inis.

"Pero," lahat kami ay napalipat kay Pres ng tingin dahil sa sinabi niya. Bakit may pero? May kondisyon pa?

"May point si Jeboy#2, kaya hindi si Cathy ang magja-judge," nawala ang ngisi ko. Pinigilan ko ang lumingon kay Nicholas pero nararamdaman kong nakatingin niya sakin at may nang-aasar na ngiti sa labi.

"Wag kang ngumiti!" puna ko kay Nicholas

"Bakit ba? Nai-inlove ka?" Malaki pa rin ang ngiti na sagot niya sa akin.

"Ang pangit mo, wala ka ng mata." Sa triplets na ito kasi ay si Nicholas ang pinaka-chinito e. Humalakhak siya sa sinabi ko. Letse talaga 'to e.

"Nagsalita!"

"Heh."

"Hep! Tama na nga 'yan. Baka magka-developan pa." Nang-aasar na saway samin ni Chars.

"Di na rin," sabay pa naming sagot ni Jeboy#2. Muli, tinawanan lang kami ng mga kasama namin.

"Okay, so instead of Catherine, kayong triplets kasama si Chars ang mag-judge."

"What?" tanong ko kay Pres. Lumingon siya sakin na parang nagtatanong kung bakit ako umaangal. Tinuro ko ang triplets.

"Anong alam ng tatlong kulugo na 'yan sa pagja-judge ng isang piece? E ni hindi nga member ng Club 'yang mga 'yan e. Ni hindi nga marunong magsulat ng matinong tula ang mga 'yan e,"

"Oy grabe naman," sabay na angal ng mga Jeboy. Ngumiti lang sakin si Pres.

"Kaya lagi kang stress e, masyado kang seryoso," nakangiting puna sakin ni Pres, ngumiwi ako sa kanya. Malakas ang boses na sumang-ayon naman agad si Nicholas. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tama, tama. Tama ka jan, Pres." Nang-aasar na pang-gagatong ni Nicholas sa sinabi ni Pres

"Kaya walang nanliligaw jan e, sobrang taray!" dagdag niya pa. Sumimangot muna ako sa kanya bago siya inirapan.

"Bakit, brader? Kung 'di ba mataray, liligawan mo?" pang-aasar sa kanya ni Jeboy#1.

Nagsalubong ang tingin namin. Matagal siyang hindi nakasagot. Halos lahat kami ay tahimik at naghihintay ng sagot mula sa kanya. At sa hindi malamang dahilan, naramdaman ko ang pagkalat ng init sa buo kong mukha.

"Bakit brader, may sinabi ba ako?"

Nang lumingon siyang muli sa gawi ko ay nakita ko ang paglunok niya. Hindi rin nakatakas sakin ang pamumula ng tenga niya. Cute.

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon