CHAPTER TWENTY-ONE: JEALOUSY

36 12 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE: JEALOUSY

"Jealousy is a disease. Get well soon." Hinarap ko si Nicholas na may nang-aasar na ngiti para sakin.

"Shut up."

"Oy, hindi nag-deny. So, selos ka nga?" Inirapan ko siya.

"Siyempre ... hindi. Bakit naman ako magseselos?" May gigil kong pinindot ang 'enter' kaya lalo siyang humagalpak ng tawa.

I looked at him as he laugh. Okay na ba talaga kami? Okay na ba talaga siya?

"Hindi pa naman nawawala 'yong feelings pero mas ayaw kong mawala ka. Sayang naman ang mahigit sampung taon na tiniis ko ang mga pagtataray at hampas mo, 'no. I'm giving up my dream of us being more than friends but I can't give up our friendship, Cathy."

"Tigilan mo ako sa tingin na 'yan. Pa-fall yan."

"Siraulo."

Muli akong bumalik sa pag-eedit ng manuscript ko habang siya ay bumalik sa pagscroll sa phone niya. Panay ang basa niya ng mga nakikita niyang post sa fb, hindi ko na lang pinansin.

"It is not love that is blind but jealousy." Muli na naman siyang humagalpak ng tawa.

"Wala ka bang ibang gagawin? Lumayas ka na nga. Hindi ako makapag-edit sayo, e." He stucked his tounge out to tease me.

"Nood tayong sine bukas,"

"Sige," sagot ko sa kaniya na hindi lumilingon.

"Why don't you apply for the graphic artist position? Kesa naman sa nagpro-proofread ka, may mali pa rin naman."

"Ayaw ko nga. Magaling masyado sina Ivan at Anthony, baka mainggit lang ako."

"Magaling ka din naman." Napalingon ako sa kaniya when I heard him gasped. Nakalagay ang isang kamay niya sa bibig at parang gulat na gulat.

"Wow. Pinuri mo 'ko."

"Parang tanga, lumayas ka na nga." Inirapan niya lang ako at umayos ng upo.

"Wala ka bang klase?" Tanong ko sa kaniya.

"Ayaw ko um-attend." Napailing na lang ako sa kaniya. Anong klaseng dahilan 'yon?

"Uyyy bati na sila." Muli akong napaangat ng tingin nang pumasok sina Chars sa loob ng opisina.

"Huli ka sa balita." Asar ni Ivan kay Chars

"Edi sorry na po."

"Si Noah, nasan?" tanong ko nang napansin ko na wala si Noah. Nandito na rin kasi si Neo kaya malamang na tapos na ang klase nila.

"Nasa baby girl niya." Napalingon ako kay Nicholas. May problema pa din sila ni Noah? Nagkatinginan kami ni Neo. He just shrugged his shoulders.

Lumapit sakin si Chars at may pinatong na papel sa desk ko.

"From your prince charming."

Dahil pataob itong ipinatong ni Chars, itinihaya ko ito para makita kung anong laman.

It is a drawing. Ofcourse, if it's from James Villazarde then it must be a drawing.

Kaiba sa mga drawing na naibigay niya na, iba ang pakiramdam na dala ng drawing na ito. This drawing gives me a feeling I can never accept. A feeling I must hold and make sure never goes out because just like what Nicholas said - it is a disease.

"Ganda ng drawing ah," puna ni Nicholas.

"Ofcourse, si Anthony nag-drawing, e." I smiled at Chars before I put the drawing in my drawer. Narinig ko ang pagsipol ni Nicholas. I rolled my eyes at him.

"Tara lunch libre daw ni Elise," naghiyawan ang lahat dahil sa sinabi ni Chars. Nagtayuan na rin sila at lumabas.

"Sunod na kayo Cathy, ha."

"Saan ba?" tanong ni Nicholas.

"Sa Cravings. Sunod kayo ha."

Minutes passed after they leave and I remain in my seat.

"Hindi ka pa tapos? Gutom na ako."

"I'm not going."

"Why? Jealous?" I stopped typing and arched my eyebrows at him.

"Shut up. I'm not." Sasagot pa sana siya sakin nang magring ang cellphone niya.

Pinangunutan niya ako ng noo bago itinuro ang cellphone niya, "Si Elise."

"Edi sagutin mo." I rolled my eyes at him at bumalik na sa ginagawa ko.

"Hello? Oo magkasama kami ... ha?" Lumingon ako sa kaniya nang kulbitin niya ako. I gave him my most irritated look.

Tinakpan niya ang cellphone niya bago ako kausapin.

"Kung pupunta ba daw tayo? Kasi naghihintay sila."

"Hindi nga ako pupunta."

"Kumpleto daw sila 'don." I sighed.

Pupunta ba ako? Pero ayoko. Ayoko muna makita si Elise. Ayaw ko munang makita si James. Ayaw ko silang makitang dalawa. Sariwa pa ang sakit sa dibdib na naramdaman ko kagabi. Sariwa pa 'yong pakiramdam na parang hindi ako makahinga. Na parang may kung anong humahawak sa puso ko ng mahigpit. Ayaw ko ng ganong pakiramdam. Ayaw ko ng nag-iisip. Ayaw ko na nanliliit ako. Ayaw kong kinu-kuwestiyon ko ang kaya kong gawin. Ayaw kong kinukumpara ko ang sarili ko sa iba. Ayaw ko ng ganon.

At mas lalong ayaw ko na sa dinami-rami ng babae kay Elise ko pa nararamdaman ang maalinsangan na pakiramdam na 'yon. Kay Elise. Kay Elise na naman. Kay Elise ulit. Letse.

"May tinatapos pa si Cathy, e. Ako naman, gutom na ako masyado para mag-drive pa papunta jan kaya baka sa canteen na lang ako kumain. Thank you. I-reserve mo na lang ang libre mo sakin. Haha, sige. Bye."

Nagsalubong ang tingin namin nang ibaba niya ang linya. Sabay kaming napahinga ng malalim.

"Hindi ka talaga pupunta? Mapaghahalataan ka niyan."

Tinaasan ko siya ng kilay. Mapaghahalataan na ano?

"Na ano?"

"Na nagseselos ka." He chuckled.

Inirapan ko siya. "Tantanan mo ako sa selos na 'yan."

"Tara kain?"

"Tara." Sabay kaming tumayo at nagpunta na sa canteen.

"Puro gulay na lang ang ulam na available. Ano uulamin mo?" Napasimangot ako.

"Magke-cake na lang ako," sagot ko sa kaniya.

"Ge, ako na ang oorder." Tumango ako sa kaniya at pumunta sa lamesa na malapit sa bintana. Sariwa ang hangin na pumapasok dito. Kita rin ang malawak na field ng school.

"Look," nag-angat ako ng tingin kay Nicholas. Ipinakita niya sakin ang phone niya. Pinicturan niya ako habang nakatingin sa field.

"Ganda mo diyan. Palitan mo na 'yong profile picture mo sa fb." Nginitian ko lang siya.

"Saka na, tinatamad pa ako."

Iniabot niya sakin ang cake ko saka isang lemon juice.

"Thank you."

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon