CHAPTER TWENTY-TWO: JEALOUSY IS CONTAGIOUS
Natigil ako sa pagsubo nang makatanggap ako ng message na agad ko rin namang binuksan. Baka importante.
From: Chars
Nagkita na ba kayo ni Anthony? Umalis siya dito para dalhan ka daw ng pagkain. Sabay na daw kayo. Text mo siya.Napakunot ang noo ko at muling binasa ang mensahe niya. When it sinked, agad akong napatayo at tumakbo palabas ng canteen. Hindi na ako nagpaalam kay Nicholas na nagtataka lang akong tiningnan palayo.
Dahil siguro sa init kaya tinakbo ko ang distansiya ng opisina at canteen. Napatigil ako sa harap ng pintuan para maghabol ng hininga at para mag-isip.
Bakit nga ba dito ako tumakbo? Paano kung wala pala siya dito. Hays, dapat tinext ko muna.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng message para sa kaniya.
To: James
Nasan ka ngayon? Puntahan kita?Ilang beses kong muling binasa ang tinype ko na message. Nagtatambol ang dibdib ko sa kaba o baka sa pagod sa pagtakbo, hindi ko alam. Binasa kong muli ang mensahe ko para sa kaniya. Pinag-isipan. Pinag-aralan. Parang may mali. Parang ang pangit pakinggan. Ang landi ng dating.
Agad ko itong binura at nagtype ng panibago.
To: James
Where are you?Parang ang cold naman? Baka isipin niya galit ako. Binura ko ito ulit.
To: James
Hoy, nasan ka?Sounds rude. Bura ulit. Napapadyak ako sa inis. Kingina, bakit ba ako nagpapakahirap dito na parang babagsak ako kung mali ang mai-send ko? Hindi naman 'to essay report kay Mam Cruzat para pag-isipan ng mabuti.
To: James
Nagtext sakin si Chars, may ibibigay ka daw? Asan ka?Pikit-mata ko itong sinend. Hindi pa rin ako kuntento sa laman pero okay na siguro 'yon kesa naman amagin ako dito. I sighed, bakit ba ganito na lang kung manikip ang dibdib ko? Itinext ko lang naman siya. Ano pa kaya kung magkaharap kami? Baka hindi na ako makahinga.
Cause of death: Too much kilig este kaba. Too much kaba. Hoo!
Mabilis kong tiningnan ang cellphone ko nang magvibrate ito.
Napairap ako sa inis at napapadyak nang pangalan ni Nicholas ang nakita ko sa screen.
From: Nicholas
Anong nangyari sayo? Natatae ka?May gigil kong pinindot ang bawat letra sa keyboard na nasa screen ng phone ko.
To: Nicholas
Siraulo.Naglakad na ako palapit sa pinto ng office nang magvibrate ulit ang phone ko. Mabilis kong binuksan ang mensahe nang mabasa kong kay James ito galing.
From: James
Tapos na ba ang lunch date niyo ng Nicky mo? Don't rush, I can wait.Sa dami ng reaksyon na pwede kong ilabas at ipakita, hindi ko alam kung bakit ako ngumiti.
Jealousy is a disease. Not all diseases is contagious but I guess jealousy is. Kanino naman kaya siya nahawa?
I can't help but bit my lower lip while typing my reply for him. Hindi ko alam kung saan biglang nanggaling ang napaka-sayang pakiramdam. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa. Para akong battery na bigla na lang sasabog dahil sa labis na pakiramdam na mukhang hindi ko na kayang pigilan at gusto ng kumawala. Napakaraming pakiramdam na hindi ko mapangalanan pero nasisiguro kong nakakatuwa.
To: James
Tapos na kami. Nasan ka?Malawak ang ngiti kong binuksan ang pinto at pumasok habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa phone. Naghihintay ng reply.
Natigilan ako sa pagpasok nang makita ko siyang nakaupo sa sofa. His lips is parted and there is amusement dancing in his eyes. I smiled at him that made his eyebrows raise.
"What?" tanong ko sa kaniya habang umuupo sa retro square sofa na katabi ng hard wedge arm sofa na inuupuan niya.
"Where's my food?"
"Your food? What made you think I would bring you food?"
Normally, because I am a short tempered girl, dapat kinunutan ko na siya ng noo at nilayasan. Bakit ko siya pipilitin diba? But I don't know what got into me at parang gusto kong makipag-asaran sa kaniya ngayon.
"Because you're worried, I'd go hungry?" Napalunok siya.
"Why would I? You have your very own Nicky to worry for you." A cat got my tounge and run away with it. Ilang beses akong nag-isip ng isasagot pero wala.
Paano niya nalaman ang tawag ko kay Nicholas? And like duh? The last time na tinawag ko siya 'non ay bata pa siguro kami. I only used that nickname to piss him when we're younger.
But instead of asking him kung saan niya narinig ang bagay na 'yon, I keep myself entertained with the reactions he's making and the unsaid words behind his eyes. He has such a beautiful pair of eyes.
Tama si Peter, look behind his eyes and you will see alot of emotions that he is hiding through his smiles and laughs. But I can't see that he is lost. All I see is one feeling that is making my heart beat faster with joy and excitement - jealousy. He's jealous! I guess?
"Selos ka ba?" He gasped.
"I'm pissed." I form an "o" shape with my mouth.
"And why is that?"
"Who wouldn't be when the girl you are going to bring the food to and you'd like to eat with is eating with another man in the canteen near the window and anyone who would see them would think that they are a couple so much inlove with each other. Who wouldn't, hmm?"
This time, pinigil ko ang mapangiti. Who would thought that James Villazarde is capable of being jealous? And who would thought that he is more adorable when he's jealous?
He better not show this side of him to anyone else.
"Ang daming sinabi, kakain ba tayo o hindi?"
"Dito?" May pagmamaktol sa boses niya kaya hindi ko na napigil ang pagngiti.
"Saan mo gusto? Sa canteen, sa may bintana?" Pang-aasar ko sa kaniya but he just pouted his lips.
"Mas lalong ayaw ko 'don."
"E saan nga?"
"Sa kotse?"
"Ano namang romantic sa kotse mo? Mas okay na dito." Inirapan niya ako. Ha! Totoo naman ah? Ano bang romantic sa loob ng kotse at doon niya gusto kumain?
"Sa canteen na nga lang kasi, sa may bintana,"
"Tangina."
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Genç KurguA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...