Chapter Twenty-Eight: KissHe is sitting on my right side, instead of looking at him, I turn my head to my left side. He slightly pushed my shoulder and made me face him. He holds my chin and move his face a little closer to mine.
"Because you are the love that I didn't seek... but then I found."
Nag-iwas ako ng tingin at ganun din siya. Napalunok ako at pinigilan ang sariling hawakan ang dibdib ko. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng pagtibok nito.
Narinig ko ang pagtikhim niya at paglagok sa alak na hawak niya. Ipinunas ko ang kamay ko sa suot kong shorts. Malamig na ang simoy ng hangin, dumagdag pa ang panlalamig ng kamay ko. Napabuga ako ng hangin.
"Anthony!"
"Elise," naramdaman ko ang paglingon sa akin ni James dahil sa biglang pagsulpot ni Elise.
"Kanina pa kita hinahanap," sabi ni Elise at nagpumilit sumiksik sa pagitan namin ni James dahilan para bahagya akong mapasubsob sa buhanginan kung hindi ko agad naituon ang kamay ko.
Inagaw niya ang hawak na in-can beer ni James at lumagok dito.
"Oops, indirect kiss," maarte nitong sabi na may paghawak pa sa bibig niya na parang gulat na gulat. I rolled my eyes. Napakaarte talaga.
Tumayo ako at walang sabi-sabing umalis. For the first time, kahit medyo may kasamang inis at pagkairita, nagpapasalamat ako sa pagdating ng bruhang si Elise.
Umupo ako sa duyan na nakita ko at dinama ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Hindi naman ito ang unang beses na may nagconfess sakin pero ito ang unang beses na naging ganito kaabnormal ang pagtibok ng puso ko. Hinipan ko ang dalawa kong kamay at inilagay ito sa pisngi ko. Ilang beses akong huminga ng malalim.
"Because you are the love that I didn't seek... but then I found."
Napabuga ako ng hangin.
"Pwede namang I love you na lang, napaka arte," mahinang bulong ko.
Kung hindi siguro dumating si Elise, hindi ko na alam kung paano siya haharapin at kakausapin habang nagtatambol ang dibdib ko. Shet.
Biglang bumalik sa akin yong sandali na hawak niya ang pisngi ko pagkatapos niya umamin. Kung hindi ba ako umiwas, hahalikan niya ba ako?
Napapadyak ako sa naisip at hindi napigilan ang pagngiti. Dapat pala hindi ako umiwas!
Kung hindi dumating si Elise, ano na kayang pinag-uusapan namin?
Kung isa ito sa mga istoryang isinusulat ko, tumakbo na sana ang bidang lalaki palayo matapos niyang umamin dala ng hiya o pagkabigla pero makapal ang mukha ni James Villazarde, hindi siya marunong mahiya o mabigla kaya hindi siya naglakad palayo. Pero ako? Bakit umiwas lang ako? Dapat naglakad na rin ako palayo ng mga panahon na 'yon. Ah! Naghihintay akong magsalita siya at magtanong kung kelan siya manliligaw pero dumating agad si Elise. Bruhang Elise talaga, wrong timing
"Oops, indirect kiss,"
Bigla akong napatayo sa duyan. Sandali kong nakalimutan na isang linta nga pala si Elise na may lahing ahas, baka bigla niyang pilitin si James para maging direct ang inaasam niyang kiss. Kingina niya, uunahan niya pa ako, e ako ang mahal.
Wala sa sarili akong naglakad pabalik kung saan ko naiwan ang mapusok na si Elise at marupok na si James. Wag lang talaga papahalik 'yang si James kay Elise , hinding-hindi siya makakahalik sa akin.
Agad akong napatigil nang matanaw ko si James Villazarde, mag-isa.
"Walang himala, ang himala ay nasa puso ng tao."
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Teen FictionA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...