CHAPTER FIVE: THE AVID READER

80 55 0
                                    

CHAPTER FIVE: THE AVID READER

"This is Catherine Mionnette Alvarez, grade 10. The secretary, the next president. She is also an author." Pakilala ni Pres sa akin. Nakita ko ang pagngiti niya na parang hindi niya 'yon inaasahan. Alin sa sinabi ni Pres ang hindi niya inaasahan? I am the next president o iyong ako ang secretary?

"Talaga author ka? May I know your screen name?" malaki ang ngiti at kumikinang ang mata na tanong niya sa akin.

"Are you silendirena29?" umiling ako sa dagdag niyang tanong. Kanino niya nalaman ang screen name na 'yon? Napanguso siya bago tumango.

Nagkatinginan kami ni Pres. "Silendirena29 resigned years ago."

"Bakit?" He asked again.

"Nanawa." Maikling sagot ko sa kaniya.

"Imposible." Napatitig ako sa kaniya.

"Kilala mo?" singit ni Chars. Nagkibit-balikat lang siya bilang sagot. Damn, he's weird.

"I'm her avid reader." Napaiwas ako ng tingin. Tumalikod ako sa kanila at nagpunta sa table ko saka binuksan ang computer ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko alam bakit kailangan mamuo ng luha ko. Letse.

Narinig ko na ipinakilala ni Pres isa-isa ang Jeboy triplets at si Chars. Habang nagku-kwentuhan sila pasimple akong nilapitan ni Pres.

"Are you okay?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. There is worry in her eyes. Nagpilit ako ng ngiti saka sumagot sa kaniya.

"Oo naman."

Pero hindi naniniwala ang tingin niya. "Sure?" Tumango ako.

"Kung ganon, maiwan na muna kita rito. Bibisita kami ni Chars doon sa branch natin sa Batangas. Isasama ko na ang Jeboy triplets paglabas, ikaw na muna ang bahala kay James. Gusto niya na raw simulan 'yong una niyang project."

Aangal pa sana ako kay Pres kung bakit ako ang kailangan maiwan sa avid reader na iyon  pero tinalikuran niya na ako at lumapit sa pwesto ng mga ito.

"Ha? Maiwan na rin muna ako dito," narinig kong angal ni Nicholas.

"Mag-aaway lang kayo," natatawang sabi ni Chars.

"Hindi! Hindi ako iimik promise! Hindi ko siya guguluhin." Narinig ko ang pagtawa ng mga kapatid niya.

Naging tahimik sila na very unusual kaya sumilip ako. Nakatingin si Nicholas sa pwesto ko. His eyes are pleading.

"Cath, dito daw muna si Nicholas." Muli akong tumingin kay Nicholas at bahagyang natawa. Parang bata.

"No. Isama niyo na yan pauwi." Muli kong ibinalik ang tingin ko sa computer. The next thing I heard ay ang pagdadabog ni Nicholas paalis. Nagpaalam na rin sina Pres.

"You seem pretty close to him," narinig kong sabi niya. Nakuha niya ang atensyon ko nang marinig ko ang paggalaw ng isang swivel chair sa table ng treasurer. Umupo siya doon at pinagulong palapit sa table ko. Parang bata. Napapaligiran ata ako ng mga isip-bata.

"Sabi ko close ka sa kaniya?" Pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.

"Narinig ko."

"Bakit di ka sumagot?"

"Bakit ko kailangan sumagot?" Naghalumbaba siya sa table ko habang nakangiti ng malaki.

"Masungit ka ba talaga o nagsusungit-sungitan ka lang?"

"Anong klaseng tanong yan?" Nagkibit-balikat siya.

"Gusto lang kitang makilala." Natigilan ako sa sagot niya. Ugh! Did he really have to say it out loud? Pwede naman niyang sabihin na, 'Wala lang'. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Damn, I'm taking it maliciously.

Tumayo ako at kinuha ang dala ko kaninang manuscript ni Lian. Inabot ko 'yon sa kaniya.

"Eto 'yong gagawan mo ng book cover."

"I Love You." Hindi ko alam kung bakit malakas ang naging pagtibok ng puso ko kahit alam kong binasa niya lang naman ang title ng story ni Lian. Bakit kasi 'yon ang title.

"Tragic ba 'to?" Narinig kong tanong niya. I was about to say, 'Ano sa tingin mo?' but I ended up answering him properly.

"No." Obviously.

Akala ko ay aalis na siya nang tumayo siya pero mukhang may kinuha lang siya at bumalik din. Tiningnan ko kung ano ang dala niya. Sketchpad niya. Natigilan ako nang magsimula siyang mag-sketch.

The way how his hands move, how he recklessly draw the lines, how he hold his pencil. Damn, ang gwapo.

"You know, you can do it at home." Do it at home dahil nahihirapan akong huminga. Kainis bakit ba kasi ako kinikilig? It's not like he's drawing me in front of me.

"Wait lang." I didn't disturb him after or say anything. About five minutes ay iniharap niya sakin ang ginawa niya. Hindi ko alam kung pailang beses na ito ngayong araw na namangha ako sa artwork niya but then again, it's wonderful. Wala akong masabi, literally. Kung tutuusin, simple lang naman ang ginawa niya. Isang lalaki na nakaluhod sa harap ng isang babae. And he's kissing the girl's hand.

"How is it?" Nalipat sa kaniya ang atensyon ko pero napaiwas din ako agad ng tingin. Why is his eyes so expressive? Letse. At bakit ba ako kinikilig? It's too early to assume na may gusto siya sakin just because he draws me and just because he have a very beautiful eyes. Bakit kasi ganon siya tumingin!

"Maganda naman." Maikling sagot ko at nag-open ng kahit na anong folder sa computer ko.

"Napilitan?" I heard him chuckle. "Babaguhin ko na lang kung hindi mo nagustuhan."

"No!" Halata ang pagkagulat niya dahil sa bigla kong pagsasabi ng No. Tapos medyo malakas pa. E kahit ako naman nagulat. Medyo OA ako sa part na 'yon. Letse.

Awkward kong ibinalik ang tingin ko sa computer when he laughed.

Ilang sandali kaming natahimik hanggang sa harangan niya ng isang sketch niya ang computer ko. Ito 'yong ipinasa ni Pres kanina.

"Ikaw 'to no?"

"Nagdro-drawing ka ng hindi mo kilala?" I mockingly asked him. Nagkibit-balikat lang siya.

"Maganda e." Nag-iwas ako ng tingin nang ngumiti siya sa harap ko. Letse ang landi. Lahat ba ng may James sa pangalan ganito kalandi?

"Wala naman talaga akong balak i-drawing yan but I can't get it off of my head. It was in the church this morning. Kahit nagho-homily si Father, the image of that girl is not leaving my head kaya I decided to draw her. But still, she's in my head. Ayaw umalis e. Nagpapa-cute."

"Ikaw 'to, diba? Miss Catherine Mionnette Alvarez?"

"Mas cute ka sa malapit."

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon