CHAPTER SEVEN: OVERTIME

75 42 0
                                    

CHAPTER SEVEN: OVERTIME

"Hindi ka pa uuwi?" Umiling ako kay Chars. Kailangan kong i-proofread ulit ang story ni Lian para sure na walang grammatical errors para matuloy na ang printing bukas.

Nagkibit-balikat lang sakin si Chars bago lumampas sa table ko. Actually, sanay na sila sakin dahil minsan trip ko talaga mag-overtime kahit wala naman kaming OT pay.

"Ikaw Anthony? Hindi ka pa rin uuwi?" Napasilip ako sa direksyon ni Chars. Sa harap nito ay si James na nakahiga sa sofa at may nakatakip na libro sa mukha.

Hinila niya ang libro pababa pero nanatiling nakatakip sa ilong niya at bibig. Sumilip pa muna siya sakin bago umiling kay Chars.

"I'm okay Charmelle, maaga pa naman." Muling nagkibit-balikat si Chars bago tumingin sakin ng nakataas ang kilay bago lumabas ng office. Pagkalabas ni Chars ay agad siyang tumayo at kumuha ng upuan para makaupo sa tabi ko.

"Pwede ka ng umuwi," sabi ko sa kaniya. Kanina niya pa naman naipasa ang kailangan niya ipasa.

"Samahan kita." Nagkibit-balikat lang ako. Bahala siya jan.

Nang sa tingin ko ay masyado na akong matagal na nagbabasa, tumingin ako sa orasan. Ala-sais y media na ng hapon. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng office pero 'di ko makita si James. Umuwi na ata, hindi manlang nagpaalam.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa computer at ilang minuto lang ay may naglapag ng pagkain sa table ko. Agad ko 'yong napansin dahil bigla akong nagutom sa mabangong amoy na dala nito. Nang mag-angat ako ng tingin ay malawak ang ngiti ni James sakin.

"Gutom na 'ko e. Tara kain."

Nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kaniya ay bigla siyang nagtanong,

"Mas gusto mo ba ang McDo?" He anxiously asked. Umiling ako sa kaniya.

"I'm okay with anything pero nakakahiya. Ano 'to? Nagpunta ka pa ng bayan para lang bumili?"

"Hindi ah. Naisip ko ngang magpadeliver pero masyadong malayo 'tong school kaya hindi abot ng delivery service nila.  Inutusan ko na lang 'yong bestfriend ko at siya ang pinagdeliver ko dito."

"Napakabait naman ng bestfriend mo, ayaw ka niya magutom." He laughed and shrugged his shoulders.

"Kain na, wag ka na mahiya. Next time, ikaw naman manlibre." Tumango ako sa kaniya.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa pag-proofread at bumalik naman siya sa pagtingin sakin. Hindi ko na lang pinansin kahit halos maputol na ang hininga ko sa hindi maintindihang kilig. Letse.

"Tell me something about yourself MissDecember," I can't help but to smile when he called me using my username.

"Wag mo 'kong guluhin Mr. Graphic Artist." Humalakhak siya sa sinabi ko.

"Bakit?"

"I can't read and babble about myself at the same time."

"Edi wag ka muna magbasa. Ipahinga mo muna ang mga mata mo."

Sinilip ko ang computer at mayroon na lang akong five pages to read.

"Wait lang,"

"I can wait."

Tinapos ko muna ang pagbabasa bago ko siya muling nilingon. Hindi manlang nagbago ang pwesto niya mula kanina.

"Bakit ba panay ang tingin mo?"

He shrugged his shoulders. "Alangan naman 'yong pader ang tingnan ko."

"E bakit kasi hindi ka pa umuwi."

"I can't leave you here alone,"

"Well I can handle myself alone,"

"Talaga?"

"Oo naman. Sanay na akong magpalipas mg gabi dito mag-isa 'no at wala namang nangyayari na kahit ano. Matagal ko na 'tong ginagawa. Bago ka pa man dumating." His smile became bigger.

"At dahil nandito na ako, you don't need to stay here all by yourself,"

"Kasi?"

"Sasamahan kita. Kahit gaano katagal mo gusto."

My heart skip a beat. Parang bumagal ang oras habang nakatingin ako sa mga mata niya. Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Damn this guy! Tama si Nicholas, how dare he flirt when he's just new. And he's flirting me for godsake!

Napakurap ako ng tumunog ang sarili kong telepono. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling sa kabilang direksyon habang sinasagot ang tawag.

"Hello mommy?" It was grandma on the other line.

"Gabi na, nasan ka na?"

"Nasa school pa po pero pauwi na rin."

"Sa inyo ka na muna umuwi ha. Nadala ko na 'don ang uniporme mo para bukas."

I can't help but to feel annoyed. Ayaw kong umuwi sa bahay na 'yon. "Bakit?"

"Kailangan namin umuwi ng daddy mo sa probinsya nila dahil may sakit ang kapatid niya. Ooperahan daw sa puso."

"Pwede naman akong sa bahay nyo matulog ngayong gabi. You know I can handle myself."

"May pasok ka bukas, sinong gigising sayo?"

"Uso ang alarm," maiking sagot ko.

"Buti sana kung nagigising ka sa alarm. E ang almusal mo, sino magluluto?"

"Pwede naman ako sa school na kumain." Narinig ko ang buntong hininga ni mommy mula sa kabilang linya. She's already irritated, I can feel it. Siguro kung magkaharap lang kami ay nahila niya na ang dulo ng buhok ko at niratratan ako ng walang sawa.

"My, gabi na. Saan pa ako sasakay papunta don?"

"I can take you." Agad akong napalingon kay James nang magsalita siya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nag-ikom siya ng sariling labi at nag-muwestra pa na parang isini-zipper 'yon.

"Sino 'yon, Mionnette?" Napapikit ako. Medyo kinakabahan sa tono ng boses ni mommy.

"Boses lalaki. Nasa school ka ba talaga? Ikaw ba Mionnette ay mag-aasawa na ha? Ni hindi mo manlang iniharap sa amin yan? Paano na ang pag-aaral mo? Ang mga pangarap mo? Dis-oras na ng gabi magkasama pa kayo. Hindi ba kita napalaki ng tama ha? Ano na lang sasabihin sakin ng ama't ina mo?"

"My." Pinutol ko siya pero hindi ko rin alam pano ipapaliwanag ang sarili ko.

"Groupmate ko my. Nagagawa lang kaming project," I tried to reason out.

"Anong project? Bata?" Madiin kong naipikit ang mga mata ko sa inis.

"Sige na bahala ka na jan. Sa kaniya ka na lang magpahatid papunta sa inyo. May sasakyan ba yan? Sabihin mo ay magdrive ng mabuti. Ingat. Wag matigas ang ulo. Medyo matatagalan bago kami bumalik. Mionnette, wag mong patulan ang kapatid mo ha? Ang laki-laki mo na pumapatol ka pa sa bata. Sige na, babye."

"Bye my," Paalam ko at pagkatapos ay ako na ang nagbaba ng linya. Sumandal ako sa sandalan ng swivel chair bago pumikit. Bigla akong nakaramdam ng pagod.

"Saan ba kita ihahatid?" Narinig kong tanong niya. I didn't bother to open my eyes.

"Hindi ko alam."

"Hindi mo alam address nyo?" Hindi naniniwala niyang tanong.

"Hindi."

"Hindi mo alam ang address ng bahay mo?"

"It's not mine."

"Can you lend me your phone?" Walang imik na inabot ko sa kaniya ang phone ko. I'm too tired to even ask why. After a short moment, naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa upuan.

"Tara na, hatid kita sa bahay niyo."

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon