CHAPTER FIFTEEN: THE BIRTHDAY PARTY

53 28 0
                                    


CHAPTER FIFTEEN: THE BIRTHDAY PARTY

"Nasan ka na?" Nahimigan ko ang pagkairita sa boses ni Nicholas. Bakit ba parang nireregla ang hinayupak na 'to sa sobrang sungit.

"Hindi nga kasi ako makakapunta."

"Hindi magandang biro. Bilisan mo na, ikaw na lang ang hinihintay."

"Masakit nga kasi ang ulo ko diba? Sinabi ko na sayo kagabi. Ikaw kaya jan sumakit ang ulo."

"Wag mo 'ko artehan, nakita pa kitang nakikipag-ngitian kay Villazarde kahapon. Bilisan mo na. Kakairita."

At bago ko pa man madepensahan ang sarili ko, ibinaba niya na ang tawag. Narinig ko ang hagalpak na tawa ni Avril na kanina pang nagpipigil. Actually, it was her idea na galitin si Nicholas by telling him na hindi ako makakarating. Ewan ko din ba sa sarili ko bakit ako sumunod e alam ko ng walang kwenta.

"I told you it won't work."

"And I also told you he would get pissed." Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng istorya sa cellphone ko. This is much more interesting than Avril's nonsense babbles.

Sabi na nga ba hindi magandang ideya na sumakay dito sa kotse niya e.

"Look," nag-angat ako ng tingin sa kaniya. She showed me something in her phone.

"Pinapauwi na ni Nicholas sina Chars kapag hindi ka pumunta," sinundan niya ito ng tawa.

"Napakadaming arte talaga niyan si Nicholas. Akala mo naman ako ang may dala ng handa nila."

Ilang sandali lang at nakarating na rin kami sa harap ng magarang bahay ng mga Monteveda.

"Manong Lito, I would just call you kapag papasundo na ako ha? Ingat po." Pamamaalam ni Avril sa driver niya. Hinintay pa namin na makalayo ang kotse nila bago kami pumasok sa loob.

"Sa wakas magsisimula na rin!" Agad na sigaw ni Ivan nang makita niya kaming pumasok.

Summer ang theme ng birthday nila dahil ginanap ang party nila sa tabi ng swimming pool. And only close friends ang invited, wala rin ang parents nila at ipinagkatiwala sa kanila itong buong bahay.

Mostly ng mga nandito ay classmates namin noong elementary at ngayong high school, ilang members ng book club at mga kasama nila sa basketball.

"Laki ng muscle ah," natatawang puna ni Avril kay Lee na nakasando.

"Ikaw rin, laki rin ng muscle mo." Lahat kami ay natawa sa pambwibwiset ni Peter kay Avril.

We spend the rest of the day playing random games. They want to open the gifts pero most of us don't want to kaya hindi natuloy.

When the sun sets, marami na ang nag-uwian. As for me, I cannot go home until the party is over. Ang natira na lang ay halos mga members ng Book Club.

"Tara videoke."

Nagpunta kami sa sala nila at si Neo ang nagset ng videoke. May dalang light drinks sina Nicholas at Noah nang bumalik sila. Agad naghiyawan ang mga lalaki.

Mula sa pinaka-matanda nag-umpisa ang pagkanta sa videoke. Nauna si Ivan na kumanta ng Pusong Bato. He made us all laugh with his song choice at dahil na rin parang lasing siyang kumanta kahit hindi pa namang siya umiinom. Inabutan ako ni Chars ng isang bote pero agad 'yong inagaw ni Nicholas at iniabot kay Avril bago siya tumabi sa pwesto ko.

Sumunod si Pres na kumanta ng Careless Whisper. Si Chars na kumanta ng Toxic. At sunod na ang Jeboy triplets. Si Noah ang nauna. He sang Born For You habang nakatingin kay Avril. Dahil medyo nakakasuya panoodin, ini-stop din agad ng mga kapatid niya ang tugtog. Imbes na si Nicholas ang sumunod, si Neo ang sumunod because Nicholas has to answer a phone call.

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon