CHAPTER ELEVEN: JOKES AND LAUGHTER

53 32 0
                                    


CHAPTER ELEVEN: JOKES AND LAUGHTER

Awtomatikong napamulat ang mata ko. Inabot ko ang orasan sa side table at tiningnan ang oras - alas kuwatro y media. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush at maligo.

Nag-aayos na ako ng laman ng bag ko nang makarinig ako ng katok. Sumilip si tatay mula sa pinto at malawak ang ngiti.

"Aga gumising ah. Hatid na ba kita?" Tumango ako sa kaniya. Chineck ko pa ulit ng isang beses ang laman ng bag ko bago lumabas ng kwarto. Mahirap ng may makalimutan, malayo ang uuwian.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay nakasalubong ko si Mama na buhaghag ang buhok at may tuyong laway pa sa pisngi. Nagulat siya ng makita ako.

"Hala anak sorry, una ka pa nagising sakin,"

"Okay lang Ma,"

"Pasensya na talaga anak ha? Hindi ako ginising ng tatay mo e, patay sakin ang lalaksot na yan."

Lihim akong napangiti. "Okay lang Ma." Bahagya akong nagulat nang maramdam ko ang kamay niya sa likod ko habang pababa kami ng hagdan.

"May baon ka na ba?"

"May pera pa ako." Tumango-tango siya.

"Humingi ka pa rin sa tatay mo, maraming pera 'yon." Ngumiti lang ako. Kung bibigyan edi tatanggapin pero hindi ako hihingi.

Nakasalubong namin si tatay habang papasok kami ng kusina. Agad lumaki ang ngiti niya ng samaan siya ni Mama ng tingin.

"Mahal, hindi mo 'ko ginising." Humalik si tatay sa ulo ni Mama bago nagsalita.

"Gising na 'yong dalawang makulit, nasa kusina na. Hatid ko lang si Ate sa school niya." Humalik sakin si Mama bago pumasok sa kusina. Dumiretso naman ako sa labas ng bahay. Naabutan ko si tatay na nagpupunas ng hood ng kotse. Minwestra niya na pwede na ako pumasok kaya sumakay na ako sa passenger's seat. Hindi rin naman nagtagal at sumakay na rin siya sa kotse para ihatid ako.

Medyo mabilis ang patakbo ni tatay dahil wala namang traffic at walang ibang tao halos sa daan.

"Boyfriend mo ba 'yong lalaki kagabi?" Nagulat ako sa tanong ni Tatay. Hindi ko ine-expect na magtatanong siya dahil hindi naman siya nagtanong kagabi.

"Hindi po," mahinang sagot ko sa kaniya. Napalingon ako sa kaniya ng wala siyang kahit na anong sinabi.

"Naniniwala ka na hindi ko boyfriend 'yon?" Napangiti siya ng malawak bago sumilip sakin at ibinalik rin ang tingin sa kalsada.

"Pogi e, alam kong hindi ka papatulan non." Hinampas ko siya sa braso na nagpatawa sa kaniya ng malakas. Trip na naman ako asarin.

"Biro lang, wala kaya akong anak na pangit no?" Pinigil ko ang pagngiti.

"Pero gusto mo ba malaman kung bakit ako naniniwala na hindi mo boyfriend 'yon?"

"Kasi mukha akong magma-madre?" Panghuhula ko sa tanong niya. My answer made him laugh hard again.

"Hindi ka tatanggapin sa kumbento dahil inam ka magmura," natatawang sagot niya bago nagseryoso. "Bawasan mo 'yon dahil hindi maganda. Ka-babae mong tao 'yang bibig mo ay daig pa ang lalaki kung magmura."

Napatingin ako sa labas ng bintana dahil wala akong masabi.

"Naniniwala ako na hindi mo boyfriend 'yon dahil una, may tiwala ako sayo." Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

"Alam kong hindi ka maglilihim sa amin o magsisinungaling. Pangalawa, alam kong busy ka masyado at kinulang ka sa asukal sa katawan kaya ayaw mo sa mga sweet na bagay at pangatlo - nakita ko kagabi ang paraan ng pagtingin mo sa kaniya."

"Anong tingin?"

"Walang espesyal sa paraan mo ng pagtingin sa kaniya, Mionnette. Pero siya? Nang makita ko siya kagabi? Alam ko ang ibig sabihin ng paraan ng pagtingin niya sayo." Nakuha ko agad ang gusto niyang sabihin at imposible 'yon.

"Etchusero." He laugh.

"The way he looks at you is the way how I look at your mother, Mionnette. Iyong tingin na puno ng --"

"Pagnanasa?" I tried cutting him off. Nakatanggap ako ng batok mula sa kaniya.

"Siraulo ka."

"Totoo naman. Ganon mo kaya tingnan si Mama palagi, parang gusto mo siya anakan uli."

"Kapag may nakita akong lalaki na ganon kung tumingin sayo puputulan ko ng leeg. At hoy! Puno ng pagmamahal at admirasyon ang pagtingin ko sa Mama mo. Puro kabastusan yang bunganga mo." Our ride to my school was filled by non-stop jokes and laughters. Sana ganito na lang kami kasaya palagi. Sana.

Sumisipol na itinigil ni Tatay ang sasakyan sa harap ng gate ng school.

"Susunduin ba kita mamaya o may maghahatid sayo uli?" Pabiro ko siyang inirapan dahil sa nang-aasar niya na tono. Panay pa ang nguso niya sa direksyon ni James na nakatayo sa may gate.

Napapadyak ako sa ... inis? "Tay ano ba? Huwag ka nga makulit."

"E bakit parang kinikilig?" Napairap ako sa ere. Ilang minuto niya akong inasar-asar bago ako lumapit sa kaniya at humalik sa pisngi niya. Hinawakan niya ang braso ko nang palabas na ako ng sasakyan.

Matagal akong napatingin sa card na iniaabot niya sakin.

"May pera pa ako, Tay."

"No, this is yours. My welcome gift dahil bumalik ka na sa bahay." Napakunot ako ng noo.

"So kukunin mo din yan kapag umalis na ako ulit ng bahay?" Tumawa siya pero parang walang sigla.

"May plano ka pa umalis satin?" Hindi ako makasagot. If it's just me, him and Mama together with the two little kids okay lang naman sakin. But there's another person involved. Isang taong hindi ko na yata kayang makasama pang tumira sa isang bubong.

"Come, take it. Dito ko na ilalagay ang allowance mo every week."

"E hindi naman tumatanggap ng card sa canteen." Pagpapalusot ko pa. I feel burdened.

"Uso naman ang atm banks diba?" Napatitig ako ng matagal sa credit card na nasa harapan ko. Ang lakas maka-sosyal ng dating but ...

"Sorry, I can't take it." Nagmamadali kong isinara ang pinto at lumabas.

I just can't take it. Pakiramdam ko mali. May mga cards naman ako and I know, anyone at my age would probably take that card pero I just can't at hindi ko alam kung bakit. That is a fvcking limitless card he's offering me. Bakit hindi ko tinanggap?

"Cath." Lumingon ako kay James nang tinawag niya ako habang padaan ako sa pwesto niya. Pasimple kong sinulyapan ang sasakyan na pinanggalingan ko. Nakasilip si tatay mula sa bintana ng driver's seat at nang-aasar na ngumiti. Damn.

A LOVE FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon