Chapter Twenty-Nine: Mine"Bangon na," nagising ako dahil sa isang tapik sa aking paa. Nag-inat ako pero hindi pa ako bumangon.
Pagmulat ko ay nakita ko si Neo na nakatapis lang ng tuwalya at bagong ligo.
"Bangon na," ulit niya.
"Bakit hindi ka pa sa banyo nagbihis? Bastos ka." Puna ko sa kaniya. Hindi siya nag-abala na tapunan ako ng tingin. Pinagpatuloy niya ang paglalaro sa cellphone niya.
"Mas bastos ka, bakit ka tumitingin sa katawan ko?" Napanganga ako pero hindi ako nakasagot. Oo nga naman, bakit ba ako nakatingin? E kase wala namang ibang titingnan!
Tumayo na ako at dumiresto sa cabinet kung saan ko nilagay ang mga gamit namin. Kumuha ako ng tuwalya at pambihis.
"Saan mo ba nilagay ang brief ko? Hindi ko makita kaya hindi ako makabihis," Napairap ako. Daig pa siya ni Ryou. Si Ryou, alam kung saan nakalagay ang mga underwear niya.
Hinalungkat ko ang mga damit niya nang may maalala ako... wala akong nakitang underwear sa bag niya.
"May baon ka ba?"
"What?" Hindi niya ako nilingon. Busy siya sa paglalaro sa cellphone niya.
"Tanga, nagdala ka ba ng underwear mo?"
"What?"
"Wala akong nakitang brief sa bag mo, gago."
Napatigil siya at marahas na lumingon sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Fvck!"
"Defeat," narinig kong mensahe galing sa cellphone niya.
Mukhang hindi pa siya naniwala sakin dahil hinalungkat niya ang damitan namin pati na rin ang bag niya. Pati 'yong dala kong bag, hinalungkat niya.
"This is not a good joke, Catherine." Kinunutan ko siya ng noo.
"Not joking." At dahil mukhang hindi niya matanggap ang marahas na reyalidad, hinalungkat niyang muli ang lahat ng gamit namin. Pati ilalim ng mga kama, tiningnan niya. Natigil lang siya sa paghahanap ng sabay na pumasok si Noah at Nicholas sa kuwarto namin, na kagaya niya ay nakatapis lang din ng tuwalya sa bewang.
"Pahiram ng brief, Neo,"
"Ako din," segunda ni Nicholas. Kumindat pa ito sa akin. Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa katangahan ng tatlong ito.
"Fvck you, Kulas." Igting ang pangang sabi ni Neo. Uh-oh. It's too early pero mainit na agad ang ulo ni Neo ... sa taas. Ulo sa taas.
"What?"
"Anong what? You are the one who packed the clothes, diba?" Galit na sabi ni Neo. Natawa si Noah nang maalala.
"Oo nga, ikaw nag-volunteer e," segunda ni Noah.
"Oo nga no? E maano? Usapan naman ako lang mag-eempake ng damit, wala naman sa usapan na pati underwear ako mag-eempake." Napahagalpak ako ng tawa sa kanilang tatlo.
Parang tangang nagkibit-balikat si Nicholas at ngumiti pa sa akin, proud na proud pa ang gago. Napakamot ng ulo si Noah at napasipa sa kama si Neo. Damn this three idiots. Sa dami ng pwedeng kalimutan, haha.
"Apaka-arte naman. Okay lang sakin, walang brief, ano ba big deal 'don?" Kamot-ulong lumabas si Nicholas. Pinigil ko ang tumawa dahil galit talaga si Neo.
"Manghihiram na lang ako," ika ni Noah at lumabas na rin.
"Tangina!"
"Ligo na ako, ah. Fix that," turo ko sa mga gamit namin na magulo at nakakalat, "ikaw naggulo niyan."
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Teen FictionA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...