CHAPTER TWENTY-THREE: OUTING TO BE
Muli kong inumpog ang ulo ko sa malambot na unan.
Ano ba kasing ginawa ko? Saan ko kinuha ang lakas ng loob na makipaglandian sa kaniya ng ganon? Shet.
Kusang umangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa unan. Hindi ko rin napigil ang ngumiti nang maalala ko ang nangyari kanina. Isang impit na tili ang aking pinakawalan bago muling sumubsob sa unan.
"May boyfriend ka 'no?" Agad akong nag-angat ng tingin at hinanap kung nasaang parte sa kwarto ko nagtatago ang kasumpa-sumpang nilalang na nagsalita.
"Ano na namang ginagawa mo sa kwarto ko?" Nagkibit-balikat siya at ipinakita ang hawak niyang libro.
"Pakialamera ka talaga e, 'no?" Umayos ako ng upo sa kama ko.
"Ang arte mo talaga e, 'no?" Hindi manlang siya natinag at nag-indian sit pa sa sahig at nagtuloy sa pagbabasa ng libro ko.
Pinabayaan ko na lang siya dahil kapag pinatulan ko pa ay masisira lang ang araw ko. Ang ganda-ganda na, e. Tumayo ako sa kama at lumapit sa cabinet ko para magbihis.
"Ate, kailangan ko ng pera." Umingos lang ako sa kaniya at hindi siya nilingon.
"Wala akong pera. Kay Mama ka humingi."
"Grounded ako, e."
"Wala akong pake." Pagkatapos kong magbihis ay agad akong dumiretso sa computer table ko para mag-ayos ng manuscript.
"Napaka-damot," narinig kong bulong niya.
"Dalhin mo na 'yang libro at bumalik ka na sa kwarto mo, napaka-pangit mo." I heard her chuckle. Nilingon ko siya sa pwesto niya at nakita ko siyang patayo na. Buti naman sumunod, akala ko magkakaroon pa muna ng world war sa pagitan namin bago ko na naman siya mapaalis.
"Kilig na kilig ka kanina, a? Sinong dahilan? 'Yong personal driver mo kuno na pogi ang taling?" What she said made me smile. I guess, he's not lying when he said that his talings are his best asset.
"Pangit mo," binato niya ako ng unan bago lumabas sa kwarto ko.
"Tangina ka," habol ko habang papasara ang pinto. She showed me her middle finger before leaving completely. What a bitch.
Dahil wala ako sa mood na magsulat o mag-edit, kinuha ko sa kama ang cellphone ko at nagfb.
Pagpatak ng alas-otso ng gabi ay naging maingay ang group chat ng book club. Nag-aya ang triplets na magpunta raw kami sa resort nila sa sembreak. And that is only five days away.
Bumaba ako sa sala kasi akala ko nandon pa sila pero kasalubong ko na sila sa may hagdanan.
"Oh Ate, may nakalimutan ka ba sa baba?" Umiling ako kay Mama.
"Ma, sleepyyy," maktol ni Princess may Mama at sumiksik pa sa leeg nito. Inaya ako ni Mama na sumama sa kaniya papunta sa kwarto nila kaya sumunod ako.
"Si Ryou?"
"Nasa kwarto niya na."
"Si Tatay?"
"Nagdo-double check lang ng mga pinto sa baba." Napatango ako at umupo sa Settee Sofa na katapat ng kama nila. Inilapag ni Mama sa kama si Princess na tulog na tulog na.
"Ma,"
"Hm?" Umupo ito sa paanan ng kama, paharap sakin.
"Nag-aaya 'yong triplets sa resort nila," panimula ko. Tumango-tango siya.
"Sa sembreak daw po. Lahat ng member ng Book Club invited." Tumango siya ulit.
"Okay lang sakin pero magsabi ka din sa Tatay mo," nginitian niya ako kaya ngumiti ako pabalik.
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Fiksi RemajaA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...