CHAPTER NINETEEN: TADHANA
"Nagsusulat ka?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Neo. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko kaya umusod ako ng konti.
"Buti naman. Tagal mo na ring 'di naga-update. Nabasa ko 'yong mga comments at messages ng mga readers mo."
"Hindi ko alam reader pala kita." That made him smile.
Para sakin, si Neo sa kanilang tatlo ang pinaka-guwapo. His serious aura and limited words made him stand-out from his twin brothers.
"Why are you smiling?" Kunot-noo niyang tanong sakin. Nakangiti akong umiling.
"Hi. I'm Neo." Napalingon ako sa bata na nasa tabi ko. Bakit siya nagpapakilala, e hindi naman ako interesado. Saka kilala ko na siya dahil anak siya ni Tito Jeboy. Sa kanilang tatlo ng mga kakambal niya, I find him unique kasi tahimik lang siya at hindi maingay unlike his twin brothers na palagi na lang nag-away kung sino ang mas pogi. Duh.
"I'm sorry."
"For what?" Nilingon ko siya.
"Nico is giving you a hard time." Hindi ako nakaimik.
"Please don't hate him." I gave him a faint smile. That's what I wish, too. That I may not hate him for being such a jerk.
"Don't worry, hindi lang naman sayo siya ganiyan. Kahit sa bahay, he's being such a dick. Ilang beses na nga sila nag-aaway ni Noah, e."
"Is he okay?" He looked shock by what I asked. Napagnilay-nilayan ko na ang mga sinabi ni Peter noong isang araw at siguro, kaya kong tanggapin 'yong rason na nasasaktan siya kaya hindi niya alam ang ginagawa niya.
It's not my fault na hindi ko masuklian ang nararamdaman niya and it's not his fault either na magkagusto sakin.
"You're not mad at him?"
"Just pissed." He chuckled.
"What's the difference?"
"I can still control myself not to hate him or get mad."
Sabay kaming pumunta ni Neo sa opisina ng Book Club. Tahimik, siyempre. Wala ako sa mood magsalita and he's not talkative either.
Speaking of talkative, "Parang hindi ko nakikita si Avril, a?"
"Missed her?" Mahina akong natawa. I hate to admit it but yes, medyo nami-miss ko ang kawalan niya ng sense kausap.
"Nah, just curious." Sagot ko sa kaniya. He shrugged his shoulders.
"Nag-Japan sila ng family niya." Wow, sana all pa-Japan-Japan na lang.
"Namaalam sayo?"
"Kay Noah." Napatango ako. I continued on typing in my phone habang papunta kami sa office.
Malayo pa lang ay nakakarinig na ako ng tunog ng gitara at may kumakanta. Looks like they are having fun.
His deep set of dreamy brown eyes welcomes me. James Villazarde never fails to surprise me and make me feel so damn nervous. At bakit ba hindi niya inaalis ang tingin niya sakin?
"🎵Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pagsinta 🎵"Napaiwas ako ng tingin. Nilampasan ko sila at dumiretso sa table ko.
"🎵Ba't di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo🎵"May sakit ka ba?" Napaangat ako ng tingin kay Ivan.
"Wala, bakit?"
"Ang pula mo, e." Tiningnan niya pa muna ako ng matagal bago inabot sakin ang isang flash drive.
"Nagawa ko na 'yong para sa book cover ng to be publish na book ni Marcus at ni Pres, tinapos ko na kagabi. Atsaka pala, hindi muna ako makaka-edit pansamantala. Maraming raket, e." Tumango ako sa kaniya at inabot ang flash drive. Isinalpak ko 'yon sa computer at tiningnan ang laman.
"🎵Ba't di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
Huwang mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sayo 🎵""Galing kumanta ni Anthony, 'no?" Hindi ako sumagot.
His voice was so cold that it sent shivers to my spine. Pero hindi maipagkakaila na magaling nga siya.
"Ivan," pagtawag ko sa atensyon niya.
"Hm?"
"Nasan 'yong para sa story ko?"
"Ah! Sabi ni Anthony siya na lang daw ang gagawa." Napalunok ako.
"May problema ba?" Umiling ako kay Ivan at tipid na ngumiti.
"Wala naman."
"Huwag ka mag-alala, magaling 'yan si Anthony. Kinakabahan nga ako at baka kapag nakita mo na ang covers niya, tanggalin mo na ako. Wala ka bang tiwala na magaling siya?"
"Hindi naman sa ganon."
"E ano?" Ano nga ba? Ewan ko din.
"Hindi lang siguro ako ... sanay?" Malaki ang ngiti niya kaya napilitan din akong ngumiti ng malaki. Sana lumusot ang palusot ko.
"Masasanay ka rin." Sana nga.
"Cathy."
"Oh, Chars? Ngayon na lang ulit tayo nagkita, ah? Super busy ka." Hinihingal siya kaya hinintay ko munang magnormal ulit ang paghinga niya bago ako muling nagtanong.
"Bakit? May problema ba?" Tumango siya kaya kinabahan ako.
"Pinapatawag ka ni Mam Cruzat."
"Hala, bakit? Anong ginawa mo, Cathy?"
Nginitian ko lang si Ivan bago ako tumayo. Mukhang mas kabado pa siya kesa sakin, e.
"Ms. Alvarez."
Napalunok ako. "Mam."
Bakit kaya ako ipinatawag? May papa-checkan uli? May mali sa mga chineck-an ko? Gosh.
"Can you please fix your problem with Mr. Monteveda, so he won't be sending his apology letter as an essay in my subject."
Monteveda? Si Nicholas ba? Kinuha ko ang papel na iniabot ni Mam.
"Sorry, Mam."
Pinaalis niya na rin ako agad. I was so eager to read what was inside the letter but I am agitated as well. Nevertheless, I open the folded letter and read it.
... if being your friend was the only choice I have to stay by your side, then I will gladly be. Maybe this is really my destiny. Be your friend... forever.
Saktong tapos ko sa pagbabasa ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.
From: Nicholas
Where are you? Can we talk?I wipe my tears and text him where I am. Maybe, this time, we can fix it. I really hope so.
"Cathy," I smiled at him and gladly, after so many weeks, he smiled back.
Oh, Zaccharie Nicholas Monteveda is back. I should brace myself.
BINABASA MO ANG
A LOVE FOUND
Novela JuvenilA man that can accept her for who she is and not for who she can be is all that Catherine Mionnette Alvarez was wishing for. A man that can love her despite of her arching eyebrows, rolling eyes and selfish attitude. A man that can understand her an...