Martyr 1

3.3K 48 19
                                    

Martyr 1

June 22, 2019

Dear Ralph David,

Mahal kEta KaHiT D Mo kO maHaL.

hAaelAbyO tO tHe sTArs And bAck

pEngE DiGitS maMAYa.

Agad ko namang pinunit ito dahil jejemon. Tanga ba ako? Sino bang tatanggap ng ganoong klaseng sulat? Jejemon na nga wala pang kuwenta ang sulat. Angsakit sa mata.

Nakaka- frustrate ampupu -.-

June 22, 2019

Dear Ralph David,

I love you forever and always. Please come back to me and let me feel your warm hugs.

Pinunit ko ulit ang papel na pinagsulatan ko ng letter at gumawa ulit ng bago. Ilang papel na ang nasayang at ilang sentence na ang nagamit ko pero hindi ko pa rin matapos ito dahil hindi ko pa rin talaga maintindihan sa sarili ko kung anong gusto kong sabihin sa kanya.

Ralph David is my ex. My one time big time ex. First ex kaya sobrang sakit. First love never dies daw e. Nag break kami siyempre. Magiging mag ex ba kami kung nagmamahalan pa rin kami hanggang ngayon? Eww. Break na kami for almost 5 months pero ito pa rin ako at habol ng habol sa kanya.

Mahal ko e.

Kaya kami nag break ay dahil may nakitang mas better sa akin si impakto. Hiniwalayan agad ako at sumama doon sa side shrimp-este doon sa sidechick niya. Kainis.

Nakailang punit na ako ng papel at nasabunutan na lang ang ulo ko dahil hindi ko na alam ang gagawin.

"Ano nanaman 'yan, girl?" sulpot ni Ashanti sa gilid ko habang may dala dalang napakalaking balot ng sitsirya at ngumunguya ng chips.

Ashanti Abacco. Isa sa mga kaibigan ko at isa sa mga member ng TRES DUNGIS. Mataba, may chubby cheeks, mahilig sa make up, at palaging mataray ang mukha.

"Miss Fennela Lei Gomez, alam mo, si Ralph ang first ex mo pero siya na ang pang- 205 na crush mo," sulpot rin ni Hyacinth sa isa pang gilid habang kumakain naman ng cal cheese.

Tama si Hyacinth, pang 205 na crush ko na itong si Ralph. Yung iba kong crush nandito sa campus. Pero yung iba hindi ko na nakilala at nakausap dahil nakita ko lang madalas sa mall, nakasalubong sa dept. store at sa iba pang mga lugar.

Hyacinth Villadiego. Kaibigan ko rin at siya ang pangatlong member ng tres dungis.

Isang chubby at pink undertone ang balat. Kikay, maganda boses, at mahilig rin ito sa make up. Soft hearted pero mahirap kaaway. Pareho sila ni Ashanti. Warfreak.

TRES DUNGIS. Iyan ang tawag namin sa grupo naming talo. Solid kaming tatlo at walang makakatalo kapag nag- team work kami.

Sa aming tatlo, si Ashanti ang pinakamatangkad at pinakamatapang. Paano ko napatunayan? Noong elementary kaming tatlo ay may umaway sa kanya. Sinabunutan siya pero sinuntok niya at inuntog sa pader. Volleyball player rin siya at star player ng team.

Sa aming tatlo, si Hyacinth naman ang pinaka- kikay. Konting pawis lang ay hindi puwede sa kanya. Todo make up rin ang isang 'to at laging nakaporma kahit sa school lang naman pumupunta. Badminton player naman siya at siya rin ang star player. Mataray ang isang 'to kaya mahirap kaaway.

Sa kanilang dalawa, hindi uso ang salitang 'sorry'. Minsan kahit sila na ang may kasalanan hindi talaga nila sinasabi ang salitang iyon.

Sa aming tatlo. Ako ang pinakadugyot at pinakamaharot. DAW... Ako ang may pinakamaraming crush pero kahit isa ay walang nagka- crush back, sa aming tatlo ako lang ang walang jowa. Sa aming tatlo ako ang boyish. Chess lang ang nilalaro ko dahil ayoko sa lahat ay yung napapagod ako. Hindi rin ako mahilig sa make up. Last time na nag- apply ako no'n ay tinigyawat ako dahil hindi ako nakapaghilamos nang sumapit ang gabi. Nag over stay ang make up kaya nagka pimple breakout si mayora. Minsan nagpapaganda ako kapag may crush ako sa campus tapos madalas kaming nagkikita o nagkakasalubong.

"Tama na ang pagsusulat sa letter, Fen. Punta na lang tayong canteen tapos kain tayo, cheat day ko ngayon e. hehe," suggestion ni Ashanti kaya binatukan naman siya ni Hyacinth.

"Alam mo ikaw, babae ka? Palagi mo na lang cheat day! Kaka- cheat day mo lang kahapon cheat day na naman ngayon? Ano? Unlimited cheat day tayo, gg ka? Ha!" sermon nito sa kanya kaya natawa na lang ako.

"Psh. ,magtatalo pa kayo. Tara na nga sa canteen nagugutom na rin ako e," sambit ko at tumayo na para pumuntang canteen.

Habang nasa hallway naman kami ay binabati kami ng mga estudyanteng makasalubong namin. Hindi dahil mga feeling queen bee kami kundi dahil may isang malaking ambag kami sa school.

Hindi lang naman kami puro kaharutan, may dulot rin kami.

"Hala, yung president ayan na."

"Gagi ka huwag ka maingay, baka ma- violation tayo."

Lahat sila ay nagbigay daan sa aming tatlo pero hindi namin sila sinungitan at ang iba ay binabati pa namin.

Natatawa kaming tatlo sa tuwing ganito ang eksena kung saan magbibigay sila ng daan. Hindi namin alam bakit sila takot e ambait bait naman naming mga member ng student council.

President ako habang si Ashanti naman ang vice at si Hyacinth ang secretary. Oh 'di ba? Hehe.

"Hello po ate."

"Hi po lodi."

"Hello poooo!"

Iyan ang mga bati ng mga estudyante kaya tumatango at ngumingiti kami.

Bago pa man makapunta ng canteen ay may nadaanan kaming bulletin board na pinagtutumpukan ng mga estudyante. Lumapit kaming tatlo doon at agad naman kaming binigyan ng daan.

Fennela Lei Gomez

1st place in poem Writing

Top 1 at first quarter

Most awarded student of all time

Nang makita ako ng mga tao, agad naman silang nagpalakpakan at kinamayan ako isa isa.

"Nako bakla! Anggaling mo talaga kahit kailan, this calls for celebratioooon! Woohoooo, party! Party! Party!-" naputol ang sinasabi ni Ashanti nang bigla siyang siniko ni Hyacinth.

"Ang ingay mo talagang letche ka!" pagsaway ni Hyacinth.

Nang pumasok kami sa canteen, nahagip kaagad ng mga malilikot kong mata si Ralph kasama ang latest girlfriend niyang si Erica.

Nasa iisang table sila habang nagsusubuan pa ng spaghetti.

Lumusot sana sa ilong niyo yung pasta.

Tumuloy lang kami sa pila kahit napakasakit na sa puso ng nakikita ko. Napakasaya nila tapos yung mata ni Ralph super saya. Nang nakita niya ako ay natulala siya kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

Anong gagawin ko?

"Act normal, girl," bulong ni Ashanti na parang nabasa ang tanong sa isip ko.

Gusto ko pa rin si Ralph, parang tanga lang.

Naalis ang pagkakatulala niya at mas lalo lang silang naging sweet ni Erica sa pagsusubuan nila ng spaghetti.

Bakit kailangan ko pa makita yung mga ganitong eksena.

"Halika na, girl. Sa labas na lang kami bibili ng pagkain," sabi ni Hyacinth at hinila na nila ako palabas ng canteen.

Bago lumabas ay sumulyap muna ako sa table nila pero naabutan ko lamang si Rsalph na kumaway sa akin na parang wala lang sa kanya ang lahat. Tumalikod na lang ako dahil nararamdaman ko nang bumibigat ang mga mata ko.

Kasabay ng paglabas namin sa canteen ay ang pagbagsak rin ng mga luha ko.

"Tara na, Fen. May alam akong lugar kung saan puwede maglabas ng sakit na nararamdaman," suggest ni Ashanti at naglakad na kami habang umiiyak ako.

--

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon