Martyr 9

676 16 18
                                    

Martyr 9

"Sige na nga. Start mo na yung motor May kukunin lang ako. Halika rito, Julia," sabi ko at pumasok sa loob ng bahay kasama si Julia.

"Nanay, aalis tayo. Why are you wearing your pajama?" tanong ni Julia sa akin.

Feeling ko mauubusan ako ng dugo ngayong araw na 'to dahil nag- e- English pala ang batang 'to.

"Ahh, your tatay Hideo kasi nagagalit if I will wear shorts. Ayaw niya ng gano'n." Tinry ko ang best ko mag – English ng bongga pero hanggang diyan lang talaga ako.

"Aaaack, daddy is also strict to mommy too. Sometimes they're scolding may ate Hyacinth because she's wearing revealing clothes," pagbabahagi pa niya,

Tama naman dahil minsan ayon rin ang pinag- aawayan ni Hyacinth at ng nobyo niyang si Uno. Madalas kasi talaga siya mag- suot ng mga revealing clothes at madalas ay labas pa ang kaluluwa. Kahit naman hindi siya payat at bagay pa rin sa kanya ang mga gano'ng klase ng damit.

"What are we doing here, nanay?" tanong niya mayamaya nang makarating kami sa kuwarto.

"Kukunin ko lang 'tong camera ko so that we can get some pictures while nasa park tayo. Hihi," sagot ko sa bata at kinuha na nga ang camera sa cabinet ko. Habang may ginagawa ako ay hindi pa rin naaalis ang pagkakahawak ni Julia sa kaliwang kamay ko.

Nang mai- lock ko na ang pinto ay pumunta na kami sa gawi ni Hideo kung saan ay nakasakay na sa motor at hinihintay kami.

Pinuwesto ni Hideo si Julia sa harap niya para daw hindi ito mahulog habang ako naman ay nasa likod niya nakaangkas.

"Yehey! We're going at the park!" excited na sabi ni Julia kaya natawa kami.

"Hoy baka mahulog 'yan si Julia, a? Wala tayong pamalit diyan."

"Ako pa sinabihan mo e maingat naman ako."

"Wews."

"Iningatan nga kita e," banat niya pa aya hinampas ko ang balikat niya.

Buwisit na 'yan, kahit kailan talaga napaka- pa- fall.

Siguro kung naririnig lang ni Emerald mga banat sa akin ni Hideo, baka nahampas niya na o baka naghiwalay na sila dahil sa sobrang harot ng boyfriend niya.

Mabagal lang ang pagpapatakbo ni Hideo sa motor dahil may bata kaming kasama. Dati naman swabe na talaga sia magpaandar ng motor. Mas naging mangat lang siya dahil nandito si Julia.

"We're here na, anak," saad ni Hideo nang makarating na kami sa park at pinatigil na niya ang makina ng motor.

Anlakas talaga maka- daddy figure ng pagtawag niya kay Julia na 'anak'

Binuhat naman niya si Julia para mabilis itong makababa.

Tumakbo na kaagad si Julia papunta sa park kaya hindi ko na hinintay si Hideo dahil sinundan ko na ang bata. Kinuhanan ko siya habang tumatakbo. Madalas siyang tumingin sa akin at kapag alam niyang kinukuhanan ko siya ng litrato, todo pose naman siya, todo ngiti at todo pa- cute sa camera.

Angcute ni Julia!

"Oh ano, gutom na kayo?" habang kumukuha ako ng pictures ay nasa likod ko na pala si Hideo at naiparada na ang motor niya.

"Grabe, anong akala mo sa sikmura ko, may kobra?" namimilosopong tanong ko.

"Tatay let's go there o." Hinawakan ni Julia ang kamay ni Hideo at biggla siyang hinila papunta sa kung saan. Nalilitong tumingin lang sa akin si Hideo pero kinuhanan ko sila ng picture. Stolen shot lang dahil ang cute nilang dalawa.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon