Martyr 16
"I'll take you home. Gabi na," pagsasalita ni Ralph.
"Eh? Huwag na kaya ko naman. Saka baka mamaya magalit pa si Erica."
"No, alam naman niya. And she also wants to talk to you some other time. Kapag okay na ang lahat," saad niya.
Hindi ko alam pero biglang gumaan ang loob ko kay Erica. Na ang pinagseselosan ko pala noon ay pwede ko maging kaibigan ngayon. Sana nga ay maayos na ang lahat dahil hindi na rin ako makapaghintay na makausap at makipagkuwentuhan sa kanya.
Hindi ako sumagot at hinayaan na lang siyang ihatid ako dahil totoo ngang gabi na. Masiyado nang lipad ang utak ko at pakiramdam ko hindi ko na kayang kumausap ng mga tao.
Sumakay na kami sa sasakyan niya at bumiyahe papuntang bahay. Hindi niya ako kinikibo dahil focus siya sa pagmamaneho habang ako naman ay lunod pa rin dahil sa dami ng mga iniisip ko.
Hindi naman talaga sila madami. Iisang tao lang talaga ang iniisip ko pero pakiramdam ko andami dami ni Hideo na tumatakbo sa isip ko.
Isa pang naiisip ko ay ang mga sinabi ni Ralph. Kilala ko siya kung paano siya mag- isip dahil naging magkarelasyon kami noon. Matalino siya at magaling sa pag- s- solve o pagko- conclude ng mga bagay bagay. Halos lahat ng sinasabi niya ay tama at hindi pumapalya.
Hindi ko alam kung ang tinutukoy niya ba kanina ay ako rin ang gusto ni Xhan. Magaling siya magpaliwanag pero bobo naman ako umintindi kaya wala ring silbi.
Nabasag ang katahimikan nang tumunog ang phone niya.
"Hello?" pagsagot niya sa kabilang linya.
"I am still with her. Ihahatid ko na lang sa bahay. You wanna talk to her? Okay wait," saad ni Ralph at kinalabit ako.
"Erica wants to talk to you. Is it okay?" tanong niya kaya tumango ako at pinasa niya na sa akin ang phone.
"Hi ate Fennela!" bungad sa akin ni Erica. Hindi ko alam bakit tinatawag niya akong ate dahil hindi ko naman alam kung sino ang mas matanda sa amin.
"H- hello," nahihiya kong tugon.
"I know ate you're not okay pero magiging ayos rin naman ang lahat. You are ate Fennela Gomez, right? You're talented, strong and a good woman. You are not Fennela Lei Gomez anymore if hindi mo makakayanan lahat. I believe in you. Cheer up!" pagsasalita ni Erica.
She's sweet and thoughtful. Hindi na pala ako magkatataka kung bakit nagusuthan siya ng ex ko. Malayong malayo ang personality namin dahil parang napaka- jolly niya habang ako ay tama lang.
Sandali pa siyang nagsalita at nagbigay ng mga mensaheng magpapalakas sa akin.
"Baka pagod ka na ate. Balik mo na po kay Ralph ang phone and take a rest. See you soon!" huling sabi nito bago ko ibalik kay Ralph ang phone niya.
Kinausap pa saglit ni Ralph si Erica at para akong mabibitter dahil sa sobrang sweet nila.
Edi sana all may ka- I love you- han.
'Di ba nga, Hideo?
Joke.
"Ang sweet niya 'no?" untag ko nang naibaba na niya ang cellphone niya.
"Sobra. Tapos maglalambing nang wala sa oras at bigla- bigla. She's so unexpected. Full of surprises everyday," nakangiting saad pa nito na parang inaalala si Erica.
Nang malapit na kami sa bahay ay bigla kong natanaw ang isang pamilyar na motor at isang pamilyar na lalakeng nakaupo sa gilid ng kalsada at parang may hinihintay dumating.
![](https://img.wattpad.com/cover/211023867-288-k101011.jpg)
BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Teen FictionSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...