Martyr 3
Kahit pugto ang mata at halos walang tulog kagabi, pinilit ko pa ring pumasok kahit na gano'n ang sitwasyon ko dahil baka magalit na ang mga prof. ko kung a- absent pa ako ngayong araw e nag- skip na nga ako ng klase kahapon.
Isa pa, hindi iyon isang magandang Gawain ng isang SSG President. Nakakahiya.
Pagkapasok ko sa classroom ay bumungad sa akin si Ashanti gamit ang mapanukso niyang mga tingin.
Si Hyacinth naman ay parang nakikiramdam rin pero hindi ko alam kung aonng meron at kung anong laman ng reaksyon nila. Parang mga sira lang.
Sinundan nila ako ng tingin habang walang ganang umupo ako sa upuan ko at tahimik na tumungo.
Ano na naman kaya ang trip ng mga 'to?
"Anong oras ka nakauwi kahapon?" Biglang hinampas ni Ashanti ang lamesa ko kaya kaagad akong napatingala sa kanila dahil medyo naalog pa utak ako.
"A- ahh, mag- a - alas onse na rin-"
"At sinong kasama mo?" biglang sulpot ni Hyacinth at may hawak pang papel na naka rolyo at itinapat sa akin na para bang mic at siya naman ang reporter.
"Si Hideo---"
"At anong ginawa niyo hanggang alas onse? Bakit naging gano'n katagal e ang aga natin noong maghiwa- hiwalay tayo ng landas?" si Xhan naman ang nagtanong galing sa-hindi ko alam kung saan siya galing basta bigla na lang siyang sumulpot habang may hawak pang laruang camera at parang plastic naman.
"Kumain lang kami at nag milktea sa Ciao Cha," sagot ko dahil iyon naman talaga ang ginawa namin.
Nagkatinginan pa silang tatlo at tumango sa isa't isa na para bang isa silang mga grupo ng mga kabataan na nag- iimbestiga ng mga pangyayari.
"Promise?" tanong ni Hyacinth na parang reporter na nagdududa.
"Promise guys." Napalingon kami sa nagsalita mula sa likod at namataan namin si Hideo.
"Kanina ka pa diyan?"
Nalipat ang atensyon ng tatlo sa kanya at nilipat naman ni Hyacinth ang mic niyang kuno kay Hideo.
"Hindi kaya, actually nandito ako simula ng hinampas ni Ashanti yung desk mo," sagot pa niya sa akin kaya napahilot na lang ako sa sentido ko.
"Kanina ka pa pala bakit hinayaan mo akong ma- hot seat?' asik ko pero hindi ako sinagot ni Hideo at natatawang nagkibit balikat lang.
Jusko, kaka- stress.
"Bakit umabot kayo ng alas onse kagabi? Anong ginawa niyo?" pag uulit nila sa tanong nila.
"Woah, woah, woah," saad ni Hideo at itinaas pang magkabila ang amay niya at parang sumusuko sa tanong ng tatlo.
"Kumain kami," simpleng sagot ni Hideo na parang wala lang.
"At anong kinain ninyo?" tanong ni Ashanti.
"Isa't isa."
Isa't isa
Isa't isa
Isa't isa
"H- hoy anong sinasabi mo diyan?" naiirita kong tanong kay Hideo at tumayo papalpit sa kanya.
Hinampas ko siya sa kung saan- saang parte ng katawan niya kaya dinedepensahan niya naman ito gamit ang dalawang kamay niya.
"At ayan po mga kaibigan, nagsalita na ang nasasakdal at si Fennela Lei Gomez at si Hideo Constello ay nagkainan kagabi," pahayag ni Hyacinth na animong isang tunay na reporter.
BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Teen FictionSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...