Martyr 2

1.5K 33 21
                                        

Martyr 2

Nag skip kaming tatlo sa klase namin sa pang hapon. Bahala na kung anong mangyayari bukas. Papunta kami ngayon sa Paragon KTV sa may Cainta.

Nag commute lang kaming tatlo papunta rito kaya medyo mahaba ang biyahe.

Jeep lang ang sinkayan namin dahil hindi naman kami mayayaman at isa pa, wala kaming sariling sasakyan.

Ngayon lang ako magka- cutting. Sa susunod hindi na dahil ayokong mahuli at baka kumalat pa sa school, mga officer pa man din kaming tatlo.

Hindi ko alam pero kusang tumutulo lang ang mga luha ko habang nasa biyahe kami. Parang tanga ayaw tumigil. Kahit saan ako tumingin, nakikita ko ang ngiti ni Ralph na hindi naman ako ang dahilan.

"Fen, tama na 'yan. Hindi siya worth it iyakan," pagsasalita ni Ashanti habang nasa jeep kami. Katabi ko siya sa kaliwa at si Hyacinth naman ang nasa kanan ko.

"Fennela wala naman kasi siyang kuwenta bakit mo pa iniiyakan?" inis na tanong naman ni Hyacinth.

"Kapag ang tao, walang kuwenta, dapat binabaon na lang 'yon sa limot, jusko!" frustrated na dagdag ni Hyacinth at napahawak pa sa sentido niya na para bang pinapasakit ko ang ulo niya kaya lalo lang akong naiyak.

Pinagtitinginan kami ng iba pang pasahero pero wala akong pakialam.

Bakit? Sila ba ang may ari ng jeep at bawal ba umiyak dito?

Hinagod hagod lang ni Ashanti ang likod ko at pinapatahan lang ako sa pag iyak.

"Alam mo, ang hilig mo iyakan yung mga taong wala namang pakialam sa iyo. Ang hilig mo iyakan yung mga walang kuwentang bagay," sermon na naman ni Hyacinth.

"Shh, hayaan mo na Hyacinth, umiiyak na nga e. Pinapaiyak mo pa," suway naman ni Ashanti sa kanya.

"Ashanti, hayaan mo na 'yan. Sige Fen, iyak ka lang diyan para pagtinginan ka ng mga pasahero. Opo yes po kuya, ate, umiiyak po itong kaibigan ko kasi binalewala siya ng taong mahal na mahal niya kasi tatanga tanga siya," pagkausap ni Hyacinth sa mga pasahero kaya bahagya namang natawa ang mga ito.

"Palibhasa may boyfriend ka e," sabi ko kay Hyacinth habang pinupunasan ang luha ko at unti- unting tumitigil sa pag- iyak.

"Suwertihan lang kasi sa pag- ibig sis. Depende na rin doon sa tamang tao para sa iyo kung kailan siya magpapakita o magpaparamdam sa'yo,"

"Oh tignan mo Ashanti? Tumigil siya sa pag- iyak kasi sabi ko umiyak lang siya. Baliktad talaga ang utak ng kaibigan nating 'to. Kapag sinabi mong bumitaw na sa relasyon, lalo pang kakapit. Parang timang. HAHAHAHAHHAHA-" natigil si Hyacinth sa pagtawa dahil siya naman ang pinagtitinginan ng mga pasahero ngayon.

Karma!

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa Paragon at kumuha na ng room kung saan kami magse- stay.

KTV bar ang Paragon at para lang siyang KTV sa world of fun at quantum pero mas malaki ang lugar na ito at may mga pagkain pa.

"Akin na, ako unang kakanta!" sabi ko at kinuha na ang mic.

Hindi ko maintindihan. Parang wala namang pupuntahan, ayoko na ng ganito. Nahihirapan na ang puso kooooo!~

"TAYO NA LANG DALAWA! TAYO NA LANG MAGSAMA! TAYO NA LANG DALAWA! TAYO NAMAN TALAGA!" pagsabay ko sa tugtog at pagkanta ko sa liriko ng kanta. Nakatingin lang silang dalawa sa akin at parang sakit na sakit na ang tenga nila dahil sa boses ko.

"TANGINA NIYONG DALAWA! KAYO NA LANG MAGSAMA! TANGINA NIYONG DALAWA! TANGINA NIYO TALAGA!" pagiiba ko sa lyrics ng kanta na parang sabog na umiiyak dito. Lalapitan sana ako ni Ashanti pero pinigilan siya ni Hyacinth.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon