Martyr ng Taon: Special Chapter

44 3 1
                                        

A/N: In celebration of Hideo Constello's birthday, here's a special chapter for y'all! By the way, happiest birthday to the real-life Hideo, Sebastien!

--

Martyr ng Taon Special Chapter

Fennela's POV

"Pasensya ka na at late ako," panimula ko kay Julia nang tuluyan kaming magkita.

"Ah! Teacher Fen!" Niyakap niya ako nang mahigpit sa harap ng napakarami niyang bisita.

Nang kumalas si Julia sa mga yakap niya ay kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para matignan ang mukha niya.

Walang pinagbago at napakaganda niya pa rin, kamukhang-kamukha siya ng anak niyang si Juliana.

"Upo ka rito, teacher, may bakante pa rito," saad niya at itinuro ang nag-iisang bakanteng lamesa na may apat na upuan.

Naupo siya ro'n kasama ako at nagsimula kaming magkuwentuhan.

"Hindi ka naman late, teacher Fen, hindi pa nagsisimula ang pa-blessing, wala pa si father," saad nito habang nakangiti sa akin.

Asensado ang pamilya ni Julia dahil masipag siyang magtrabaho pati na rin ang asawa niya at pursigidong bigyan si Juliana ng magandang kinabukasan.

Nang ikasal sila, doon nagdire-diretso ang pagsusumikap nila, dahil dito ay nakapagpatayo sila ng cafe bookshop, kumita iyon nang malaki hanggang sa makapagbukas sila ng mga branch ng negosyo nila.

Ang cafe bookshop na ito ang pangatlong branch nila at ngayon magaganap ang blessing at grand opening.

"Akala ko ay late na ako, andami ko kasing tinapos at may mga magulang pang nagtatanong sa akin. Nakita mo na ba ang card ni Juliana?" tanong ko rito.

"Opo, nakita ko na. Medyo mababa siya sa Science kaya mas tututukan ko siya sa subject na 'yon."

Ang anak niyang si Juliana ay isa sa mga estudyante ko ngayong school year. Grade two na si Juliana at isa sa mga pinakamatalinong bata sa klase nila.

"Handa ka na po ba?" pagtatanong nito sa akin mayamaya.

Medyo nalito pa ako sa tanong niya dahil mukhang seryoso ang mukha niya habang sinasambit iyon sa akin.

"Handa saan?" nagtataka kong tanong pabalik.

Ngumiti siya nang marahan at hinawakan ang magkabilang kamay ko na nakapatong sa lamesang nasa tapat namin.

"Si father Hideo po ang mag-be-bless ng shop ngayon."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niya.

Walong taon na ang nakaraan nang huli ko siyang makita, tanda kong sa kasal pa 'yon ni Julia.

"A-akala ko nasa Mindanao siya?" takang tanong ko kay Julia.

Mindanao ang huling lugar na sinabi niya sa akin kung saan siya pupunta, walong taon na ang nakakaraan, wala akong ideya na nakabalik na pala siya sa lugar namin.

"Kahapon lang po siya nakauwi dahil ibinalita namin sa kanya na magbubukas kami ng pangatlong branch ng negosyo namin. Sabi ko sa po sa kanya, dalawang branch na ang hindi niya na-bless kaya raw babawi siya ngayong pangatlo," masayang kuwento sa akin ni Julia kaya napangiti na rin pati ako.

Hindi ko alam kung masaya ba ako o parang may kirot pa rin sa puso ko.

Simula nang huli kaming magkita at nakapagpaalaman sa kasal ni Julia, hindi na ulit kami nagkaroon ng pagkakataon para makapag-usap ulit kaya gano'n na lang ang tuwa ko nang marinig na may koneksyon pa pala sila ni Julia.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon