Martyr 5

871 22 10
                                    

Martyr 5

"Ayos lang ba suot ko?" tanong sa akin ni Hideo habang tinitignan ang kabuuan niya. Hlatang kabadong kabado dahil hindi na mapakali at panay ang buntong hininga.

Nandito ako ngayon sa back stage kasama si Hideo. Inaayos ko ang linya at numbers ng mga candidates at siya naman ay naghahanda para sa kakantahin niya.

"Hoy! Ayos lang ba?" pag- uulit niya sa tanong at halatang mas natataranta pa kesa sa akin.

"Bakit ka nananahimik?" siya na naman.

"E 'di ba sabi nila kapag wala ka raw magandang sasabihin huwag ka na daw magsalita?" sagot ko.

"Hays, umayos ka kasi Penana. Ano nga? Ayos lang ba? Kamukha ko na ba si Shawn Mendes?" tanong niya at nagpa- pogi pa sa harap ko.

"Hindi ka kamukha ni Shawn Mendes pero para kang ninong na a- attend sa binyag ng inaanak mo." Panlalait ko sa kanya.

"Ano ba naman 'yan, Penana, seryoso?" tanong pa niya.

Nakasuot kasi siya ng color red na long sleeves. Parang naging half sleeves na lang tuloy ito sa kanya dahil tinupi niya hanggang siko. Nakapantalon siya na kulay beige at naka pang formal na sapatos. Dala dala niya rin ang gitara niya na kulay pula. Medyo luma na ito pero nagagamit pa naman at angguwapo ng dating ni Hideo dito sa tuwing makikita mo siya bitbit ang gitara.

"As if na magsisinungaling ako 'no? Mukha ka nga kasing ninong!" paggiit ko pa.

"Naga- guwapuhan ka lang sa akin e."

Oo.

"Hindi ah!" mariin kong pagtanggi sa sariling isipin at sa sinasabi ni Hideo.

"O sige kunyari hindi ka naga- guwapuhan sa akin. Mag ayos ka na ng iba pang contestants. Baka sabihin nila ako ang favorite mo dito kahit ako naman talaga," banat pa niya kaya napailing na lang ako bago umalis at ayusin ang iba pang kakanta mamaya.

Inayos ko ang ibang mga participants para sa singing contest. Hindi naman sa pagmamalaki pero si Hideo talaga ang pinakaguwapo dito. Kahit magayos ako sa ibang candidates ay napapasulyap pa rin ako sa kanya. Kabang kaba ang hitsura niya na para bang ito ang unang beses niyang sasali sa contest. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa gitara at bumubuntong hininga pa rin.

Mabilis kong inasikaso ang iba pagkatapos ay bumalik ulit sa kanya.

"Hoy! Huwag ka ngang kabahan, para kang tanga!" bungad ko sa kanya.

"Paanong hindi ako kakabahan e hindi ko alam kung nasa kondisyon ang boses ko tapos mukha pa akong ninong."

So, sineryoso niya talaga yung sinabi ko?

"Kumalma ka nga! Oo na, kamukha mo na si Shawn Mendes kaya huwag kang kabahan. Para kang sira diyan e, okay na?" pagtanggal ko ng kaba sa kanya.

Successful naman dahil napangiti ko siya at parang nabawasan ang kaba niya.

Si Ashanti at si Hyacinth ang napili bilang emcee ng program kaya nasa labas na sila at si Xhan naman ay kasama si Emerald na nakahalo sa mga audience. May hawak pa silang cartolina at may nakalagay na 'GO HIDEO'

Si Hideo ang last contestant dahil siya ang pinaka- senior sa lahat ng sumali. Inaabangan din ng karamihan ang performance niya at mataas ang expectatrions sa kanya dahil siya ang defending champion.

"Fennela! 5 minutes na lang at magsisimula na raw ang program," sabi sa akin ni Ashanti na pumunta pang back stage para abisuhan ako.

Agad naman akong nagmadali palabas ng backstage at hinanap sila Xhan at Emerald sa audience para doon sumama. Hindi kasi ako puwede sa backstage dahil kailangan ay mga constestants lamang ang nandodoon.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon