Martyr 23
Nagising ako dahil sa mga huni ng ibon pero wala akong nakitang Hideo sa tabi ko sa loob ng tent.
Nasaan na ang lalakeng 'yon?
Tumayo ako at lumabas na sa tent para hanapin siya.
Letche, wala akong makitang Hideo!
Kaagad nagulo ang isip ko at tumakbo na kung saan- saang parte pero hindi ko siya makita.
"AAAAAAH!" sigaw ko nang madulas ako at nadaplisan ng tulis ng kahoy ang mga binti ko.
"Fennela?" malakas na tawag mula sa hindi kalayuan. Hinanap ko ang tunog kung saan nagmula ang pagtawag ng pangalan ko at doon ko nakita si Hideo sa kabilang dako na nagpapainit ng kahoy habang nakahubad at nakasabit lang sa balikat ang t shirt niya.
Omg, busog pa ako pero bigla akong nagutom.
Lumapit siya kaagad sa akin at umupo sa tapat ko.
Hindi ako sanay nang ma nakahubad sa harap ko, sa sobrang taranta siguro ni Hideo ay nakalimutan niyang wala siyang damit.
"Anong nangyari?" Nag- aalala niyang tanong habang hinahawakan ang ibang arte ng paa ko at sinisipat ang sugat.
Hindi ako nakasagot at talagang napatulala lang dahil sa kanya.
"Penana!" tawag pansin niya kaya nahimasmasan ako.
Ang aga aga kasi nakahubad ka diyan sa harap ko.
Siyempre mapapatulala ako dahil iyon talaga ang bumungad sa akin.
"A- ano kasi, hinahanap kita. Akala ko nawala ka na. Patakbo ako tapos nasudsod naman ako dito," pagsagot ko. Tinignan naman niya ang dugo na namumuo sa sugat kaya umalis siya.
"Hoy!" tawag ko dito kaya natataranta itong lumingon.
"Iiwan mo ako dito? Bakla may ahas dito yawa ka!" sigaw ko kaya napakamot naman siya at kaagad na bumalik.
"Kukuha dapat ako ng panlinis ng sugat pero ayaw mo paiwan kaya." Pinutol niya ang sinabi niya at kumuha ng lakas para buhatin ako.
Shuta!!!!!
Binuhat niya ako na para bang bago kaming kasal. Wala pa rin siyang saplot pang itaas pero dumidiikit ang balat ko dahil sa pagkabuhat niya.
"Tanga kaya ko naman maglakad-"
"Kahit na. Baka mamaya maimpeksyon 'yan."
Ibinaba niya ako sa tabi ng tent. Nagdudugo pa rin ako sugat ko pero hindi naman 'yon gano'n kalaki.
"Sandali, diyan ka lang a? Baka mamaya umalis ka ulit." Sandali siyang pumasok sa tent at ako naman ay hinihipan ang binti ko kung saan nadaplisan ng matulis na parte ng kahoy.
Mayamaya lang rin ay bumalik siya. May dala na siyang tubig at alcohol.
"H- hala? Hoy bakit may a- alcohol?" nauutal kong saad sa kanya pero hindi siya sumagot.
Hala, huwag niya naman sana lagyan ng alcohol yung sugat ko! Masakit na nga e. May balak ba siyang torture- in ako ngayon umaga?
Nagsimula na siyang linisin ang sugat ko gamit ang tubig. Nawala naman unti- unti ang dugo at parang daplis na lang talaga ang natira.
"Sandali!" sigaw ko nang binuksan niya ang alcohol.
"Ano ba 'yon, parang bubuhusan lang e."
"Hoy tanga huwag mo buhusan!" Inilayo ko ang binti ko at akmang tatayo pero hinawakan ako ni Hideo at tuluyan na niyang binuhusan ng alcohol ang sugat ko.
BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Teen FictionSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...