Martyr 10
"Oy, wala pa sila?" bungad ni Hyacinth sa akin nang makapasok ako sa room. May mga tao na sa loob pero wala akong makitang presensya nila Hideo, Ashanti at Xhan.
"Aba malay ko, galing akong bahay," mataray na sagot ko bago maupo sa tabi niya at ilapag ang bag ko.
"Ito naman, tinatanong ka lang kung nasaan sila. Malay ko ba baka kasama mo si Hideo kagabi tapos ayon nagkasama kayo tapos hindi siya makakapasok-"
"Gaga, anong alam ko diyan? Baka naman nagbakasyon sila ni Emerald."
"Bakasyon? Sa kalagitnaan ng pasukan? Tanga ka ba?" anas ni Hyacinth.
"Alam mo, sinasaktan mo lang sarili mo. Hindi ako nagsabi na nagbakasyon sila ni Emerald ha? Sa'yo mismo nanggaling 'yan. Tanga ka."
Napabuntong hininga naman ako. Sana ay hindi totoo ang sinabi ko. Edi wow sa kanila kung nagbakasyon nga talaga sila.
Habang walang magawa ay inilabas ni Hyacinth ang makeup niya at inayusan ang sarili. Abala lang ako sa pagtingin sa kanya dahil kung ano- anong pinapahid niya sa mukha niya. Anggaganda ng mga hawak niyang bote at parang mga mahal.
"Gusto mo mag- makeup girl?" tanong niya nang makita niyang nakatingin lang ako sa ginagawa niya.
"Ayoko. Baka Makati 'yan sa mukha," tanggi ko kaya napairap siya.
"Tignan mo 'yan. Kaya hindi ka magustuhan ni Hideo kasi hindi ka nag- aayos e." Marahan ko siyang pinalo at pinatahimik dahil baka may makarinig sa kaniya.
"Shuta ang ingay mo naman! Manahimik ka na."
"Mag ayos ayos ka rin naman. Maganda ka hindi lang halata kasi kulang ka sa ayos," pangungumbinsi niya.
"Talaga?"
"Oo kaya. Malay mo gusto ka naman pala talaga ni Hideo kaso hindi lang sinasabi dahil hindi ka pa nag- g- glow up."
"E paano ba kasi 'yang makeup na 'yan?" pagtatanong ko sa kanya kaya tumawa naman siya ng pandemonyo.
"Ito concealer at foundation. Kailangan mo muna na foundation." Binuksan ni Hyacinth ang hawak niyang bote at pinahid ang laman no'n sa mukha ko gamit ang parang sponge ng hawak niya.
"Ano ba 'yan, bakit hanggang leeg?" reklamo ko nang umabot hanggang leeg ang paglalagay niya ng tinatawag niyang foundation.
"Wow, babae ka na?" singit ng isa kong kaklase.
"Tanga, hindi naman ako tomboy!" asik ko habang patuloy lang ang paglalagay ni Hyacinth sa leeg ko.
"Isunod natin 'tong foundation. Takpan natin eyebags mo."
"Aray!" reklamo ko na naman habang dinudutdot niya yung concealer sa mata ko. Punyeta ansakit!
"Huwag ka magulo para maging maganda ka na!" sigaw nito kaya nanahimik na lang ako.
Pagkatapos no'n ay kinuha niya ang sa tingin ko ay liptint na kulay pula.
"Ito na gagamitin natin sa pisngi mo pati sa labi," sabi niya pa at inalog alog ito bago buksan.
"Baka mamaya ini- i- scam mo ako. Mamaya mukha akong clown, kaltok de kalimot aabutin mo sa akin," pagbabanta ko pero hindi niya ako pinansin at inilagay lang sa labi ko ang liptint.
Sunod niyang inawa ay nag- apply siya no'n sa daliri niya at ipinahid sa pisngi ko.
Sa sobrang galaw ni Hyacinth sa mukha ko, akala ko mababalatan niya ako ng buhay dahil lang sa paglalagay niya ng makeup.
"Hoy, tapos na?"
"Oo, tignan mo." Inabutan niya ako ng maliit na salamin kaya doon ko nakita ang repleksyon ko.
BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Teen FictionSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...