Martyr 19

562 17 0
                                    

Martyr 19

Hindi pa rin kumakalas si Emerald sa pagkakayakap sa akin at sa ginagawa niyang pag- iyak. Hindi ko siya maintindihan pero patuloy pa rin ang pag- alo ko sa kanya sa hindi malamang kadahilanan.

Kakagaling lang rin niya sa break up at hindi ko alam kung ako ba ang dahilan kung bakit siya umiiyak.

"S- sorry, Fen." Hagulgol lang ang sumunod sa pagpapaumanhin niya sa akin.

Sorry?

Bakit?

"B- bakit?" Ako ang dapat nag- so- sorry sa kanya dahil ako yata ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya.

"Hindi ko nagawa yung promise ko."

Sa wakas ay kumalas siya sa pagkakayakap. Pinunasan ko ang luha niya dahil kalat na ang make up sa buong mukha niya.

Matamlay na rin sia at walang poise ang katawan tulad noon. Hindi ko rin nakikita ngayon ang maarteng side niya dahil parang wasted na wasted ito at walang pakialam sa hitsura niya.

"'Di ba I promise you na lagi akong nandiyan for Hideo and I will never leave him? But look what I did. I broke up with him!"

Ha?

Hindi ko maintindihan. Ang alam ko ay si Hideo ag nakipaghiwalay pero iba ang sinasabi ni Emerald.

"N- naiintindihan naman niya siguro-"

"Ako na ang nakipaghiwalay. Ramdam kong may iba siyang gusto." Tumingin siya sa akin ng deretso. Seryosong tingin pero hindi naman parang galit.

"At ikaw 'yon." Napayuko ako dahil sa dinugtong niyang mga salita.

Hindi ko alam ang isasagot kay Emerald. Masiyadong matindi ang mga salita niya para sa akin.

"G- gusto mo rin ba siya?" hindi ako sumagot.

"S- sabihin mo kung gusto o mahal mo a siya please." Hindi pa rin ako makasagot dahil nagdadalawang isip ako kung matatanggap niya ba ang magiging sagot ko sa katanungan niya o hindi.

"Pakisabi na lang ng deretso hindi yung ginagawa mo akong manghuhu-"

"O- oo. G- gusto ko siya Emerald," pinutol ko an mga salita niya at matapang na sinagot ang tanong niya.

Totoo namang gusto ko si Hideo at sa tingin ko ay wala akong nakkitang dahilan para itago iyon.

"Hindi ko alam kung kailan paano at kung saan. Wala namang tamang formula para masabi mong mahal mo ang tao 'di ba? Bigla na lang tumibok 'to para sa kanya. Hindi ko ine- expect pero ito ang nangyari." Pagpapaliwanag ko.

"Buti naman kung gusto mo rin siya. Akala ko ay mababalewala ang pagpaparaya ko." Bahagya siyang ngumiti at hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Lalo ko siyang hindi naintindihan dahil sa mga iniaasta niya.

"Just made a promise to me, Fennela. Don't you ever hurt or made Hideo cry-"

"Sorry pero napaiyak ko na siya at nasaktan ko," naiiyak kong saad.

Hindi siya nkaapagsalita pero patuloy pa rin ang daloy ng luha niya.

Dalawa kami ni Emerald na lumuluha ngayon at para kaming mga timang.

"M- magpapari siya, Emerald. Anong laban ko? Mahal niya naman daw ako pero ano? Diyos ang kalaban ko, Emerald. Hindi ko naman balak kalabanin kung anong gusto niyang kahinatnan naming dalawa ni Hideo. Parang ansakit lang kasi Siya na yung parang hahadlang sa amin. Diyos sa itaas na gumawa sa atin kahit kailan ay hindi ko siya pwedeng kuwestyunin." Humahagulgol ako at alam kong dama ni Emerald ang sakit.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon