Martyr 15
"Need help?" tanong ni Ralph habang nakalahad ang kamay.
Hindi ko alam bakit hindi ako nakagalaw. Ang tanging nagawa ko lang ay ang tignan siya na para bang ngayon ko lang siya nakita.
Bakit nandito siya? Bakit siya pa?
"Hey?" pagsasalita niya kaya kaagad akong napakurap. Hindi ko tinanggap ang paglalahad niya ng kamay at tumayo ako mag- isa ko. Kaya ko naman kasi at hindi ko kailangan kahit sino sa kanila.
Bakit naman ngayon pa siya sumulpot?
Siguro nangawit na siya kaya binawi na niya ang kamay niyang hindi ko naman tinanggap. Pinagpagan ko ang sarili ko.
Pumunta na siya ulit sa kotse niya at binuksan ang pintuan sa front seat.
"Sakay," banggit nito habang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam pero naguguluhan akong tumingin sa kanya.
Ano bang sinasabi niya?
"Fennela. Sakay," pag- uulit niya pero nakatingin lang talaga ako.
Nawala ang kabobohan ko at na- gets ko siya na pinapasakay pala ako sa sasakyan niya.
Kaagad akong umiling dahil kapag pumayag ako, siguradong issue na naman kung may makakakita. Ayoko rin makasama siya. Ayoko ng kasama. Kaya ko mag- isa.
"Huwag ka na tumanggi. I want to accompany you. Please?" parang nakikiusap na sambit niya.
Lord, sabi ko gusto ko ng mapaglalabasan ng loob. Pero bakit siya pa?
Wala bang ibang susulpot diyan? Dapat pala nasagasaan na lang ako ng ibang sasakyan para paggising ko sa ospital, si mama na mismo ang bubungad sa akin.
Pero bakit ex ko pa ang kasama ko dito?
"Fennela plea—"
"Ayoko," tugon ko.
Napakamot naman siya ng ulo at halatang malapit nang maubusan ng pasensya.
Uubusin ko talaga pasensya niya.
"Sabihin mo nga, mahala mo pa ba ako?"
"Angkapal naman ng mukha mo!" sigaw ko sa kanya.
"E bakit ayaw mong sumakay? Kung hindi ka sasakay that means hindi ka pa nakaka- move on sa aki-"
"Sino ba kasing may sabing ayaw ko sumakay at hindi pa ako nakaka- move on sa'yo? Saan ba tayo pupunta? Ambagal mo naman kumilos, tara na!" bulyaw ko at ako na msmo ang kusang sumakay sa kotse niya.
Hindi naman na talaga ako affected sa kanya. Masakit na lang para sa akin yung mga salitang binitawan ni Hideo. Anggulo at hindi ko maintindihan. Komplikado.
Pumasok na rin si Ralph sa sasakyan at nagsimula nang paandarin ito.
"I know you're not okay. Tell me, magkuwento ka 'cause I am willing to listen." Nakatuon lamang ang mga mata niya sa daan pero alam kong nasa akin ang atensyon niya.
Tahimik akong humikbi at pinunasan ang mga luha ko. Hindi ko napigilan dahil sobra- sobra na ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ako nagsalita. Hindi rinsiya nagsalita kaya naging tahimik kami. Inintindi niya lamang ako at hinayaan.
Wala akong kakayanan para ikuwento ang nangyari o kahit magsalita lamang ng kaunti.
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses.
"Saan mo gusto pumunta?" Mayamaya ay binasag niya ang katahimikan dahil sa tanong niya.
"G-gusto ko lang makalayo." Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Nakita kong nagkibit balikat lamang si Ralph at iniliko ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Teen FictionSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...