Martyr 7

713 21 2
                                    

Martyr 7

"Fennela kumanta ka na rin! Ilabas mo 'yang nararamdaman mo para kay Hideo!" Pinipilit na nila akong kumanta mayamaya pagkatapos ko tumigil sa pag-iyak. Gusto ko lang naman matahimik ngayon e.

"Tara sa kotse, tapos na misyon natin dito, napaamin na namin si Fen," mahinahong saad ni Xhan.

Lumabas na kami kahit hindi pa sila tapos kumanta. Walang magandang dulot sa tuwing nag- KTV kami. Kung hindi ako nasasaktan, umiiyak naman ako.

Bwisit na buhay, mga inday.

Lumabas na kami. Akala ko ay dederetso na sa kotse pero hindi naman pala. Pumunta pa kami ng resto dahil nagugutom daw sila. Hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. Gusto ko lang talaga makita si Hideo ngayon. Pero dapat hindi niya na kasama si Emerald.

"Fen, anong order mo?" tanong ni Ashanti sa akin nang makahanap kami ng puwesto at binigyan na sila ng menu ng waiter.

"W-wala akong gana. Kayo na lang kumain," tugon ko at tumanaw sa labas ng restaurant.

"Bilisan mo na, gaga. Ang arte nito."

"Huwag na kayo magulo, hayaan niyo na lang," saad ni Xhan sa dalawa kahit patuloy lang ang pagtingin sa menu.

Nag- order sila habang ako ay tinitignan lang sila.

"So, Fen. Kailan mo pa gusto si Hideo?" si Hyacinth ang nagsalita habang ang dalawa ay nakatingin rin sa akin at naghihintay ng sagot.

"H- hindi ko alam." Totoo namang wala akong alam at hindi ko alam kailan nagsimula 'tong nararamdaman ko. Biglaan na lang then boom! Ayon parang gusto ko na siya.

Kailan nga ba nagsimula?

"Sabi na e. May gusto ka talaga kay Hideo,"pagkokomento ni Xhan. Napayuko lang ako dahil medyo may katuwiran siya. Paano kasi, napapansin ko rin na palaging kapag nasa harap namin si Hideo at Emerald ay bigla na lang siyang nagtatanong kung nagseselos ako o hindi.

"Basta feeling ko safe ako sa kanya. Feeling ko komportable ako. Wala akong dapat alalahanin at wala akong dapat itago—"

Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang cellphone ni Hyacinth.

"Hello?" pagsagot nito sa tawag.

"Kasama namin siya. Oo sige, mayamaya si Xhan na lang. Sige byebye," Pagkausap ni Hyacinth sa kaiblang linya at tuluyan na niyaing binaba.

"Sino 'yon?" tanong ni Ashanti.

"Hmm, si Hideo. Tinatanong kung kasama daw ba natin si Penana niya. Xhan ihatid mo 'to pauwi tapos text mo daw si Hideo kapag naihatid mo na si Fen."

"Ano siya? Jowa?" pilosopo kong tanong.

"Take note, may ibang jowa." Pagbasag ni Hyacinth sa tanong ko.

Hindi ko alam pero kinilig na naman ako. Doon pa lang sa thought na tinatanong nia kung nasaan ako at parang chine- check niya kung okay lang ba ako. Gano'n ba talaga siya ka- concern?

Ito na naman ako sa stage na pakiramdam ko nagbibigay siya ng motibo pero ang totoo, ako lang naman 'tong nagbibigay ng malisya sa lahat ng ginagawa niyang kabutihan.

Naka- serve na ang pagkain nila kaya nagsimula na nilang ubusin 'yon. Nag- cellphone na lang ako dahil wala naman akong magawa dito at hindi pwedeng panoorin ko na lang sila kung paano kumain. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng video pero bigla namang namatay ang phone ko.

Lowbatt na pala.

Wala akong nagawa kundi itago ang phone ko sa loob ng bag ko at tumunganga sa kanila dahil wala na akong paglilibangan.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon