Martyr 8
Araw ng Sabado at para akong bangag pagkgising dahil natumba kaagad ako pagkatayo par asana pumunta sa kusina. Hindi naman ako nakainom pero bakit ganito?
Nakakalasing kaya ang zesto?
Humiga na lang ako ulit at nagpahinga dahil hindi naman ako nagugutom. Mamaya na rin siguro ako maliligo o baka bukas na dahil tinatamad na naman ako at nakakaramdam ako ng lamig galing sa simoy ng hangin.
Habang nakahiga sa kama ay tumingin ako sa kisame at sandaling nagmuni- muni. Kahit naman saan ako tumingin, parang nananginip ako dahil si Hideo lagi ang nakikita nasa isip ko.
Hibang ka na, Fennela.
Bakit ba kasi nagka- feelings ako sa lalaking 'yon? Hindi ko naman talaga alam paano nagsimula at hindi ko inexpect na magugustuhan ko siya.
Ginayuma niya siguro ako. Tapos yung mga pagkain na binibigay niya may gamot tapos ang side effects ay magkakagusto ako sa kanya.
Nagpagulong gulong na lang ako sa kama habang iniisip kung bakit ba ako nagkagusto sa kanya ng bongga. Feeling ko malapit na ako mabaliw.
Ano bang meron sa kanya? Oo na nga, nandoon na tayo sa part na guwapo talaga siya at attractive. Hindi naman siya gaanong kapasok sa standards ko. Moreno siya pero ang gusto ko maputi. Gusto ko yung seryoso at masungit e hindi naman siya gano'n dahil napakabait niya. Kaya nga kami nagkasundo at naging magkaibigan e. Gusto ko yung lalakeng laging naka- poker face o kaya walang emosyon. E humorous guy si Hideo at kahit wala siyang gawin, natatawa at natatawa pa rin ako sa kanya. But that standards would be an exception dahil kapag pala tinamaan ka sa isang tao, wala nang halaga 'yang standards na nasa utak mo at mahuhulog ka talaga ng malala.
"Penana!" rinig kong sigaw na hindi ko alam kung saan galing.
Wait, Si Hideo ba 'yon?
Napaupo ako sa kama at pinakinggan ang paulit- ulit na pagtawag sa akin. Napakunot ang nook o dahil boses talaga ni Hideo ang naririnig ko.
Tinakpan ko na lang ng unan ang tainga ko dahil anlakas ko na naman mag- imagine. Naiinis ako sa sarili ko! Bakit naririnig ko siya kahit wala siya rito.
"Penana!" Lalong lumakas ang boses ni Hideo sa utak ko. Tinignan ko naman kung anong oras na at pasado alas otso pa lang ng umaga kaya imposibleng si Hideo 'yon dahil tulog mantika siya at halos hapon na rin magising kapag walang pasok.
Tuluyan na akong tumayo at inayos pa sandlai ang kama ko dahil sa tingin ko ay walang magandang maidudulot kung nasa kuwarto lang ako.
Sinampal ko pa ang sarili ko sa kaliwang psngi dahil para magising ako kung sakaling nag- de- day dreaming ako.
"Letche ka, Fennela! Tigilan mo na 'yang pagpapantasya mo!: sermon ko sa sarili ko habang bumababa at para buksan ang pinto.
Para akong mabibingi dahil paulit- ulit ang tawag sa akin, bwisit na 'yan! Kapag ito hindi si Hideo hindi talaga ako maliligo ngayong araw.
Na- estatwa na ako nang makita ko kung sino ang nasa pinto.
Tae? Totoo ba 'to?
Kinusot ko pa ang mga mata ko para kumpirmahin kung may magbabago sa muling pagdilat ko. Pero wala, Si Hideo pa rin talaga ang nasa harapan ko.
"I- imposible. H- hapon na nagiging si Hideo kapag w- weekends. Hehe," sabi ko pero nakatingin lang sa akin ang Hideo na nasa harap ng pinto ko at parang nagtataka sa mga inaaksyon ko.
"Hoy Penana ano na? Tara gala tayo!" pagsasalita niya.
Hala nandito nga talaga si Hideo!
Sinampal ko ang sarili ko sa kanang pisngi naman para gisingin ang sarili kung sakaling nananaginip lang.

BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Teen FictionSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...