Martyr 6

795 26 5
                                    

Martyr 6

"Thank you for staying. Sana kaya mo pa. sana kayo niyo pa," he said and he kissed the hand of Emerald.

SANA OL

Ay, ano ba 'tong iniisip ko? Anong sana ol Fen?

"WALANG POREBER!" sigaw naman ng estudyante sa likod pero tinawanan lang ito ni Hideo.

"Tara sa canteen, libre ko kayo," pagyayaya ko sa kanla dahilan para masira ang sweet na atmosphere.

Umay.

Buti na lang ay pumayag si Xhan at niyaya niya na rin si Hideo. Hindi pa sana sasama si Emerald pero napasama na rin dahil sasama si Hideo at maiiwan siya kung sakali.

"Anong gusto niyo?" tanong ko.

"Sandwich na lang sa'kin Fen," ani Xhan.

"Hmm, just buy me water na lang Fennela. I'm on a diet kasi e," maarteng tugon sa akin ni Emerald.

Kung hindi ka lang talaga girlfriend ni Hideo.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw," sagot ni Hideo.

Napatingin naman ako ng masama sa kanya. Sa harap talaga ng girlfriend mo saka ka humaharot sa akin?

"Ikaw? Ano bang bibilhin mo?" pagdugtong ni Hideo sa tanong niya.

Paasa.

"A- ahh. Juice lang akin. Ikaw? Anong sa'yo?" nauutal kong tugon.

"Malamig na malamig na tubig yung akin tapos samahan mo na rin ng sandwich,"

"Dalawang tubig po. Yung isa malamig na malamig tapos isang kiss juice po at isang sandwich," sabi ko sa tindero na nasa canteen.

"Ayos ba yung kanta ko?" tanong ni Hideo sa akin.

"Hindi."

"Hindi ayos. Dahil ayos na ayos," pagdugtong ko sa sinasabi ko kaya nakahinga naman siya ng maluwag.

"Akala ko ampanget ng pagkakakanta ko e," usal niya habang napapahawak sa batok.

"Hindi pa ba ayos 'yon? E halos magwala mga kababaihan sa iyo? May nagsabi pa nga na anakan mo raw siya e," sabi ko kaya nagtawanan kami.

"Baka nadala lang sila sa emosyon."

"Emosyon mo mukha mo-"

"Ouch!" Naputol ang usapan namin ni Hideo at otomatikong napatingin kami kay Emrald na parang namimilipit sa sakit.

"Babe anong anngyari?" tanong ni Hideo kay Emerald.

"Baby sumakit yung paa ko. O- ouch."

Napakaarte talaga.

Pinaupo kaagad siya ni Hideo sa isang bakanteng upuan sa canteen. Tinanggal niya ang sapatos nito at marahang hinilot ang mga paa ni Emerald.

Aarte rin sana akong masakit paa ko kaso baka hampasin lang ako ng sapatos ni Hideo kaya 'wag na lang.

Hindi ko na sila tinignan at kinuha na lang ang mga binili ko.

Pagkaharap ko ay tinulungan ako ni Xhan magbitbit papunta sa table kung saan nakaupo ang maarteng si Emerald.

"Selos ka?"

"Saan na naman?"

"Kila Emerald saka kay Hideo," deretsong sabi ni Xhan.

"Hoy siralo ka, wala akong gusto kay Hideo!"

"May sinabi ba akong kay Hideo? Malay ko baka gusto mo si Emera-"

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon