Martyr 21

639 19 1
                                    

Martyr 21

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa marahanag pagyugyog sa akin. Maiinis pa sana ako pero kaagad kong binuksan ang mga mata ko at kinusot kusot pa ito.

Nakita ko ang sarili kong nakaupo sa sofa na natulog. Bakit gano'n? Nakayakap kay Hideo at ang kanang braso nito ang nagsilbing unan ko na siya namang nakapatong sa sandalang ng sofa. Tulog rin si Hideo at parang hindi pa rin nagigising.

Agad akong napabalikwas mula sa sofa at napatayo sa harap ni mama. Nakapamaywang lang siya habang may tuwalya sa balikat niya. Hindi ko alam kung nakaligo na siya o maliligo pa lang.

"Anak, Fennela, Hideo, gising na. Nako kayong mga bata kayo bakit sa sala pa kayo natutulog e may kama naman." Pagkokomento ni mama.

Oo nga pala! Rest day ni mama ngayon kaya nandito siya!

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa hiya dahil medyo awkward ang pagkakayakap ko kay Hideo habang natutulog pero nakita ni mama.

Ano ba naman 'yan.

Ginising ko si Hideo pero isa pa pala 'tong tulog mantika.

"Hideo, nandiyan si mama." Niyugyog ko siya nang kaunti pero hinawakan niya ako at hinila paupo ulit sa sofa.

Jusko, huwag sana umatake ang kaabnoan ni Hideo ngayon dahil nasa harap namin si mama.

"Dito muna tayo, Penana." Myghad lasing pa rin ba siya? Hindi pa rin bumababa amats?

Si mama naman ay suot na ang mapang- asar niyang ngiti at iling.

Bwisit, Hideo!

"Hideo huwag kang malandi nandito si mama." Sa bulong ko na iyon ay saka lang siya nagising at napabalikwas sa sofa.

Napatayo siya at luminga- linga at nakita si mama sa harap niya habang nakangiti.

"Bakit hindi mo naman kaagad sinabi?" saad ni Hideo habang nagmamano kay mama.

"Nako, hindi ka nga magising. Lasing ka ba?" tanong ni mama. Siguro ay naamoy niya si Hideo.

"Hindi mama, kaunti lang naman 'to. Saka malayo sa bituka. Hindi naman ako nalalasing." Sa mga sinasabi ni Hideo,hindi ko maiwasang matawa dahil hindi daw siya nalalasing pero kagabi halos hindi niya ako makilala bilang Fennela.

Siraulo.

"Diyan na muna kayo at magluluto ako-"

"Hindi na ma! Busog po ako e."

"Si Hideo na lang ang lulutuan ko-"

"Mama sa bahay na lang po ako kakain k- kasi dadaan rin po akong simbahan at mag- aayos doon kasi birthday ng simbahan bukas," pagpapalusot ni Hideo.

Mama na rin naman ang tawag niya kay mama noon pa lang dahil iyon na ang turing ni mama sa kanya per hindi ako papayag na maging kapatid ko siya.

Weak naman no'n. Hanggang kapatid lang.

"Oo nga po mama. Sabay na lang kami kakain kasi sasama po ako sa kanya, 'di ba? Hehe." Marahan kong kinalabit si Hideo sa likod para um- oo na lang siya na sasama ako.

Binigyan niya pa ako nang nalilitong tingin pero sinamaan ko ang titig sa kanya kaya nakapagsalita siya.

"O- oo nga po, tita. Sabi ko nga sasama po siya," naiilang nitong saad na para bang hindi sanay magsinunagaling.

Nagtataka talaga siyang tumingin sa akin pero hindi ko iyon pinansin at tumingin lang kay mama kung papayag siya.

"O sige, siguraduhin niyong kakain kayo a? Huwag magpapalipas ng gutom."

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon