Martyr 14

635 16 12
                                    

Martyr 14

Kinagabihan, nag- face time kaming tatlo ni Hyacinth at ni Ashanti. Kinuwento ko lahat sa kanila at kahit mismo sila ay nagugulat sa mga naganap.

"Hindi ko akalaing gano'n pala ang pinagdadaanan ng dalawang 'yon, kaya pala napakabigat ng loob nila sa isa't isa," komento ni Hyacinth.

"Pero girl, sino yung bagong gusto ni Hideo na sinasabi mong parang gusto rin ni Xhan?" Intirigang tanong mula kay Ashanti.

"Hindi ko alam." I said honestly. Wala akong kaide- ideya kung sino. Hindi ko sila mabasang dalawa. Pero halata sa kanila na may sari- sarili silang pinanghuhugutan.

"So may bagong gusto talaga si Hideo? Olats ka na naman gurl?"

"He! Manahimik ka diyan! Hindi naman sure 'yon e. Huwag ka making kay Ashanti. Habang may buhay may pag- asa!" pagpapalakas ng loob sa akin ni Hyacinth sa akin. I just gave them an assuring smile.

"Girl nga pala. Noong nawala ka at kinausap mo sila, nangolekta ng notebook si sir Josh sa Filipino. Lalagyan niya na daw ng grade edi kinuha na namin sa bag mo. Tiyaka may quiz daw bukas."

"Ha? Paano magre- review e nasa kanya ang notebook?" Naiinis kong tanong kay Hyacinth.

"Stock knowledge lang daw girl e." Napahilot na lang ako sa sentido ko.

We ended up the call by exactly 1:05 at the morning. Ilang oras na lang ang maitutulog ko nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dindalaw ng antok.

Habang nakahiga ay bigla kong naisip ang sinabi ni Ashanti.

Olats na naman ako. Talo na naman ako kasi parang hindi ako yung nagugutuhan ni Hideo na bago. Pero bakit pareho na naman sila ng natitipuhan ni Xhan? Pareho ba sila ng mata?

Bakit pareho na naman sila ng pinag- aagawan? Kaya siguro lalong tumitindi ang awayan nila.

Lintik na babae 'yan, kung sino man 'yon, mapapatay ko, pinag- aaway pa ang mga kaibigan ko. Kainis.

--

Kinabukasan ay lantang gulay akong bumangon pero agad nanapabalikwas dahil nakita ko ang orasan ko.

7:34 AM

Hindi ako nakapag alarm!

Agad akong nag ayos na sarili papuntang school.

Obviously ay late na ako sa first subject namin at hindi na ako makakapasok pero masiyado naman akong magiging maaga para sa second subject.

Hay buhay!

Dumating ako sa school ng eksaktong 8:15 at 8:45 pa ang next subject.

"You're too early for my second subject huh?" Mapang asar na sambit ni Sir Josh nang makasalubong ko siya sa hallway. Hindi ko na lamang ito pinansin at napabuntong hininga.

Kahit kailan talaga ang teacher na iyon.

Naalala kong may subject pala kami sa kanya ngayon at may quiz rin. Hindi naman ako nag- review dahil wala naman akong notebook. Ipinasa sa kanya.

Kainis.

--

Nang lumabas si Ms. Azel na siyang first subject namin, binati ko siya at gano'n rin ang ginawa niya.

Napapailing itong ngumiti bago magsalita.

"You look pale, Ms. Gomez."

"S- sorry ma'am late po kasi e."

"It's okay. Wala namang masiyadong ginawa. Magtanong ka na lang rin sa mga friends mo. See you around." Huli niyang sambit bago umalis.

Pumasok na ako sa classroom. Sumalubong naman ng tingin si Hideo na gulat na gulat. Pero hindi rin nagtagal ay nag iwas ito ng tingin. Nang mapadpad ang paningin ko kay Xhan ay napayuko ito.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon