Martyr 11

636 17 5
                                    

Martyr 11

3 araw nang absent si Hideo. Kahit isa rin sa tropa ay walang nakakabalita sa kanya. Walang paramdam. Walang pasabi. Basta na lang nawala.

Kahit text man lang, o kahit message sa messenger ay wala siyang iniwan. Ano bang problema no'n? Baka naman nasira ang phone niya? Ewan ko ba!

Hindi na lang ako nag- overthink. Baka kung saan pa kasi mapunta ang pag- iisip ko, mahirap na.

Hindi ko makausap si Hyacinth at Ashanti dahil may sarili silang mundo at maswerte dahil hindi sila nangungulit sa akin.

Si Xhan naman ay isa ring sakit sa ulo dahil absent. Dalawa na sila ni Hideo ngayong missing in action.

Biglang pumasok sa isip ko kung anong ibibigay sa nalalapit na birthday ni Hideo. Meron na siyang mga pangangailangan niya.

Pero ako, wala pa sa kanya.

Joke.

Sa totoo lang, hindi ko alam anong pwedeng ibigay, wala na akong alam na gamit na pwede niyang magamit sa pang araw araw na buhay. Hindi kasi masiyandong mahilig sa material na bagay si Hideo. He wants to treasure some memories to people rather than receiving a gift from them.

Hindi ko naman siya pwedeng bilhan ng gitara dahil madodoble at wala rin akong pera para doon.

Hindi rin naman pwedeng mga damit dahil andami na niyang gano'n, yung iba nga hindi na niya nagagamit at natatambak na lang.

Tumingin ako sa paligid. Napakaingay ng classroom. Ang iba ay nag- ce- cellphone. Ang iba naman ay nagsusulat.

Bigla na lang akong nakaisip ng idea na pwedeng gawin sa birthday ni Hideo. Tutal mahilig naman ako magsulat ng mga tula, bakit hindi ako gumawa para sa kanya?

Pero magugustuhan niya ba yung gano'n?

Kaya ko kayang gumawa para sa kanya?

Bigla ko na lang nakuwestiyon ang sarili ko kaya napatulala ako ulit.

Maling tao nga nagawan ko 'di ba? Edi gagawa ulit ako para sa maling tao. Para kay Hideo.

Awit.

Nagsimula na akong halungkatin ang bag ko. Kumuha ako ng papel at ballpen at inilapag na sa desk ko.

Nag- brain storming na ako.

Kung tula ang ibibigay ko kay Hideo, tula tungkol saan? Hindi naman pwedeng mema lang dahil birthday niya 'yon at kailangan maganda at parang pinaghandaan ang mga piyesa ko.

"Kamusta bakasyon mo sa Bicol?" rinig kong usapan nila Ashanti at Hyacinth.

Pumasok na kasi ngayon si Ashanti dahil nakabalik na siya at demeretso kaagad ng pasok kahiit kakauwi lang nila kaninang umaga.

"Beh huwag ka. Crush ako ng halos lahat doon. Duh. Angganda ko raw, duh!" Pagmamayabang ni Ashanti kay Hyacinth dahil gandang ganda siya sa sarili niya.

"Hoy gagi may pogi doon," pagbabahagi na naman nito ni Ashanti kaya nahamapas siya ni Hyacinth.

"Gaga, may boyfriend ka, fuck ka ba? Napakalandi mo napunta ka lang Bicol!"

"Luh? Sinabi ko lang na pogi hindi ko naman sinabing iiwan ko jowa kop area sa pogi!" sigaw ni Ashanti pabalik.

Napahawak ako sa sentido ko dahil hindi ako makapagisip ng isusulat para kay Hideo.

Inilayo ko na lang ang tingin ko sa kanila at saka nag- focus sa papel ko.

Medyo natahimik rin naman sila kaya nakahinga ako ng maluwag dahil medyo makakapag- isip na rin ako.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon