Martyr 12
Nandito kaming tatlo ni Ashanti at Hyacinth sa bahay ko. Naisipan naming dito na lang i- surprise si Hideo para hindi na magkaroon ng kalat sa bahay nila. It is now the 15th of October. Kaya nagsimula na kaming mag decorate.
Sa mga pagkain naman. Meron kaming biniling dalawang cake. Isa ay dulce de leche na favorite niya. At ang isa ay chocolate cake. May balloons rin dito sa puro blue na paborito niyang kulay. Habang sa Hyacinth naman ang nag- calligraphy sa isang yellow cartolina at may nakalagay na "HAPPY BIRTHDAY HIDEO"
Busy-ng busy kami ngayon dito habang hinahanda ang celebration ng birthday party ni Hideo. Aactually, 5 lang naman kaming magsa- salo salo. Ako, si Hyacinth, si Alexis, Xhan at ang birthday boy na si Hideo.
Teka, nasaan na nga pala si Xhan?
"Oy nasaan na si Xhan? Regalo niya pati siya na lang ang kulang.
"Kalma ka lang 'te. Maaga pa naman." Sagot ni Hyacinth.
Nandito na ang gitara, capo at tuner. Strings at pick na lang ang kulang na dapat ay si Xhan ang magbibigay.
"Wait tatawagan ko si Xhan." Pagsasalita ni Ashanti at kinuha ang phone niya.
Hinanda ko na ang regalo ko kay Hideo. Nasa iisang jar lahat ng sulat, tula, at mga lyrics ng kanta na related sa kanya. 100 lahat ng papel na nakalagay doon.
Pero may isang papel doon ang pinaka espesyal. Lahat ng paapel doon ay kulay yellow, white, red at may nag iisang kulang asul. Nakasulat siya gamit ang alibata o baybayin at nakasulat ang mga katagang "Mahal na kita"
Bahala na kung mabasa niya o hindi pero pupusta akong hindi dahil tamad siyang magbasa at hindi siya marnunong ng alibata.
Habang tinatawagan ni Ashanti si Hideo ay ako muna ang nag- take over sa Gawain niya. Nagluluto kasi siya ng mga pagkain. May cheese stick na literal na keso ang laman. May French fries. Kanin, menudo at ang pinaka favorite ni Hideo na lumpiang Shanghai.
"Fen, hindi daw makakapunta si Xhan dahil may aayusin siya." Pagsasalita ni Ashanti.
"Ha? Ano naman aayusin niya?" Sabat ni Hyacinth.
"Ewan. Walang sinabi e." Kibit balikat nitong sagot at nagluto na ulit.
Hala? Nakakapagtaka lang dahil dati naman pumupunta si Xhan sa birthday ni Hideo kahit anong mangyari. Ano kayang problema? For sure meron kasi napaka unusual ngmga nangyayari ngayon.
Habang nasa kalagitnaan ng pag- iisip ay biglang nag- ring ang cellphone ko. Nang makita naming si Hideo ang tumatawag ay automatiko kaming napatigil sa mga ginagawa namin at nagkumpol- kumpol.
"Sagutin mo bilis!" natatarantang utos ni Ashanti.
"H-hello?" bungad ko sa kabilang linya.
Ni- loud speaker ko ang cellphone ko para marinig din nilang dalawa kung ano man ang pag uusapan.
"Nasaan ka?" tanong ni Hideo mula s aka bilang linya.
"N-nasa bahay, bakit?" sagot ko, nakatingin naman ako kay Ashanti at Hyacinth na nakikinig ng mabuti.
"I'm so sorry." Pagkasambit ni Hideo ng mga katagang 'yon ay nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na nalungkot.
"S-sorry saan?" nagmamaang mangan kong tanong.
"Sorry about last night. Nag walk out ako. Stressed lang talaga ako e." Ramdam ko ang lungkot sa mga kataga ni Hideo.
Ewan ko pero feeling ko ay konektado ang lahat. Ayaw ni Hideo i- mention o marinig ang pangalan ni Xhan at ngayon naman ay hindi ito makaka- attend sa birthday ng kaibigan namin.

BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Teen FictionSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...