Martyr 13

669 18 15
                                    

Martyr 13

Masaya akong pumasok sa school habang inaalala pa ang mga kasayahang naganap sa birthday celebration ni Hideo kagabi.

Pagkatapos kasi ng sayawan ay kainan na. hindi ko alam pero feeling ko naging extra sweet si Hideo sa akin. Siya ang kumuha ng cake para sa akin at inilagay iyon sa plato ko. Noong naghuhugas naman ako ng pinggan ay bila siyang sumulpot at sinubuan ako ng marshmallows dahil daw hindi ako nakakain masiyado.

Napapatingin na lang si Hyacinth at Ashanti sa amin at napapa "Sana all look"

Sinadya kong pumasok ng maaga dahil pupunta pa ako sa principal at papapirmahan ang mga finished tasks na nagawa ng SSG.

Habang masayang naglalakad ay biglang may bumusina sa likod ko kaya alerto akong napalingon.

Xhan?

Dumiretso lang siya at ngayon ay katapat ko na ang sasakyan niya.

"Sakay na." Nakangiti niyang sabi kaya sumakay na kaagad ako dahil gusto ko ring mapaaga sa school.

"Bakit nga pala wala ka sa birthday ni Hideo? Anng naging problema?" nag- aalangan kong tanong sa kanya nang makasakay ako. Lately kasi ay iwas si Hideo kay Xhan at sa nakikita ko, ay gano'n rin siya.

"W-wala naman. I just made time for myself. Masiyado akong stressed these past few weeks kaya nag mediate ako." Halatang bored na sagot niya sa akin.

"B- bakit sa mismong birthday pa ng kaibigan natin?" Naiinis kong tanong sa kanya.

Made time for yourself? Siraulo, bakit saktong birthday pa ni Hideo kung pwedeng sa ibang araw mo na lang gawin 'yon?

"Fennela, please huwag na nating pag- usapan. Let's just change our topic into something that makes sense." Walang ganang saad nito kaya natahimik ako.

Makes sense? Bakit? Nonsense ba si Hideo?

"A- ano nga palang cause ng break up ni Hideo pati ni Emerald? May idea ka ba-"

"Fennela I said change the topic-"

"Ibang topic naman 'yon ah?"

"Pero tungkol pa rin kay Hideo!" Nauubusan ng pasensyang sigaw nito sa akin.

Saktong itinigil niya ang sasakyan dahil nasa tapat na kami ng school.

Hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako at sa halip ay lumabas na ako.

Sakto naman ay nakasandal sa entrance ng main gate si Hideo at parang may hinihintay.

Halos manlisik at magsalubong ang makakapal niyang kilay nang makita akong lumabas mula sa kotse ni Xhan.

Kaagad siyang lumapit at hinawakan ang mga kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko ipinahalata iyon.

Tatalikuran na sana namin si Xhan nang bigla nitong tinawag ang pangalan ko.

"Sorry." Sinserong saad niya sa akin.

Napailing na lamang si Hideo at hinila ako papasok ng school.

Bakit ba ayaw niyang pag- usapan si Hideo? Nakakainis na!

Nang makarating kami sa loob ng room ni Hideo ay padabog itong umupo sa upuan niya nang hindi man lang ako iniimik.

Umupo lang rin ako sa upuan ko at nandoon naghihintay ang dalawang babae. Hindi rin nila ako inimik dahil siguro alam nilang wala ako sa hulog para makipag usap.

Mayamaya pa ay sumunod na pumasok sa loob si Xhan. Salubong rin ang mga kilay nito pero nang magtama ang paningin naming dalawa ay nag iba ito. Parang nagmamakaawa nang patawarin ko siya sa mga nasabi niya.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon