Epilogue
WARNING: WALANG BOOK 2
"Nanay Fennela ko, bakit ka po umiiyak?" Niyakap ako ni Julia kaya lalo lang akong umiiyak.
Ang dating inaalagaan namin ni Hideo, ngayon ay ikinasal na.
"I am so proud of you, ikaw pa rin ang Julia ko." Nang bumitaw siya sa yakap ay pinunasan niya nang marahan ang mga luha ko.
Dalawampung taon na ang nakalilipas at ikinasal na nga si Julia.
"Makayakap ka naman kay Fennela parang siya ang ate mo," kunwaring nagtatampo na saad ni Hyacinth na nasa gilid ko kaya niyakap rin siya ni Julia.
"Ang arte mo naman ate," komento niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Hyacinth.
Lumaking maganda si Julia. Hindi angbago ang pagiging malambing niya sa amin ni Hideo.
Nakipagkamay naman sa akin ang napangasawa ni Julia.
"Ingatan mo 'yan ah?" habilin ko sa lalake at tumango naman ito
"Bub, nadito naman ako. Ako na lang ang yayakap sa'yo." Nagsalita ang asawa ni Hyacinth na si Uno kaya pilya itong ngumiti at pinisil ang ilong ng asawa.
"Hay nako, Uno. Kasal ito ng kapatid ko. Huwag mo ako paandaran dito at sa bahay na lang natin gawin ang gusto natin." Kahit kailan talaga ay pilya si Hyacinth pagdating sa asawa niya.
"Respeto naman, ambabababoy niyo," komento ni Ashanti na nasa gilid.
Binatukan naman siya ni Hyacinth kaya matalim silang nagtitigan.
Siyempre hindi pa rin nagbabago ang dalawa at lagi pa rin itong nagbabangayan.
Hindi ko akalain na sila Uno pala talaga ang magkakatuluyan. Dati ay naalala ko na ipinagkatiwala pa sa akin ni Hyacinth at kapatid niya para lang makipag- date kay Uno.
Ambilis ng panahon.
"Oy, tara na sa reception!" yaya ni Ashanti.
Tulad ni Hyacinth ay may asawa na rin ito. Si Gien ang napangasawa niy na high school boyfriend niya rin. Kasama niya ngayon sa pag- attend ng kasal ng kapatid ni Hyacinth.
"Nasaan na si Xhan?" tinanong ko si Ashanti na kasalukuyang nakikipaglambingan sa asawa niya.
Sana lahat.
"Nauna na sa reception kasama si Emerald." Napatango na lang ako sa sagot na natanggap ko.
Akalain mo nga naman? Sila pa ang nagkatuluyan?
Noong college na kami, itinuloy ni Xhan ang pagmamahal niya kay Emerald. Hindi ko alam saan na ang dating girlfriend ni Xhan pero parang wala naman talaga siyang girlfriend noon at sinasaib lang niya na meron.
--
Dumating na kami sa reception at nando'n na halos lahat ng bisita.
Karamihan dito ay ang kaibigan nina Julia at ng asawa niya.
Nakaupo lang ako sa table habang kumukuha sila ng pagkain.
Wala akong gana at wala akong balak kumain.
"Wala pa ba si father?" tanong ni Hyacinth sa akin nang makabalik siya sa table at may dalang pagkain.
"Matagal pa 'yon. Baka may inaayos pa sa simbahan." Biglang sumulpot si Xhan kasama si Emerald. Kaagad naman silang nag- beso sa akin.
5 buwan nang buntis si Emerald. Habang si Hyacinth naman ay may isang anak at iniwan muna nila sa bahay kasama ang nanny nito.
Si Ashanti naman ay wala pang anak at parang wala silang balak ng asawa niya dahil busy sa pag- aalaga ng aso at kina- career ang pagiging fur parents nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/211023867-288-k101011.jpg)
BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Teen FictionSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...